CHAPTER 39

124 6 2
                                    

COLD

Hindi parin tumabi sa'kin si Archi sa pagtulog. Nagulat na lang ako na makita siyang sa couch sa aming kwarto, doon siya nakahiga.

Last night gave me a hard time to sleep. Pagkatapos ng kanyang pagyakap sa akin, nagwalk out agad ako papasok sa kwarto namin at doon muling umiyak. I question everything i did! Para sa akin ba talaga ito? Makakabuti ba talaga sa'min ang desisyon ko?

Lumabas lang ako sa kwarto dahil humihingi si Jam ng alcohol sa'kin. Dinala ko ito sa kwarto niya at napanood ko kung paano niya pagalitan si Felix at kung paano siya lambingin nito upang hindi na magalit.

Nahagip ng paningin ko mula sa taas si Archi na mag-isang kumakain sa dining. Nahihirapan akong panoorin siya at gustong gusto na bumaba upang samahan siya. I even watched him wash the dishes. Ako dapat ang gumagawa non dahil alam kong pagod na siya...tama pala talaga. I'm not wife material!

Bumaba ako. Paalis na ang mag-asawa dahil nakalabas na ang kanilang mga gamit. Mabilis na yumakap sa akin si Jam. "Bye, Yvonne! Kuhanin kitang Ninang ha!" She said.

Tumango ako at hinawakan ang kanyang tiyan. Magaan naman na ang loob ko sa kanya dahil maghapon kaming magkasama kahapon. "Babalik kami dito sa March! I hoped you're still here." Makahulugang wika niya.

"Kayo ba? Wala pa bang plano mag-anak?" Tanong niya sa'min ni Archi. Muntik na akong masamid kahit wala namang akong iniinom.

Tumawa si Felix. "Mahina ka pala, pare..." Mapang-asar na wika niya kay Archi. Tumikhim naman ito at hindi pinatulan ang kaibigan. Alam kong umiiwas din siya sa topic na ganon kaya naiintindihan ko naman.

"Uuna na kami. Salamat ha, Pre...Yvonne, alis na kami..." Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Kumaway naman ako sa kanila. Pinagmasdan ko ang dalawa na papalayo na sa bahay. Para na naman kaming kinain ng katahimikan dahil muli na namang walang umiimik.

Baka dito na manirahan ang mga ligaw na kaluluwa dahil siguradong walang gagambala sa kanila.

Nilingon ko si Archi matapos kong isara ang pinto. Ngayon ko lang napagtanto na he's wearing formal attire. Mukhang babalik na siya sa trabaho ngayon. Inayos niya ang kanyang necktie na suot at saka nilagay ang relo. Hindi ko alam kung kumain na ba siya o ano pero mukha namang nagbreakfast na sila bago umalis ang mag-asawa.

Lumingon siya sa'kin kaya nagtama ang paningin namin. Mabilis akong nag-iwas ng tingin saka nilingon ang aso ko na tumatahol ngayon. Binuhat ko siya at nagpatay malisya.

"Hey, Vanilla..." Pagkuha ko ng atensyon niya. Muli siyang tumahol at sumiksik sa akin. Pasimple ko namang muling nilingon si Archi pero kumalabog ang dibdib ko nang magkatinginan na naman kaming dalawa. Sa pangalawang pagkakataon, ako na naman ang umiwas ang mga mata.

Naramdaman ko na may malambot na humahaplos sa aking binti. Yumuko at kumunot ang noo dahil nandoon si Lavender na sinisiksik ang kanyang sarili sa aking binti. Parang may humaplos sa puso ko kaya nagsquat ako para lapitan siya.

"Meow..."

"Arf! Arf!"

"Shh, quiet." Pagtatahimik ko sa dalawang alaga namin. Hinaplos ko ang kanilang balahibo ng sabay at halos manliit ang mata ko dahil sabay silang pumikit. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan sila. Good thing...nakikiramdam ang mga hayop sa tuwing alam naming may problema ang mga amo nila.

"Troy? Troy, anak?" Napatayo ako nang marinig ang boses na nanggagaling sa labas. Dahil ako ang mas malapit sa pinto, ako na ang nagbukas non.

Tumambad sa amin ang isang matanda na nakasuot ng bestida. May hawak siyang payong at may dalawang basket na naglalaman ng mga prutas. Maputi na ang mga buhok nito pero halatang malakas pa. Nakataki ang kanyang buhok at merong kwintas na parang anting-anting na suot.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now