CHAPTER 14

175 6 2
                                    

CHAPTER 14

Landi

"Yvonne, let's go."

"You told him?" Baling ko kay Ally na agad nanlaki ang mata at tinuro ang kanyang sarili. Hindi ko pinansin si Archi na nasa gilid ko na agad. Ni hindi ko namalayan na pumunta siya dito.

Umiling si Ally at parang defensive pa. "Not me." Tinuro niya ang circle ni Archi na nasa kabilang table habang nakatingin sa amin dahil sa eskandalong ginagawa ni Archi.

"Ang daming friends, oh. Ako talaga? Ako? Ako talaga, Yvonne?" Sarkastikong wika nito na nakaturo sa sarili at nakakunot ang noo. Tumingin siya kay Drew at sinamaan pa ito ng tingin na parang malaki ang kasalanan nito sa kanya.

Napabuntong hininga ako at napatulala na lang. Please... ayokong mag-eskandalo dito. Aaron's friends are here. My different circle of friends andito din. From modeling, elementary, and college. Andito din yung friends ni Archi.

"Let's talk, Yvonne."

Umirap ako. "Talk to your hands." Gigil na bulong ko.

Ang dami kong kilala. Ang daming nakakakilala sa'kin. Ano na lang ang sasabihin nila kapag inaway ko dito si Archi? Fuck. Ang ganda talaga ng timing eh.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Ngayon lang nila nameet si Archi tapos hindi ko pa sila mapakilala ng maayos. Feeling ko nga aawayin na nila ako dahil kanina pa nilang hinihintay na ipakilala ko sila kay Archi. Bahala sila sa buhay nila. Naiinis talaga ako.

"Upo ka, Troy." Lumipat si Ally sa tabi ni Dionne. Tiningnan ko lang ang hawak kong alak. Madami na akong nainom pero hindi ko parin makalimutan yung nakita ko. Ayaw pa niyang ibigay sa'kin ang divorce, mukha namang may gusto siyang iba.

Hinawakan ni Archi ang braso ko pero pasimple ko itong tinaboy. Nakita naman iyon ni Asha dahil nanonood siya sa amin. Tumawa siya at nag-iwas ng tingin. Napasipol pa nga ito eh. "Uh-oh." Aniya.

"Will you stop touching me?" Galit na bulong ko sa kanya. Ayokong mag-away pa kami sa harap pa ng mga kaibigan ko kaya naman tumayo ako at mabilis na umalis sa table namin. Ramdam ko naman na nakasunod siya sa'kin kaya dumiretso ako sa restroom para sana mag-ayos ng sarili pero talagang sumunod siya sa'kin kahit sa loob.

"Anong ginagawa mo?" Nagpipigil na tanong ko. Chineck ko ang bawat cubicle. Good thing walang tao dito maliban sa'min. Nilock niya ang pinto ng restroom. Nanlaki ang mata ko pero hindi pinahalata sa kanya. Baka kung ano ang isipin ng mga tao kapag lumabas na kami sa cr mamaya.

Humalukipkip siya at sumandal sa pinto. "You. What's our problem?" Tanong niya sa'kin. Trying to keep his cool.

Binuksan ko ang gripo at naghugas ng kamay. Naiinis talaga ako sa kanya. "We have a lot of problem. Hindi na 'yon bago." Simpleng sagot ko at tiningnan siya ng matalim mula sa salamin.

"Uh-huh." Lumapit siya sa akin. This time, nakasandal naman siya sa sink habang pinapanood ako. Pabalik-balik ang tingin niya sa aking kamay at sa mukha ko. Nananadya ba talaga siya? Iniinis ba talaga niya ako?

Sinilip niya ang aking mukha. Nag-iwas naman ako ng tingin padabog na kumuha ng tissue. "Ano ba?!"

He chuckled like he's mocking me. "What makes you upset, then?" Tanong niya sa'kin na ikinatigil ko.

Tumingin ako sa kanya. Mabibigat ang bawat paghinga ko. Dapat di'ba masaya ako na meron siyang babae if meron nga? Kasi matutuloy ang divorce? But why it makes me upset? Bakit natatakot ako na aminin 'yon sa sarili ko?

Sa tuwing naaalala ko ang nakita ko kanina, sumisikip ang dibdib ko. "Bakit ka nandito? Bakit hindi mo kasama si Felicity?" Matalim na tanong ko sa kanya.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now