CHAPTER 4

177 11 2
                                    

CHAPTER 4

Damn

"Anong sinabi mo?" Natitigilang tanong ko sa kanya.

Tumayo siya ng tuwid pero hindi na inulit ang kanyang sinabi. Pilit kong pinoproseso ang narinig kanina. Tama ba ang sinabi niya? O mali lang ako ng pandinig?

"Your wife?" Tanong ko sa kanya.

Tulad kanina, nanatili lang itong tahimik at walang imik na pinapanood ako. I smirked at him. "You, wish." Inis na wika ko at hinawakan ang doorknob.

Halos matigilan ako ng makitang meron doong singsing na alam ko naman na hindi ko suot kahapon. Kakaiba ito. It's a gold ring na napapalibutan ng mga diamond. Halatang hindi fake. Halatang nagsusumigaw sa presyo.

"Fuck you, Archi! You're kidding me, right?!" Bulalas na tanong ko sa kanya. Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa singsing. I'm not bobo. Alam ko kung ano ang pinagkaiba ng mga singsing. Sa engagement ring, fashion and wedding. Hindi ako tanga lalo na't naging endorser ako ng iba't ibang brand.

"Uh-huh. Isn't it great?" Mapaglarong tanong nito.

Nanlaki lalo ang mata ko ng makitang meron siyang hawak na mga papel. Mabilis akong lumapit sa kanya at mabilis na kinuha ang papel upang basahin.

A marriage certificate.

I'm married with Troy Archibald Buenavista?!

It is legal? Pero paano nangyari 'yon? Hindi kami kinasal sa simbahan. Pero knowing that asshole, he can do everything kahit na ano pa yan. Marami siyang connection. Engineer, Businessmans, Lawyers, Judge, Police, Military and more! It's not surprising.

I shook my head. "Hindi ako naniniwala." Madiing wika ko. Alam naman niya siguro na galit na ako sa lagay na 'to. It is legal.

"You're not stupid, Yvonne." Malamig na wika nito.

Mas lalo akong naghabol ng hininga dahil sa galit. Pinunit ko ang papel habang deretsong nakatingin sa kanya. Sinugurado ko talaga na kitang-kita niya ang bawat piraso ng papel na pimunit-punit ko pero parang wala lang sa kanya ang ginawa ko.

Nagkibit-balikat siya. "It's just a copy." Wika nito.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Mabilis ko siyang sinampal dahilan para mapabaling sa kabilang side ang mukha niya. Nanginginig ang kamay kong nakalutang parin sa ere.

"You set me up! Where did you get my sign?!" Malakas na sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay niya.

Agad akong natigilan sa sarili kong tanong. Kagabi. I remember every single detail kahit na lasing na lasing ako non. May inabot siyang papel. Meron siyang pinapirmahan sa'kin.

Umawang ang labi ko at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Magkakatugma ang lahat. "The autograph? You said you're a fan, right? You want my autograph...and It's a marriage contract?" Natitigilan kong tanong pero ramdam ang panginginig ko dahil sa sobrang galit.

Tumingin siya sa'kin kaya muli ko siyang sinampal. Lagapak ito at masisigurado ko na sobrang lakas talaga dahil sa pagkasuklam sa kanya. Umawang ang labi niya at nanatiling hindi umiimik. Hindi naglalaban sa pananakit ko.

"How dare y-you!" Namamaos na sigaw ko.

Nanginig ang labi ko. I started to cry out of nowhere. "Ayokong magpakasal sayo! Ayokong kasal sayo! Ayoko sayo!" Umiiyak na sigaw ko. Pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko.

Hinampas hampas ko pa siya sa hubad niyang dibdib at hindi man lang niya ako pinigilan sa pananakit sa kanya. Bigla siyang umatras kaya naman halos mawalan ako ng balanse pero bago pa ako dumiretso sa sahog, nahuli na niya ang bewang ko.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon