Chapter 34

502 17 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba nang tawagin na ako ni Yanna dahil dumating na si Laurent. Muntik pa ako mahulog sa hagdan sa kamamadali. Pagbaba ko nakita ko agad si Laurent na nakaupo sa may sofa. 

"Good morning," bati nito sa akin. Na-conscious tuloy ako nang makita siya, sobrang gwapo niya sa kanyang hitsura. Bagay na bagay sa kanya ang suot nito. Lumapit ito sa akin at naamoy ko ka agad ang kanyang gamit na pabango, hindi ito masakit sa ilong.

"Sis, huwag pahalata na sobrang mangha ka na kay doki. Baka tumulo iyang laway mo." Agad ko nilingon si Yanna at tiningnan ng masama. "Oh! Makatingin ka parang papatay ka na. Pinagsabihan lang kita, kanina ka pa nakatulala nakatingin kay doki." Babatuhin ko sana ito ng libro pero napalingon ako kay Laurent nang tumawa ito. Tiningnan ko ito nang masama kaya mabilis naman ito tumigil.

"Tama na 'yan, baka ma-late pa kayo." Kinuha ni Laurent ang hawak ko at siya na ang nagbitbit nito at naglakad na kami papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan pa ako ng pinto nito. Nauna na kaming dumating sa kung saan naka-park ang sasakyan nito, hinihintay na lang namin si Yanna dahil siya pa kasi ang nag-lock sa apartment. Pagpasok niya sa sasakyan ay agad na pinaandar ni Laurent saka nagtungo na kami sa school.

"Take care," he said, then smiled.

"Thank you," sabi ko dito ulit at saka sumunod na kay Yanna.

"Okay lang ba kay doki na sumasabay ako sa inyo. Nakakahiya din kasi," mahinang sabi ni Yanna habang papasok kami sa school.

"Nahihiya ka pala?" Biro ko dito kaya napasimangot ito.

"Ang sama mo, nahihiya din kaya ako. Hindi lang halata kasi maganda ako." Napataas naman ang kilay ko sa huli niyang sinabi. "Grabe, bestfriend kita kaya dapat nakikita muna maganda ako," dagdag nito sabay hawak sa kanyang dibdib na parang nasasaktan.

"Baliw," mahinang sabi ko baka kasi may makarinig.

"Ginaganyan muna ako dahil may lovelife ka na." Para itong bata na hindi binigyan ng candy.

"Kita na lang tayo mamaya," sabi ko dito sabay kaway. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang sinabi. Napailing na lang ako nang marinig ang malakas na buntong hininga nito. Pumasok na ako sa loob ng classroom at agad na binati ang mga bata. Bago ako nagsimula ay may ginawa muna kaming activity na sobrang nag-enjoy ang mga bata. Tuwang-tuwa sila sa aming nilaro. Pagkatapos ay nag-discuss na ako sa aming lesson.

Lumipas ang mga oras ay natapos na kami kaya nagtungo na ako sa cafeteria dahil nagugutom na ako. Nakita ko agad ang mga malapit ko na teacher dito sa school. Kumuha muna ako nang pagkain bago ako lumapit sa kanila. Hindi ko pa nakita si Yanna kaya lumingon ako pero wala pa ito sa loob ng canteen. Nagtaka tuloy ako kung nasaan ito. Nagkwentuhan lang kami ng ilan sa mga teacher dahil bukas ay gaganapin ang observation day para sa mga teacher.

Napaisip tuloy ako na may mga kailangan pa pala ako gawin. Siguradong mamaya ay matatagalan na naman ako sa pagtulog upang tapusin ko ang kailangan gawin para bukas. Nang matapos na ako kumain ay nagpaalam na ako sa aking mga kasama saka lumabas ako sa cafeteria. Habang papunta sa aking classroom ay nakasalubong ko si Yanna.

"May problema ba?" Tanong ko dito, mukha pa itong nagulat nang makita ako. Nagtaka naman ako kung saan ito nagpunta at bakit hindi ko ito makita sa cafeteria.

"W-Wala." Nauutal na sagot nito kaya tiningnan ko ito na agad naman umiwas ng tingin sa akin.

"Umiiyak ka ba?"

"Ha? H-Hindi no, ano ka ba Leign kahit ano ang napapansin mo." Nakangiting sabi nito sabay hampas sa aking braso. Pero kilala ko ang aking kaibigan, alam ko na may problema ito. Kahit ngumingiti ito sa aking harapan pero nakikita ko sa kanyang mga mata na malungkot ito.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now