Chapter 31

567 28 0
                                    

Papunta kami ngayon sa Enchanted River, isa raw ito sa mga pinupuntahan ng mga turista kapag pumunta sa Surigao. Kaya hindi na namin pinalagpas ni Laurent at sinama na namin ito sa aming gusto puntahan dahil bukas babalik na kami sa Manila. Ilang oras lang ang biyahe papunta sa Hinatuan kung saan nandoon makikita ang sikat na River. Pagdating namin doon ay nakita namin ang iilang tao na naliligo na, agad naman akong namangha sa aking nakita, napakalinaw at malinis ang tubig dito.

"D'yan ka muna, kukunan kita ng picture." Utos sa akin ni Laurent, sinunod ko naman ang kanyang sinabi. Kahit saan talaga kami magpunta may instant photographer ako. "Maligo na tayo," yaya nito sa akin at hinubad ang suot na polo tanging short lang naiwan dito. "Huwag masyado titigan, baka matunaw abs ko n'yan." Nakangising sabi sabay kindat sa akin.

Hinampas ko ito sa braso. "Kapal, wala ka namang abs." Tumingin ako sa ibang parte ng lugar. Nahihiya kasi ako dahil nahuli ba naman akung nakatingin sa kanya. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko. Makikitingin na lang, nagpahuli pa talaga.

"Talaga? Bakit sobra ka makatitig kanina." Pumunta ito sa aking harapan kaya naiilang tuloy ako.

"Maligo na tayo." Pag-iba ko nang usapan at nilagpasan ko siya. Hinubad ko ang aking suot na loose shirt saka dahan-dahan pumunta sa tubig. Napayakap ako sa aking sarili dahil sa sobrang lamig. Humawak ako sa may hawakan na lubid upang hindi ako tangayin ng agos. "Halika na," tawag ko dito.

Nagulat ako ng bigla itong tumalon sa tubig. Hinanap ko agad siya sa aking mga mata kung nasaan na siya pero hindi ko siya makita. "Ayy! butiki.." Gulat na sigaw ko ng may biglang humawak sa akin. "Ginugulat mo naman ako." Nakasimangot ko na sabi nito at tinalsikan ito ng tubig, tawa lang ito ng tawa.

"Halika, doon tayo." Turo niya sa medyo malalim na parte. "Bitawan mo na 'yang lubid, para kang butiki na nakakapit." Natatawang sabi niya kaya binatukan ko ito. Hinawakan niya ang kamay ko at lumangoy kami sa kanyang sinabi na lugar. Medyo natakot ako dahil malalim na ito kaya napakapit ako sa kanya.

"Don't be scared; I'm here. I'm not going to let anything bad happen to you." Napangiti lang ako sa kanyang sinabi. Nawala iyong takot na nararamdaman ko kanina. Hinawakan niya ulit ang aking kamay at hinayaan na anurin kami nang agos ng tubig. Nang mapansin niya na nilalamig na ako, nagyaya itong umahon na kami. Agad naman niya pinasuot ang kanyang polo sa akin upang hindi na ako lamigin.

"Paano ka?" Nag-alalang tanong ko, baka lamigin din ito.

"Huwag mo akong alalahanin." Pinisil nito ang tungkil ng aking ilong. "Dito ka lang," sabi nito sa akin at umalis ito. Kaya umupo na lang ako habang hinihintay siya. Pagbalik niya may dala na itong maliit na towel. Lumapit ito sa akin at pinatuyo nito ang aking buhok gamit ang towel. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao kapag dumadaan sa amin.

"Ako na, nakakahiya naman sa iyo." Kukunin ko sana ito pero inilayo niya ito.

"Umupo ka lang d'yan, ako na bahala." Hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginawa at nakatingin na lang ako sa mga tao na masayang naliligo. Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko na sinusuklay na niya ang aking buhok. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala, nakakatawa ka lang. Hindi ko akalain na gagawin mo iyan."

"Ginagawa ko minsan ito sa kapatid ko. Ako minsan nagpapatuyo ng buhok ni Lauren pagkatapos ay sinusuklayan ko." Paliwanag nito habang pinagpatuloy ang pagsusuklay sa aking buhok.

"Napakabait mo naman na kuya. Alam mo minsan gusto ko rin maramdaman na may kuya, ako kasi iyong panganay sa amin. Gusto ko rin maramdaman kung paano alagaan ng isang kuya." 

"Huwag ka mag-alala, nandito naman ako para alagaan ka." Mahinang sabi nito pero sapat naman upang marinig ko.

"Bumabanat ka ba?" Nakangiting tanong ko dito.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now