CHAPTER 32

153 6 0
                                    

CHAPTER 32

Date



"Bye. Hindi na kita ihahatid sa airport ha." Paalam ko kay Ally.

"Okay lang, ano ka ba. Akala mo naman magtatagal." Wika niya kaya sabay kaming natawa.

Papunta siya ngayon sa Switzerland kasama ang family niya pati si Drew. Official na pala sila, hindi ko lang alam. Abay dapat lang panagutan niya ang kaibigan ko sa ginawa niya kay Ally sa resort noon. Sinira niya ang kainosentehan ng bruha.

Maninira ng puri silang magkaibigan.

"This is my gift for you." Agad akong natigilan nang makita ang isang paper bag sa harap ko. Nakastapler ito kaya hindi ko makita ang nasa loob.

Tumaas ang kilay ko sa kanya. "Bakit? Ako ba ang may Birthday?" Tanong ko sa kanya.

Nakakapagtaka lang pero inabot ko naman ang paper bag na bigay niya. Medyo may kabigatan ito kaya hindi ko mapigilang macurious kung ano ba ang nasa loob.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa siya ng malakas na bumalot sa buong kotse. "Just a book, my friend. You told me last night that you want to read sometimes when you're bored so i bought you a book." She said.

Agad akong napatango-tango sa kanya. "Ahh. Thank you."

Bumaba na ako ng sasakyan niya. Dala ko ngayon si Vanilla, ang aso ko. Buhat ko siya dahil ayaw niyang bumaba. Ang ganda ng outfit ko tapos tagapag-dala lang ako ng aso.

Wala pang kaalam-alam si Archi dito. Hindi ko sinabi sa kanya kagabi. Nagvideo call din kami pero sa kisame ang tutok ng camera ko para hindi niya makita ang aking buhok. Nagtataka pa siya kaya naman pinatay ko ang ilaw sa isang kwarto ni Ally para hindi halata na kulay pink na ang buhok ko ngayon.

"Magandang umaga ho, Ma'am." Bati sa akin ng guard.

Ngumiti ako sa kanya at bumati pabalik. Halos lahat ng mga nakakasalubong ko binabati ako ng nakayuko na parang hiyang-hiya sila sa akin.

"Nasa conference room po, Mrs. Buenavista. Kakasimula pa lang po." Bungad ng secretary niya. Binuksan niya ang pinto ng office ni Archi. "Dito muna po kayo." Aniya.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Sinabi ko din na wag niyang sabihin na nandito ako at pumayag naman ito. Nang makapasok na ako sa loob, sinarado na niya ang pintuan kaya naiwan kami ni Vanilla sa loob.

Tumahol ito ng tumahol kaya napatakip ako sa tainga ko. Mali ata na bumili ako ng aso lalo na't hindi naman ako animal lover. Mema lang talaga ako at likas na inggetera.

Kinuha ko ang cellphone ko para guluhin muli si Archi. Nitong mga nakaraan naging hobby ko na ang pang-aasar sa kanya at natutuwa ako kapag naiinis siya kasi minsan lang iyon mangyari dahil alam ko naman na mahaba ang pasensya niya.

I texted him again.

Me:

I will sleep on Ally's place again tonight.

Agad niyang naseen ang message ko kaya pinigilan ko ang matawa. Kaaga-aga pinapainit ko na naman ang ulo niya. Mukhang wala siyang presentation ngayon kasi mabilis siyang magreply. Hindi siya nakikinig sa nagsasalita panigurado.

Him:

Are you serious?

Me:

Of course, I'm serious.

I giggled. Umupo ako at tinaas ang paa. Nilapag ko din sa tabi ang paper bag na bigay ni Ally. Kahit na nakadress ako ngayon, hindi ko 'yon alintana dahil ako lang naman ang tao dito. Alam ko naman na nakapatay ang CCTV sa loob ng opisina ni Archi tuwing nandito ako.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now