CHAPTER 18

156 5 0
                                    

CHAPTER 18

Vacation

"Kasi naman, e!" Inis na sigaw ko habang nag-eempake ng mga gamit para sa business trip ni Archi. Ewan ko ba kung bakit kailangan kasama pa ako.

Kakagising ko lang pero bad trip na agad ako dahil sa pag-uusap namin kagabi. Pabato kong hinagis ang mga damit ko at tumayo muna saglit para sumilip sa balcony kung saan fresh ang hangin.

Sumilip ako sa baba. Napakamot ako sa noo ko ng makita ko siya na nasa harapan at seryoso sa ginagawa. Pinanood ko siyang inaayos ang makina ng sasakyan niya. Ang init-init nakabilad siya sa araw.

Nakaboard short siya at—

Halos mapanganga ako ng bigla na lang nitong hinubad ang suot niyang sando dahilan para makita ko ang itaas na bahagi ng katawan niya. Tangina! Kahit na sa malayo kitang-kita ko ang magandang hubog ng abs niya.

Ito na naman ako. Galit na galit sa tao pero pasimpleng pinagnanasahan. Bakit ba kasi ganoon ang katawan niya? May magandang hubog. May malaking braso pero hindi naman yung sobrang OA na laki. Gwapo lang talagang tingnan.

Napainom ako sa hawak kong bottled water sa sobrang pagkabanas.

Napahilamos ako sa mukha ko at umiling sa sarili.

Relax, Yvonne. Remember, galit ka sa kanya.

Huminga ako ng malalim at aalis na sana pero bigla siyang lumingon kaya nagtama ang paningin namin.

Pigil na pigil ang panlalaki ng mata ko sa sobrang gulat pero mas ikinagulat ko ng ngumiti siya sa'kin. Mabilis akong nagtatakbo pabalik sa kwarto at agad na sinara ang slide door sa balcony.

Napahawak ako sa puso ko sa sobrang pagkabog nito.

Lason ka, Buenavista.

Umupo na ako sa dati kong pwesto at ikinalma ang sarili. Nag-isip ako ng kung ano-ano para lang mawala sa isip ko ang mga ngiti niya. Kainis. Ang laki talaga ng impact sa akin sa tuwing ngingitian niya ako ng ganon.

"Bakit ba kasi kasama pa ako." Bulong ko sa kalagitnaan ng pag-eempake.

Sabing ayoko nga lumabas lalo na kung siya ang kasama, e. Mas lalo akong stress sa tuwing nasa labas ako. Okay sana kung sa beach or what para mas maenjoy ko talaga pero bakit kasi hotel resort pa.

Still, may water parin naman.

Napanguso ako at napaisip saglit. Pero okay lang naman. Hindi ko parin naman siya makakasama dahil busy at trabaho pa rin naman ang gagawin niya kaya kami pupunta don.

I chuckled softly. Nababaliw na ata ako.

Nilabas ko ang mga bikini na dala ko pero hindi ko naman nagagamit dahil ang epic ng bakasyon na ito. Kinuha ko ang lahat. String bikini pa naman ang mga ito at bago lang dahil pinadala sa'kin ito ng management at agency bago ako umalis.

Naglagay na din ako ng mga damit at short sa maleta. Kung kanina halos mamatay na ako sa pagkainis pero naisip ko na oras na 'to para makapagbakasyon ako ng naaayon sa plano ko.

Not bad.

"Yvonne?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang kumalampag ng malakas ang pinto at niluwa noon si Archi na hingal na hingal na akala mo'y tumakbo ng napakalayo.

Anong trip niya?

Napalunok ako at pinigilang ibaba ang tingin sa kanyang katawan. Napalunok ako.  Tinaasan ko siya ng kilay para hindi ipahalata ang kaba ko. "Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Let's eat." He said.

Tumango ako at pilit na iniiwasan ang nanghuhuli niyang mga mata. "Sige. Susunod na ako." I said.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now