CHAPTER 34

132 5 0
                                    

CHAPTER 34

SWEET


"Nandito na asawa mo!"

Agad akong napabalikwas ng upo nang marinig ko ang sigaw ni daddy kasabay ang malakas na pagkatok niya ng pinto.

Tumingin ako sa orasan at nakitang malapit na mag-10 ngayon ng umaga. Akmang babalik pa sana ako sa pagkakatulog pero agad na nagising ang diwa ko sa aking narinig.

Archi is here?!

Impossible. Doesn't make sense. Sinabi niya sa'kin na may trabaho siya ngayong umaga kaya maya-maya pa daw siya pupunta. Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot para hindi ko marinig ang boses ni Daddy.

Mukha naman nagsawa na siyang magsalita nang magsalita kaya umalis na din siya at doon lang ako bumalik sa pagkakatulog.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na may humahaplos sa aking buhok. I smell a familiar scent but I'm too sleepy to pay attention.

I groaned. "Please, Thea, leave me alone. Let me sleep." Reklamo ko.

I heard a laughed.

Agad akong napamulat dahil sa pamilyar na boses nito na malayo naman sa matinis na boses ni Thea. Ramdam ko na merong nakayakap sa akin. Napatingin ako sa kamay nito at halos manlaki ang mata dahil alam kong kay Archi iyon!

Babangon sana ako pero dahil sa bigat ng kamay niya, hindi ako makaalis sa pwesto ko. "W-what are you doing here?" Tanong ko.

Napatingin ako sa pinto. Nakasarado naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pinapanood na naman kaming dalawa, e.

"You? Why don't you get up yet? Tanghali na." He said. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sobrang ganda ng ngiti niya. Nakakaganda ng gising.

Yumakap ako sa kanya at sumiksik sa kanyang damit. "Ang bango mo." Inaantok na wika ko. Tumawa muli siya at hinalikan ang noo ko.

Ilang segundo pa ako natulala bago pinaalis ang kamay niya para makapagmumog na ako at mag-ayos sa sarili.

Kasalukuyan akong nasa cr at naliligo na dahil kumakalam na ang tiyan ko sa sobrang gutom. Hindi siya nagbibiro nung sinabi niya na tanghali na dahil literal na tanghali na talaga. 12:47 na.

"Archi?!" Sigaw ko. Nakapikit ako dahil merong bula ang aking buhok at iwas na din sa silam sa mata.

Hindi siya agad nakasagot. "Need anything?" I heard him asked after a minute.

"Can you get me my towel? I forgot!"

Nagbanlaw na ako habang hinihintay siya. Hindi ko naman nilock ang pinto dahil alam ko naman na hindi niya ako papasukin dito nang wala ang pahintulot ko. Hindi niya ugali ang magkusa dahil gusto niya na pabor sa akin ang lahat ng bagay.

Ilang sandali pa nang marinig ko ng pagbukas ng pinto. "Saan ko ilalagay?" He asked.

"Pakisabit na lang dyan. Thank you!"

"It's nothing."

Lumipas ang mga oras. Nasa biyahe na kami ngayon  ni Archi dahil niyaya niya ako na magpicnic ulit sa pinuntahan namin last time. It's supposed to be us only pero sumama sina mommy kaya buong pamilya ko ang pupunta doon.

Magkakahiwalay naman kami dahil kasama ni Theyle ang boyfriend niya na taga-pilipinas na kanina niya lang pinakilala sa amin. Talagang ginugulat namin ang mga magulang namin. Ngayon ko lang nalaman na meron siyang boyfriend dito kaya naman pala trying hard siya mag-aral ng salitang tagalog.

May kanya-kanya kaming mga dalang pagkain dahil tatlong batch kami. Nahiwalay kaming dalawa ni Theyle.

Nang makarating kami, nilatag na namin ang blanket at mga pagkain. Nagulat na lang ako dahil merong rabbit ang lumapit sa amin at biglang pumasok sa basket na walang laman.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now