CHAPTER 16

142 6 0
                                    

CHAPTER 16

Miss

Natapos ang paghahagis ng garter. Sumali lang ang magkakaibigan pero hindi sila nakikiagaw. Parang pinagtitripan pa nga nila si Felicity dahil nang ihahagis na ang garter, sabay sabay silang tumalikod. Hindi ko kilala kung sino ang nakasalo pero nagsigawan ang mga ito.

Tahimik kaming nakain nang maya maya pa, biglang may babaeng lumapit sa amin. May hawak siyang batang baba na may hawak na shades. Tumingin ako kay Archi nang umayos siya ng upo. Agad itong ngumiti at kinausap ang bata.

"Bless kay Ninong!" Utos ng babae sa kanyang anak. Nagbless naman ito kay Archi tapos bigla na lang tumingin sa akin ang bata. "Kay ninang naman." Muntikan na akong mabulunan sa sinabi nito. Wala na akong nagawa dahil kinuha niya ang aking kamay para magmano.

"Hingi kang pera kay Ninong!" Natatawang wika nila. Nagpalakpakan naman ang mga ito nang binigyan siya ni Archi. Tuwang-tuwa pa ang bata dahil malaki ang natanggap niya. Ngayon ko nga lang nalaman na marami palang mga inaanak si Archi.

May nakita akong leche plan sa plato niya. Hindi naman niya ito ginagalaw. Napatingin ako sa kutsara ko. May ube na doon at dahil maarte ako, hindi ko ginamit sa pagkuha ng leche plan. Kinuha ko ang tinidor ni Archi. Doon na lang ako pumiraso sa plato niya kesa naman kumuha pa ako. Tumingin naman ito sa akin pero walang sinabi. Inipod niya lang papalapit ang kanyang plato sa aking harap.

"Tinanggap mo daw yung project?" Sabay sabay kaming napalingon kay Lisa nang magsalita ito. Napalunok ako at nagbaba agad ng paningin.

Kumunot ang noo ni Felicity. Katabi niya si Drew. Ang buong magtotropa ay nasa iisang lamesa na maliban kay Gina na ineenjoy ang gabi niya kasama si Yuki.

"Sa Singapore! Inoffer din naman 'yon sa kanya pero tinaggap mo pala, Troy? Akala ko ba gusto mong magpahinga?" Dagdag pa nito. Tumingin ako kay Ally na pinanliliitan ako ng mata na parang may pinapahiwatig na ewan. Napanguso na lang ako at parang ginigisa dito.

Tumikhim si Drew. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang tumingin sa kanya. Alam ko kasi na close na close sila ni Archi at natatakot ako na baka alam niya ang ginawa ko. Baka sinabi sa kanya ni Archi. "You accept it?" Nagtatakang tanong nito.

He doesn't seem to know anything. I looked at Archi. All eyes are on him. Nanginginig ang kamay ko pero my lips parted when I felt his hand on mine. "Yes. After that project, I won't accepting any work." He explained.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi niya ako nilaglag. Hindi niya sinabi na kasalanan ko kung bakit kailangan niyang magtrabaho. Hindi niya sinabi na pinapirmhan ko sa kanya ang contract dahil lasing siya non.

Kumunot ang noo ni Drew pero nagkibit-balikat na lang. "Okay? That's a last minute though." Puna niya.

Nahiya na ako sa lahat. Parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Paano na lang kapag nalaman nila ang ginawa ko? Baka magalit sila sa'kin.

Inabot kami hanggang 12:30 doon. Sa hotel natulog ang iba kaya akala ko doon kami pero umuwi kami sa bahay. Nagpalit ako ng damit ko. Nasa labas pa ngayon si Archi habang may kausap sa cellphone niya. Gusto ko talaga siyang kausapin pero naduduwag ako.

Humiga na ako sa kama. Napagod ako sa biyahe. Busog na busog na din ako at sumakit na ang paa ko dahil sa heels. Ang pula na nga, eh. Hihintayin ko dapat si Archi para kausapin siya pero sobrang tagal niyang umakyat kaya nakatulog na lang ako.

Naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang pagbukas sara ng mga zipper na ewan. Napatingin ako sa cellphone ko na nasa ulonan ko lang. Tiningnan ko ang oras at kumunot ang noo ng makitang 3:27 na ng madaling araw. Kinapa ko ang gilid ko pero wala pa doon si Archi. Bumangon ako at natigilan nang makita siyang nag-aayos ng mga gamit.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now