PROLOGUE

423 16 0
                                    

PROLOGUE




"Let's go home. Stop drinking. You should rest. Kararating mo lang." Pagpipigil sa akin ni Ally at bahagya pang inagaw ang hawak kong baso na may lamang tequila.

Napabuntong hininga ito at pilit na hinihila ang kamay ko pero mukhang wala na siyang lakas dahil kanina pa niya akong pinipilit.

Napapagod na siya, alam ko pero sadyang mapilit ako na manatili dito para magsaya at kalimutan ang sakit.

"I thought trio really work." Natatawang wika ko.

Muli itong bumuntong hininga at umupo na sa tabi ko. Alam ko naman na hindi siya sanay sa bar kaya naiintindihan ko na hindi siya komportable sa ganitong lugar pero wala akong panahon na intindihin ang nararamdaman ng iba dahil masyado akong lunod sa nararamdaman ko.

"It really work, but in our case, maybe it's not for us." Sagot nito sa sinabi ko kanina.

Pinakatitigan ko siya ng matagal. Sobrang dami kong tanong. Sobrang dami kong gustong malaman. Sobrang dami kong gustong intindihin at sobrang dami kong ayaw paniwalaan.

Sa sobrang tagal kong nawala, hindi ko alam kung meron pa ba akong mga dapat balikan at pagkatiwalaan kasi masakit ang sumalubong sa'kin.

"You knew a-about them?" Nanginginig ang labing tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman na ang sagot.

Muli na namang bumalik ang sakit na nararamdaman ko. I thought alcohol will set me free. No feelings allowed. Akala ko mabubura lahat ng sakit pero bakit parang mas lalo kong naramdaman.

Ngumiti siya ng malungkot at sumenyas siya sa bartender ng isang juice para sa kanya bago ako muling nilingon. "No. Nalaman ko lang recently. I tried to stop them, though. I'm not tolerating their relationship. Hindi ako pabor dahil una sa lahat, magkakaibigan tayo at pwede 'yung makasira sa friendship natin and then, ayun. Nasira nga." Wika nito at nilagok ang kanyang juice.

Muli na namang nag-init ang sulok ng mata ko. Sumisikip ang dibdib ko sa pinaghalong sakit at pait.

"Bakit h-hindi mo agad sinabi sa'kin n-nung nalaman mo?" Pagsusumbat ko sa kanya. Muntikan pa akong pumiyok.

Sarkastiko siyang tumawa at bahagyang tinaasan ako ng kilay na parang may sinabi akong hindi maganda. Napansin ko din ang paglampas ng pait at lungkot sa kanyang mata.

"Paano ko sasabihin? You. Are. Always. Busy. Yvonne." Madiin na wika niya na may kasama pang talim na tingin. "Huwag mong ipagsiksikan sa'kin na pwede kong tawagan o itext ang mga taong malapit sayo kasi ikaw din naman, hindi mo din naman pinapahalagahan ang bawat sasabihin namin. Hindi ka din naman nakikinig sa kanila."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin dahil totoo naman. Hindi ko naman itatanggi yon. Alam kong magagalit at magtatampo talaga sila sa'kin dahil all i think about is me, my career and my passion.

Masyado akong kampante na naiintindihan nila ang lahat ng ginagawa ko.

But it is bad that i want to pursue my dreams? Is it bad that i want everyone to be proud of me? Is it bad to achieve what i truly wants?

"I understand that you're on a peak of your career. Tatawag kami, sasagutin mo nga pero hello pa lang ibababa mo na agad. Our communication are fading because of your hectic schedule. Kaya nga nakipagbreak sayo si Aaron, diba?" Wika nito. Walang preno.

In just a snap, nasagot lahat ng tanong ko.

Napayuko ako at napahikbi ng tahimik nang hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Napasubsob ako sa counter at doon umiyak habang patuloy parin sa pakikinig sa kanya.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now