CHAPTER 10

179 9 5
                                    

CHAPTER 10

Insecure


"You came!"

Tumayo ako ng tuwid at ngumiti sa mga bisitang nasa resort. Nakahawak si Archi sa bewang ko. Madaming tao ngayon at nasa amin ang atensyon nila ngayon dahil kami ang bagong dating. Hindi ko tuloy mapigilang mangatog sa kaba kahit wala namang kakaba kaba.

Archi gave his gift on his late professor. Matanda na ito at sa tingin ko ay retired na siya bago pa ako magcollege dahil hindi ko siya mamukhaan at mukhang hindi ko naman naabutan. Katabi niya ang kanyang asawa na nakaalalay sa kanya. Ni wala nga akong kilala dito miski isa.

Napatingin ang professor sa akin. Kinabahan tuloy ako at ngumiti dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. "H-happy....happy birthday sir." Naiilang na bati ko.

Ngumiti naman ito sa akin at mukhang inaalam pa kung ano ang relasyon namin ni Archi dahil nakatingin siya sa kamay ng dating estudyante na nasa bewang ko. I thought he want me to come?

Of course, alam lang niya na may asawa na si Archi pero hindi niya alam na ako 'yon.

"She's... she's my wife, sir. Yvonne Wilson." Pagpapakilala ni Archi. Napasinghap ang asawa ng professor at ang ilang mga nakarinig niyon. Napabuga ako ng mahina dahil hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba 'yon o hindi. Again, sinapubliko na naman niya na asawa niya ako.

Tulad ng mga unang mga nakaalam, ganoon na lang din ang gulat nila at napabaling sa akin na parang may nagawa akong kaaya-aya. "Oh my God!" React ng isa.

"You're married!?"

I chuckled nervously. Anong gagawin ko? Dapat ko bang sakyan 'to?

Ngumiti si Archi sa kanila. "She's beautiful, right?"

Ganon na lang ang gulat ko sa sinabi niya. Humigpit ang kapit niya sa aking bewang nang maramdaman ang aking reaksyon. Hindi ako makagalaw. Hindi man klaro pero bakas ang pagmamalaki sa boses niya nang sabihin niya iyon.

Hindi ko tuloy mapigilang pag-initan ng mukha at mag-iwas ng tingin.

"Hindi ka man lang nag-imbita..." Animoy nagtatampo na wika ng kanyang guro noon sabay tapik sa balikat ni Archi. Naroon naman ang ngiti sa labi nito at parang proud na proud pa dito.

"We married secretly." He said na mukhang nagpaniwala sa mga tao. Gustong gusto kong umirap sa sinabi niyang kasinungalingan. Gusto kong sumuka at ibunyag na hindi naman talaga kasal pero meron sa loob ko na ayaw na mapahiya siya.

"Naku, totoong maganda ang asawa mo!" Pinagkaguluhan ako ng ilang bisita nila. May iilan pa ang nakakilala sa'kin kaya ganon na lang ang pagkamangha nila.

"Big time!" Biro pa ng isa.

"Ang swerte ng asawa mo sayo!" Pagmamalaki ng isang babaeng nasa middle age. Tumawa naman si Archi sa tabi ko na pasimple akong nilalayo sa mga taong halos magtulakan mahawakan lang ako.

Ngumingiti lang ako sa kanila at hindi sumasagot. Minsan nga nag eenglish na sila sa akin kaya kumukunot ang noo ko.

Umiling siya. "Hindi naman po. Ako po ang swerte sa kanya." Nakangiting wika nito dahilan para tuksuhin kami ng mga tao doon. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi alam kung ano ang irereact. Tama ba ang narinig ko?

Aaminin kong naapektuhan ako doon...

Umiling ako sa sarili. Sinabi niya lang 'yon kasi dakilang sinungaling siya noon pa man.

"Wala na, talo na..."

"Taga ibang bansa ba yan?"

"Baka nga model ang gusto."

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now