Chapter 29

599 30 1
                                    

"Sure ka na ba talaga na hindi mo ako isasama?" Pangungulit ni Yanna sa akin habang abala ako sa pag-aayos ng gamit na dadalhin ko bukas.

 Maaga ang alis namin ni Laurent bukas para papunta sa Baguio. Akala ko noong una ay nagbibiro lang ito pero nagulat na lang ako nang pinakita niya sa akin ang tickets papunta Surigao. Una namin pupuntahan kasi ay Baguio bago kami pumunta na Surigao. Tamang-tama naman at apat na araw ang leave na kinuha ko sa trabaho, kaya dalawang araw kami sa Baguio at Surigao. Sobrang excited na ako kasi dream ko talaga mapuntahan ang mga lugar na iyon.

" Hello Zachna! Welcome to the earth." Winagayway pa nito ang kanyang kamay.

"Sa susunod ka na lang sumama," sabi ko dito nang bumalik na ako sa aking sarili.

"Okay lang naman sa akin maging third wheel ninyo basta makapunta ako sa Baguio." Tiningnan ko ito nang masama kaya nag-peace sign ito saka tinulungan niya akong tupiin ang mga damit na dadalhin ko.

"Hindi ko kasi nasabi sa kanya na kung pwede ka sumama, tapos bawal ka sumama kasi may trabaho ka. Alam mo naman na bawal na may magsabay ng leave," paliwanag ko sa kanya.

"Oo na, binibiro lang naman kita. Alam ko naman na kailangan ninyo ng time sa isa't-isa. Pero magjowa na ba kayo?" Umiling ako bilang sagot, nabitawan ni Yanna ang hawak nito. "Sigurado ka?"

"Oo, bakit gulat na gulat ka. Isa pa kapag sinagot ko iyon, kayo una makakaalam." Ani ko dito saka kinuha 'yong nahulog niya kanina. Ni-lock ko na rin ang maliit na maleta ko at nilagay ito sa gilid ng kama. "Hey, okay ka lang?" Tanong ko nang makita na nakatulala si Yanna.

"Teka lang Leign ha. Alam mo ba na gulong-gulo na ako. Hindi kayo magjowa pero magkakasama kayo bukas na kayo lang dalawa. Ano ibig sabihin niyan kung ligawan stage pa kayo. Baka naman label muna kayo d'yan." Napa-isip din ako sa sinabi ni Yanna.

"Bawal ba 'yon? Kailangan ba magjowa kung gagala kayo." Tanong ko dito.

"Of course naman. Big yes na yes. Jusmeyo Leign, lalaki si doki tapos babae ka. Ano gagawin n'yo dalawa doon?" Napapalo ito sa kanyang noo na mukhang stress na stress.

"Mamasyal," mabilis na sagot ko.

"Talaga? Pasyal lang? Sigurado ka? Para sure na hindi ka uuwi dito na buntis magdala ka ng condom," kaswal na sabi nito kaya binato ko ito ng unan.

"Tumahimik ka nga Yanna. Ano ba 'yang bibig mo ang halay." Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya. Minsan talaga hindi maganda lumalabas sa kanyang bibig.

"Ikaw ang manahimik, tandaan mo matanda ka na. Impossible naman na hindi kayo gagawa ng milagro. Kung ang iba nga na teenager normal lang sa kanila iyon. Tapos pinalalahanan lang kita, patay ka sa tatay mo kapag nabuntis ka na hindi pa kasal." Pananakot nito sa akin.

"Nakakahiya naman kasi iyang pinapadala mo. Paano kung makita niya? Tapos hindi naman ganoon si Laurent sa pagkakilala ko sa kanya. Alam ko na hindi siya ganoon na lalaki, malaki respeto nun sa akin."

"Wow, halatang inlove na inlove kay doki." Nanunukso ito kaya hinampas ko na naman ng unan. Mabuti na lang mabilis na umilag. 

"Magpahinga ka na, baka ang pangit mo bukas. Maaga ka pa naman kukunin ni doki." Lumabas na ito sa aking kwarto kaya nahiga na ako sa kama. Inabot ko ang aking cellphone upang tingnan kung may message ba sa akin si Laurent pero wala, siguro busy pa ito kaya natulog na lang ako.

Maaga akong gumising kinabukasan saka naghanda na. Naligo na ako saka uminom lang ng kape. Nag-toothbrush ako pagkatapos saka nag-ayos sa aking sarili. Tamang-tama naman ng matapos na ako ay nakatanggap na ako nang-text galing kay Laurent at sinasabing nasa labas na siya. Kaya kinuha ko ang aking maliit na maleta saka nagmamadaling bumaba. Paglabas ko nakita ko agad si Laurent na nakasandal sa kanyang sasakyan, napakagwapo niya sa kanyang suot. Ngumiti ito nang makita ako at lumapit sa akin upang kunin sa akin ang dala ko.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now