Chapter 8

762 41 3
                                    

"Invited kayo lahat sa birthday ko. Magtatampo talaga ako kapag hindi kayo pumunta," sabi ni Hanz sa amin. Sa susunod na linggo na kasi 'yong birthday niya, kaya ngayon nangungulit na pumunta kami.

Nandito kasi kami ngayon sa canteen nag-uusap habang kumakain dahil break namin. Kakarating ko palang rin dito kasi pumunta muna ako sa office ni Mrs. Sevilla upang sabihin 'yong desisyon ko sa sinabi niya kahapon. Tinawagan na rin niya si Mrs. Craige upang ipaalam ito. At mamaya pagkatapos ng klase ay magkikita kami ni Mrs. Craige kasi may dapat kaming pag-usapan.

"Wala naman akong regalo." Narinig kung sabi ni Yanna. Tinawanan lang ito ni Hanz kaya nainis na lang ito. Alam na alam n'ya talaga kung paano inisin itong si Yanna.

"Bahala ka sa buhay mo," pikon na sabi nito.

"Okay lang naman 'yon, ikaw talaga hindi mabiro. Ang mahalaga lang sa akin pumunta kayo kahit walang regalo." Bawi ni Hanz upang mawala 'yong inis ni Yanna. Kaya natawa na lang kami. Minsan nahahalata na talaga namin na may gusto ito kay Yanna. Pero hindi lang niya sinasabi kasi bawal din naman sa school ito.

Mabuti at natigil na rin 'tong dalawa sa pang-iinis sa bawat isa. Tinapos ko na rin agad 'yong pagkain ko dahil malapit na 'yong oras. Nang tumunog na ang sign upang ipaalam sa amin na tapos na ang break ay nagsitayuan na kaming lahat at nagtungo sa aming classroom.

Medyo naging stressful 'yong araw ko ngayon dahil madami sa mga bata ang nagkukulit kanina. Kaya nang matapos 'yong klase ko ay naupo na lang ako sa pagod. Nang makabawi na ako ng lakas ay naghanda na ako dahil may lalakarin pa ako. Kailangan kasi namin magkita ni Mrs. Craige upang makapag-usap. Sinabihan ko na rin si Yanna tungkol rito, kaya alam na niya na hindi kami sabay na umuwi. 

Nang matapos na akong mag-ayos ay umalis na ako. Pumunta na ako sa lugar kung saan 'yong sinabi sa akin ni Mrs. Sevilla kanina. Pagdating ko doon ay may nakahanda na table para sa amin. Umupo muna ako doon at tiningnan ang oras. Siguro na traffic pa 'yon, baka rin may ginagawa pa.

"Miss Manquez!" Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan nang makita ko 'yong tumawag sa akin. Mabuti na lang at nakakapit ako agad. Siya ba ang kakausapin ko ngayon. Kaano-ano niya ang batang tuturuan ko. "Miss Manquez, right?" Tanong niya sa akin. Kaya napatango na lang ako. Umupo ito sa bakanteng upuan sa harap ko.

"Kayo po ba ang asawa ni Mrs.Craige?" Lakas loob kung tanong sa kanya. Nakita ko pa na kumunot 'yong noo niya sa nasabi ko. May mali ba akong sinabi. Gusto ko na tuloy umurong, pero nahihiya ako kay Mrs. Sevilla. Ayaw ko rin ma-disappoint siya sa akin. Iyon ang isa sa kinatatakutan ko.

"Ganoon na ba ako katanda tingnan?" sakristong sabi niya sa akin. Nakaramdam tuloy ako nanghiya. Ito kasing bibig ko, magtatanong na lang 'yong hindi pa maganda.

"Sorry sir," sinsero kung sabi sa kanya. At yumuko dahil na rin sa labis na hiya ko.

"Forget about that. By the way, I'm Azikiel Laurent Craige, the brother of Lauren." Pakilala niya sa kanyang sarili. Nakakatakot naman 'tong kausap.

"Zachna Leign Manquez," maikling sabi ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa kaba at takot na magkamali.

"I know. My parents have already checked your background. I already saw it and you qualify based on the information." Hindi ko man lang alam na may background check pala 'to silang nalalaman. Kinakabahan natuloy ako, pero kung knowledge lang naman pag-uusapan kayang-kaya ko naman 'yan.

"I just want to tell you about your schedule as a tutor for my sister. Tatlong araw sa isang linggo mo lang siya tuturuan." Paliwang niya sa akin at sinabi na rin kung anong oras ako dapat magturo. Sinabihan na din ako ng mga dapat kung gawin at hindi. At pinaalam niya sa akin kung saan magaling si Lauren at mahina naman na subject. Mabuti na rin at alam ko ito.

"Naiintindihan ko, sir," sabi ko sa kanya. Medyo nakaramdam ako ng kaunting ilang dahil sa kanyang mga tingin sa akin. Para kasing inaaral niya ako sa pamamagitan ng tingin. Oh! baka guni-guni ko lang 'yon.

"Good, sasabihan ko na rin 'yong guard sa subdivision at sa bahay namin ang pangalan mo para kilala ka nila. Ito lang dapat ipakita mo upang makapasok ka sa subdivision." May inabot siya sa akin at kinuha ko ito saka tiningnan. Para itong ATM card na may nakalagay na pangalan ko. Kailan kaya nila ito pinagawa.

"Salamat," sabi ko dito. Nagulat ako ng may pagkain na iniligay sa table namin.  

"I need to go. You should eat first before you leave. I've already paid for it." Pagkatapos niyang sabihan at umalis na siya. Naiwan na lang akong mag-isa. Ano ba tingin niya sa akin, malakas kumain sa dami ng order niya na pagkain. Ganito ba kumakain mayayaman parang may birthday. Maganda sana nandito si Yanna para naman may kausap ako habang kumakain.

Sinimulan ko nang kainin ang mga pagkain. Kapag hindi ko maubos ay ipapabalot ko na lang. 

"Teacher Leign.." Napalingon ako ng may tumawag. 

"Sir Keifer, kayo pala."

"Tama talaga ako na ikaw nakita ko. Bakit ka mag-isa? Iniwan ka ng ka-date mo?" Tanong sa akin ni Keifer. Muntik ko pang mabuga 'yong iniinom ko dahil sa kanyang sinabi.

"Kayo talaga, sir. Wala akong ka-date may kinausap lang." Paliwanag ko dito baka ano pa maiisip. Sinabihan ko rin siya nakumain para may kasama naman ako. Madami din kasi 'to, mahirap ubusin. Mabuti na lang at napapayag ko itong si Keifer dahil hindi naman siya nagmamadali. 

"May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nito?"Tanong niya sa akin kaya tumigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya saka umiling. "Ihahatid nakita sa inyo." Nakangiting sabi niya kaya pumayag na lang ako. Kakapagod din maghanap ng masasakyan sa oras na ito. 

Nang matapos na kami kumain ay ihinatid na ako ni Keifer. Nagmamadali din itong umalis kasi tumawag 'yong kapatid niya. Pagdating ko doon nadatnan ko si Yanna na abala sa pag-check ng activity.

"Kumain ka na?" sabi niya sa akin, hindi man lang ako nilingon dahil busy ito.

"Oo, kanina kaya natagalan ako."

"Kumusta naman?" Umupo ako sa tabi ni Yanna. Mamaya na ako magbibihis, medyo nakaramdam din ako ng pagod.

"Alam mo ba 'yong lalaki sa school at mall ay ang naka-usap ko."

"Ano?" Napatigil ito sa pag-check at napatingin sa akin. Sinabi ko naman sa kanya lahat 'yong nangyari kanina. "Bes, baka destiny talaga kayo. Alam mo 'yong lagi talaga kayo pinagtagpo ng tadhana," dagdag na sabi niya.

"Nagkataon lang 'yon." Ito talaga ang hilig maglagay ng meaning. Kahit ano maiisip. Tumayo na ako at nagpaalam na magbibihis baka saan pa aabot 'tong imahinasyon nito. Pag-akyat ko sa taas ay nilagay ko agad 'yong gamit ko sa table. At pumunta sa closet para kumuha ng damit pero bigla ko na lang nakita 'yong jacket. 

Napaisip tuloy ako na dadalhin ko ito nextweek sa bahay nila para isauli. Pero nahihiya kasi ako baka maalala niya 'yong pangyayari na 'yon. Kumuha na lang ako ng damit at sinarado na 'yong closet. Pag-iisipan ko na lang muna. Agad ako nahiga sa kama pagkatapos magbihis dahil sa pagod.

Ilang araw na ang lumipas, medyo naging busy ako dahil sa mga gawain sa school. Lalo't na malapit na ang exam ng mga bata. Bukas na rin ako magsisimula sa pag-tutor sa anak ni Mrs. Craige. Kaya inihanda ko na 'yong mga dapat ko dadalhin bukas.


----

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now