Chapter 36

532 19 1
                                    

Palabas ako sa bahay ng mga Craige, kakatapos ko lang magturo sa kapatid ni Laurent. Hindi ko nakita doon si Laurent, siguro ay nasa trabaho pa ito. Nginitian ko si manong guard nang buksan nito ang gate.

"Hey!" Iyon lang lumabas sa bibig ko nang makita si Laurent sa labas. Nakangiti ito at may hawak na bulaklak.

"For you." Inabot nito ang bulaklak sa akin. Nahihiyang kinuha ko ito.

"Uyy, si sir... may pa bulaklak pa kay ma'am." Tukso ni manong guard sa amo. Mas narakaramdam ako nang sobrang hiya. Baka umabot pa ito sa mga magulang ni Laurent.

"Alis na kami manong, namumula na itong kasama ko." Narinig ko napaalam ni Laurent. Pinagbuksan ako nito ng sasakyan, narinig ko pa iyong tukso ni manong. "Okay ka lang?" Napatingin naman ako kay Laurent, kakapasok pa lang niya sa sasakyan. Tumango lang ako dito. Nakita kung may parang inabot ito sa likod. "Happy Valentine's Day, Zach!" Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang malaking blue bear.

Kinuha ko ito at niyakap. Sobrang saya ko dahil dito, mahilig kasi akong mag-collect ng stuffed toys. "Thank you," masayang sabi ko dito habang nakayakap pa rin sa bear. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, siguro naiisip niya na para akong bata dahil lang sa stuffed toys nabinigay niya. Hindi nababagay ito sa edad ko. Pero wala na akong pake, hindi ko maipaliwanag ang sobrang saya na aking nararamdaman.

"Amusement park?" Tanong ko nang huminto kami sa amusement park.

"Halos puno na lahat ng lugar, kaya ito na lang naisip ko." Paliwanang nito habang kinakamot nito ang batok. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang cute niya tingnan.

"Halika na, sigurado ako masaya doon sa loob," yaya ko dito. Nauna pa ako lumabas sa sasakyan, iniwan ko muna sa loob ng sasakyan niya ang bear at bulaklak.

Si Laurent na ang pumila para bumili ng ticket. Medyo mahaba din ang pila kaya natagalan ito. "Let's go." Hinawakan nito ang aking kamay at dinala ako sa unang ride. Pumila  kami at halos bata ang mga nakasabayan namin kaya panay ang tawa namin. Nang kami na ay binigay ni Laurent ang ticket at pumasok na kami sa ride. Panay ang sigaw ko ng nagsimula na ang ride. 

Napatingin ako kay Laurent nang hawakan niya ang aking kamay kaya medyo kumalma ako. Lahat ng ride ay sinubukan namin. Sa aming dalawa siya ang mas nag-enjoy, palagi ito tumatawa habang ako kinakabahan sa ibang ride. Pero nag-enjoy din naman ako.

"Bili tayo niyan." Turo ko sa cotton candy. Lumapit kami doon at bumili. Nalakad-lakad na lang muna kami. Minsan sinusubuan ko ito ng cotton candy, hindi naman siya umaangal. Nang mapagod kami ay umupo kami sa may bench upang magpahinga. Lumipas ang ilang minuto ay naglakad-lakad ulit kami saka nagpasya kaming lumabas na.

Nagpunta kami sa mall dahil manonood kami ng sine. Si Laurent ang namili nang movie, hindi naman kasi ako mapili. Kahit pambata iyan ay manonood pa rin ako, naghintay lang ako sa may gilid. Matapos makakuha ng ticket ay pumasok na kami sa loob ng sine. Ilang minuto lang hinintay naming at nagsimula na ang movie. Napatingin ako kay Laurent nang ibalot niya sa akin ang kanyang leather jacket. "Para hindi ka lamigin," nakangiting sabi nito sa akin.

"Thank you," mahinang sabi ko dito at sumandal ako sa kanyang balikat. Nanood na ulit ako sa movie. After naming manood ay lumabas na kami sa mall. Hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ni Laurent. Huminto kami sa isang overview na restaurant. Kaunti lang ang tao at sobrang relaxing ng lugar. "Ang ganda dito. Lagi ka bang pumupunta dito?"

Umiling lang si Laurent at inakbayan ako. "Naghanap kasi ako ng place para ngayong araw tapos lahat hindi na pwede kasi fully book na. Mabuti nalang at nakita ko ito sa online. Bago pa lang kasi ito kaya walang gaanong tao pa," paliwanag nito sa akin. Kaya napatingin ako dito. "Pasok na tayo." Nakangiting yaya niya at pumasok na kami sa loob.

Unlocked My Heart (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant