Chapter 5

883 51 3
                                    

Hindi ko akalaing makita ko pa siya ulit at dito pa talaga. Hindi ko maipaliwanag 'yong kabang naramdaman ko kanina. Kahit sino naman siguro maramdaman ito lalo't makikita muna kasama siya sa mga malalaking tao sa pinagtrabahuan mo. Mabuti na lang talaga at pinaalis na kami agad ni Mrs. Sevilla, doon lang ako nakahinga ng maayos. Hindi ko na alam gagawin ko kapag nagtagal pa ako doon. Sigurado naman ako na hindi niya ako nakita kasi naging abala din siya sa pakipag-usap.

"Bes, nakikinig ka ba?" Bigla akong natigil sa pag-iisip nang marinig ang boses ni Yanna. 

Napatingin ako dito. "May sinasabi ka ba?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"My God, alam mo ba kanina pa ako nagsasalita dito. Hindi ka pala nakikinig. So kausap ko hangin?" Inis nasabi ni Yanna. Kanina pa malalim 'yong iniisip ko, hindi ko man lang namalayan ang mga sinasabi ni Yanna sa akin. 

"Pasensya ka na, may iniisip lang ako," paghingi ko ng paumanhin sa kanya.

"Ano ba kasi 'yang inisip mo? Spill the tea! Wala ka yata sa sarili mo ngayon."

Sinabi ko sa kanya tungkol sa lalaki na 'yon. Iyong una namin pagkikita at 'yong nangyari sa mall. Medyo nagulat pa siya sa sinabi ko sa kanya. Akala kasi niya nasa mall lang kami nagkita, hindi ko rin naman kasi nakwento 'yong nangyari noong nagkasakit siya. Nawala din sa isip ko dahil naging busy sa mga gawain.

"Bakit siya nandito? Tapos kasama pa niya 'yong board." Naguguluhang tanong ni Yanna. Kahit ako iyan ang naging tanong ng aking isipan. Tapos nabibilang pa siya sa board. Iniisip ko pa lang na hindi naging maganda 'yong pagkikita namin.

"Siguro iiwasan ko na lang siya. Hindi naman siguro ako natatandaan n'ya."

Alam ko naman na mahirap magtago sa kanya, lalo na at manonood sila sa event. Isa rin ako sa facilitator sa games. Hindi ko naman pwede i-asa na lang kay Keifer lahat. Pinagdarasal ko na lang na hindi niya ako makilala. Dahil kung mangyari 'yon, lagot na talaga ako at madadamay pa trabaho ko. Kaya nagpasya na kami ni Yanna na pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang event. Pagdating namin, agad namin nakita 'yong madaming tao. Hindi pa nagsisimula ang program, pero sigurado ako na maya't maya ay magsisimula na. Makikita mo 'yong ngiti ng mga batang kasama ang kanilang mga magulang.

Nakita ko umakyat na si Ms. Belle at nagsimula nang batiin ang lahat ng nandoon. Sinimulan ang program sa pagsayaw ng Grade-6 pupils at nagbigay nang message si Mrs. Sevilla para sa mga parents nadumalo. Pagkatapos ay pinakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento sa kanilang mga magulang. May umawit at sumayaw nakinatuwa naman ng kanilang mga magulang. Nakakatuwa tingnan na makita ito.

Nilapitan ako ni Keifer at sinabihan na malapit na magsimula 'yong games. Nakahanda na rin ang ibang teachers natutulong sa pag-facilitate sa games. Pagkatapos ng program ay kailangan muna namin ipaliwanag ang mechanics ng first game. Nakapag-usap na kami na si Keifer muna ang magsabi ng mechanics sa unang game at ako naman ang sumunod. Medyo nakahinga na rin ako kahit kunti.

"Calling the attention of our beloved parents to prepare for the games," wika ni Teacher Josie. Nakita ko rin si Keifer nalumapit kay Teacher Josie. Sinimulan na ni Keifer na ipaliwanag ang mga dapat gawin at hindi gawin para sa unang laro. Pumunta ako sa kinaroroonan ni Yanna pero para akong binuhusan ng malamig na tubig at hindi ko na maihakbang ang aking paa nang makita ko naman 'yong taong ayaw ko makita. 

"Teacher Leign, halika dito," tawag sa akin ni Teacher Daisy sabay kaway. Nagdadalawang isip ako lumapit sa kanilang kinaroroonan dahil nadoon 'yong iniiwasan ko. Pero hindi naman pwede na hindi ako pumunta sa kanila kasi kailangan nila ako. Huminga ako ng malalim at naglakas loob akong lumapit sa kanila. Kung maglaro ba naman ang tadhana dito pa talaga siya kung saan ako naka-assign. 

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon