Chapter 6

867 44 0
                                    

Nang dumating kami sa clinic ay agad kaming sinalubong ng school nurse. Pero mas kinagulat ko, makita 'yong lalaki na iniiwasan ko makita. Anong ginagawa niya dito. May sakit ba siya. Pinaupo ako ni Keifer sa bed at nag-usap sila ng school nurse. Bumalik si Keifer upang magpaalam sa akin pero sinabihan naman niya ako na babalik siya kaagad. May gagawin lang siya.

Bigla lumapit sa akin 'yong lalaking may dalang medicine kit. Siya ba 'yong gagamot sa akin. Kung ganoon ay isa siyang doktor. Umupo siya sa harap ko at kinuha 'yong braso ko. Nilinis niya 'yong natutuyong dugo sa sugat ko habang nakatingin lang ako sa kanya.

Medyo nakaramdam ako ng kaunting kirot pero hindi ko pinahalata. Ginamot niya 'yong mga galos ko at nilagyan ng gamot. Sinuri din niya 'yong paa ko, medyo napadaing ako ng hawakan niya ito. 

"Huwag ka lang masyadong gumalaw pa. Kailangan mo ipahinga ang paa mo upang hindi mamaga." Seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin pa rin ako sa kanya. Akalain mo 'yong taong tinatarayan at kinakainisan ko ay ang gumamot sa akin ngayon. Bigla tuloy ako nakaramdam nanghiya. Lumapit sa amin 'yong school nurse para iligpit 'yong mga gamit. 

"Thank you." Agad nasabi ko nang makitang paalis na ito. Bigla na lang siyang huminto at lumingon sa aking kinaroroonan. Napayuko ako dahil na rin sa hiya. Narinig ko na lang ang yapag niya na paalis hanggang sa nakalayo na ito. Sinabi sa akin ng school nurse na may ginamot dito kanina siya dahil umalis 'yong school doctor. Paalis na sana siya kanina pero nakiusap si Keifer nasuriin muna ako bago umalis.

Pumunta na rin si Mrs. Sevilla rito at sinabihan ako na magpahinga muna at sila na raw ang bahala sa event. Hindi na ako dapat mabahala dahil may iba namang teacher ang papalit sa trabaho ko. Kaya naiwan na lang akung mag-isa dito sa clinic at tanging naririnig ay ang sigawan sa labas. 

"Teacher Leign.." Tawag sa akin kaya napalingon ako. Nakita ko 'yong dalawang bata kanina na nag-aaway. Lumapit sila sa akin.

"Sorry po at nasaktan kayo kanina," sinserong sabi nila sa akin.

"Wala 'yon, sana maisip na ninyo na hindi maganda 'yong nag-aaway. Sana malaman ninyo ang mga maling nagawa ninyo. H'wag na sana ito maulit pa," wika ko sa kanila. Nakita ko sa kanilang mga matang nagsisi na sila sa kanilang nagawa. At alam ko na nabigyan na din sila ng disiplinary action ni Mrs. Sevilla. 

Hindi na rin sila nagtagal rito at nagpaalam na rin sila sa akin kaya naiwan na lang akong mag-isa rito. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising lang ako nang makarinig nang-ingay.

"Mabuti naman at gising ka na. Akala ko tuloy dito na rin ako matutulog," bungad sa akin ni Yanna. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si Keifer na nakaupo sa dulo kasama si Hanz. Tiningnan ko rin kung anong oras na at nakita ko na malapit na palang gumabi.

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko sa kanya agad. 

"Wow, ganda nang tulog mo nakakahiya naman na gambalain ka pa namin," sagot ni Yanna sa akin. Inalayan niya ako tumayo. Mabilis naman tumayo ang dalawang lalaki at sila na ang umalalay sa akin. Kinuha na pala ni Yanna 'yong gamit ko at siya na ang nagdala ng aking gamit. Sinabihan din kami ni Keifer na ihahatid na lang niya kami upang hindi na mahirapan pa. Lalo't malapit na gumabi at mahirap na makasay ngayon sa sakayan ng jeep dahil sa kalagayan ko.

Paglabas namin sa clinic ay medyo madilim na. Wala na rin makikitang tao maliban sa mga naglilinis ng kalat dahil sa event. Pagdating namin sa parking lot ay binuksan ni Keifer ang pinto at inalayan naman ako ni Hanz na makapasok. Nagpasalamat na lang ako dahil sa tulong nila. Sigurado kasi ako na mahihirapan kami ni Yanna kung kami lang lalo nasa kalagayan ko.

Pagdating namin sa apartment ay inalayan pa ako ng dalawa na makapasok kahit tumanggi na ako, kasi nakakahiya naman masyado ko na silang na-abala. Nagulat din si Kystal nang makita niya kami at labis ito nag-alala sa akin kalagayan.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon