Chapter 40

603 20 0
                                    


"Yanna, ano ba gagawin ko.." Napahilamos ako sa aking palad kasi sobrang naguguluhan ako na. Hindi ko na alam kung ano dapat ko gawin. 

"Pwede ba, Leign...sabihin mo sa akin ano ba 'yang problema mo. Kanina ka pa paikot-ikot d'yan. Ako 'yong nahihilo sa iyo, hindi naman ako manghuhula para malaman 'yang nasa utak mo." Reklamo nito sa akin, kasi naman hindi ko talaga alam kung ano gagawin ko. Noong isang araw pa ako nag-iisip kung ano iyong dapat gawin.

 "Teka- h'wag mo sabihin na buntis ka. 'Yan na ba ang sinasabi ko. Halika at puntahan natin si doki, kailangan ka niyang panagutan." Tumayo ito at kinaladkad ako palabas.

"Teka lang, ano ba 'yang naiisip mo." Binawi ko ang aking kamay at bumalik sa aking kinaroronan kanina. "Hindi ako buntis, ano ba 'yang nasa utak mo." Nakasimangot ko nasabi sa kanya. 

"Ang problema ko lang naman hindi ko alam kung ano ire-regalo ko sa ina ni Laurent. Sa susunod na lingo na kasi 'yong birthday at isasama ako ni Laurent." Napabuntong hininga ako, nakita ko na iyong mommy niya minsan sa bahay noong nagtuturo ako kay Lauren. Pero bilang tutor kasi iyon kaya sobrang formal namin kung mag-usap. Sinabi kasi sa akin ni Laurent na ipakilala niya ako sa araw na iyon bilang girlfriend niya, kinakabahan ako sa pwedeng maging reaksyon ng magulang niya.

Paano kung hindi nila ako gusto. Paano kung ayaw nila sa akin. Hindi ko mapigilan mag-overthink.

"Oh my gee!! Meeting the in laws na pala. I know that feeling, super nakakakaba." Tiningnan ko ng masama si Yanna, imbis na palakasin ang loob ko, mas lalo akong pinapa-overthink. "Okay...chill lang...be yourself ka na lang. No need magpa-impress talaga. Sasamahan kita sa mall upang bumili ng regalo tapos iyong susuotin muna rin." Medyo gumaan ang loob ko sa kanyang sinabi.

"Thank you, Yanna." Niyakap ko ito, tinapik naman niya ang aking likuran.

"Sino ba magtutulungan..May naisip ka na ba na i-regalo mo?" Umiling lang ako, nagtanong ako kay Laurent, sinabi niya na kahit ano. Importante nandoon ako, hindi naman kasi mahalaga daw iyon sa nanay niya. Kaya wala talaga akong idea kung ano iyong ibibigay ko. Sinabihan niya akong huwag mag-abala pero nakahihiya naman kung wala akong dala.

"Medyo d'yan tayo matatagalan sa pag-iisip, kasi naman rich 'yong in laws mo. I'm sure nasa kanya na lahat at madali lang niya makuha ang mga gusto niya. Ang hirap naman..." Napatingin ito kay Kystal nakararating pa lang. "Bes, kapag magbibigay ka ng regalo sa nanay ng jowa mo, ano ibibigay mo?" Umupo si Kystal sa harap namin at sumandal sa may sofa, halatang pagod ito.

Nag-iisip ito sa sinabi ni Yanna. "Iyong sa akin perfume lang naman, sino ba bibigyan mo? May jowa ka ba?" Nagtatakang tanong nito.

"Hindi ako, itong kaibigan natin." Sabay turo sa akin.

"Sa nanay ni dok.." Nag-isip na naman ito. "Mahirap naman mag-isip. Sa nakikita ko kasi mayaman si doki kaya I'm sure iba 'yong mga regalo sa kanila. Baka regalo non mga kotse, lupa o alahas." Binato ni Yanna ng unan si Kystal kaya napamura ito dahil tumama sa kanyang mukha. "Problema mo?" Inis nasabi nito.

"Kasi naman, hindi ka nakakatulong..May pa kotse, lupa at alahas ka pa. Wala nga tayo non.." Pinandilatan ng mata ito ni Yanna.

"Iyong kasi nakikita ko sa movie.." Tanggol nit sa sarili. "Maghanda ka rin sis, baka alukin ka ng 50 million para layuan ang anak niya," dagdag nito.

"Naku, Kystal! Matulog ka, kahit ano na 'yang  pumapasok sa utak mo. Hindi ka nakakatulong." Taboy ni Yanna dito.

Tumayo si Kystal. "Matutulog sana talaga ako, ikaw lang ito nagtatanong. Ayaw naman maniwala sa sinabi ko.. Bahala ka nga d'yan." Umakyat na ito sa taas.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now