Chapter 52

724 20 0
                                    


Mabilis ko itong nilagpasan, nagsisisi natuloy ako kung bakit nagpumilit pa akong sumama dito. Hindi ko naman kasi akalain na makikita ko sila dito. Sumiksik ako sa maraming tao at mabilis naghanap ng pwede pagtataguan. Napasandal ako sa may dingding nang makalabas ako sa gym, habol ko ang aking hininga. Napahawak ako sa aking tiyan nang makaramdam ng kaunting kirot.

Sana hindi na niya ako hinabol, hindi ko kayang tumakbo baka mapaano pa si baby. Sigurado ako nagtataka si nanay sa aking kinikilos kanina. Hinihimas-himas ko aking tiyan upang mawala ang sakit at huminga ako nang malalim. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-text kay nanay na mauna ako sa bahay. Papunta na ako sa sakayan nang-tricycle ng biglang may humawak sa akin. Nahugot ko aking hininga, sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

"Bakit ba lagi mo akong tinatakasan, Zach?" Galit na sabi nito sa akin. Akala ko natakasan ko na siya pero nandito siya ngayon sa aking harapan at nakikita ko sa kanyang mga mata na puno ito nang galit. "Bigla ka na lang naglaho na parang bola. Ganyan ka ba talaga?" Mariin na sabi nito.

"Araay.." Napahawak ako sa aking tiyan ng mas sumakit pa ito. Napansin naman ni Laurent kaya biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Ano nangyari sa'yo? Teka lang dadalhin kita sa hospital." Tarantang sabi nito pero pinigilan ko lang ito. Baka dahil ito kanina kahit saan na lang ako sumusuot upang matakasan lang siya. Minsan may nababangga pa ako. Baka mawala lang din ito. Inalayan ako nito upang paupuin, huminga ako nang malalim at pinapakalma ang aking sarili.

Unti-unti din nawala iyong sakit. Baka bukas kailangan ko pumunta sa aking doctor upang matinggan ang kalagayan ni baby. Ngayon ko lang talaga naramdaman iyon. Kaya kinakabahan din ako. Napatingin naman ako kay Laurent na seryoso itong nakatingin sa akin. 

"Akin ba 'yan?" Hindi ako makasagot sa kanyang tanong. "Zach.." Tawag niya sa akin.. "Ako ba ang ama n'yan?" Tanong nito sa akin.

"Hindi.." Kinakabahan kung sagot. Ayaw ko na nanggulo, tahimik na ang buhay ko dito. Kapag pinapasok ko pa siya ulit sa buhay ko siguradong gugulo na naman ito. Madadamay pa ang anak ko lalo na kapag nakisali ang kanyang mga magulang. "Kaya huwag muna ako kausapin. Matagal na tayong tapos." Tumayo ako at iniwan siya.

Pagdating ko sa bahay ay agad ako nagpunta sa aking kwarto at nahiga. Hinihimas ko ang aking tiya. "Sorry, baby, para sa iyo naman iyong ginawa ko." Mahinang sabi ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang mukha ni Laurent kanina. Medyo pumayat ito at halatang walang tulog. Ganoon ba siya ka busy? Kumakain pa kaya siya sa tamang-oras. Marami katanungan sa aking isipan na alam kung wala akong makuha nasagot.

Hindi ko mapigilan mag-alala sa kanya.

Kina-usap naman ako ni nanay kung bakit para akong nakakita ng multo kanina. Para raw akong takot na takot. Sinabi ko na lang nasumakit ang tiyan ko kaya nagmamadali akong umuwi. Kaya nakatikim tuloy ako nang sermon dahil sinabi na niya na hindi ako pasasamahin pero mapilit ako. Kahit ako ay nagsisisi kung bakit pa ako sumama, nagkita tuloy kami.

"Iba talaga maglaro si universe," sabi ni Yanna ng sabihin ko sa kanila nagkita kami ni Lauren kanina. "Ano may spark pa ba?"

"Gaga mo rin minsan ano.." singit ni Kystal. "Bakit sa tuwing nagkikita kayo ni Hanz sa school may spark ba?"

"Kontrabida ka talaga no? Bakit ako nasali dito? Kay Leign at Laurent iyong topic natin." Nagsisimula na naman silang dalawa.

"Hindi lahat ng mag-ex may-spark kapag nagkita."

"Bitter ka lang kasi nang nag-break kayo," saad ni Yanna kaya nakatanggap ng batok kay Kystal. Naghiwalay kasi kahapon si Kystal at ang jowa nito. Nalaman kasi niya nag-cheat ang boyfriend nito at ang malala pa ay katrabaho lang nito ang babae. Ako din iyong nasasayangan sa limang taon nila.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now