CHAPTER 26

159 6 2
                                    

CHAPTER 26

Fam


"Isa, dalawa, tatalo–"

"Tatlo." Pagtatama ko kay Thea.

Napakamot ako sa aking noo at kinalma ang sarili. I'm teaching her how to speak tagalog since she's been here for 5 days na pero wala pa siyang alam kahit isang buong sentence man lang.

We're okay now. She apologized to me and she admitted her wrong. She said she's scared to confront me kaya sinamahan siya ni Archi. That night pagkatapos ng dinner 'yon nangyari at mas okay kasi hindi ko siya kayang tiisin ng ilan pang araw kung patuloy siyang magmamatigas.

She also called Theyle and our parents. Muntikan pa nga niyang mabunyag ang tungkol sa amin ni Archi kaya muntik na naman akong magalit sa kanya.

Pwede bang wag nila akong ipressure kasi dadating kami don at naghahanap pa ako ng tamang tiyempo at magandang dahilan dahil dito sila sa pilipinas magpapasko sa unang pagkakataon!

I'm shocked, okay? Pero hindi ko muna sinasayang ang oras na kasama ko ngayon si Thea dahil kailangan na niyang umalis sa December 7 tapos babalik sa December 22. Hindi ako magsasayang ng oras dahil time flies so fast at sa February, tapos na ang leave ko at babalik na ako sa trabaho.

"It's so hard." Reklamo niya at niyakap si Lavender na nananahimik sa tabi.

"Just up to 20. Bilis na. We're going to grocery store later. Dadating na si Archi." Naiinip na wika ko.

I had no choice. Daddy wants me to teach her too kasi may possibility na lilipat daw muna sila dito for new environment and peaceful life hanggang makatapos si Thea ng elementary at high school.

Of course hindi kami kasama sa planong iyon dahil may trabaho kami nina Theyle at Thyle sa Los Angeles na hindi namin pwedeng dalhin dito lalo na't lahat kami ay may ipagmamalaking pangalan sa bansang iyon. Lalo na si Theyle. Lahat ng client niya ay mga bigating tao, especially mga artista, model and singer.

Pinaglaruan ko ang hawak kong susi. Nakabihis na si Thea pero ako ay nakapambahay pa rin hanggang ngayon dahil balak kong magbihis kapag paalis na kami. Plano naming umalis ngayon at hinihintay na lang si Archi na umalis saglit para sa business meeting para sa kanyang project na mukhang malaki.

Actually kanina pang lunch ang meeting niya at alas kwatro kami mamimili. Quarter to four na kaya nakahanda na kami ni Thea at habang wala pa naman siya, tinuturuan ko ang reklamador na batang ito.

Napatingin ako saglit sa aking cellphone ng tumunog ito. Nawala ang pagkakakunot ng noo ko ng makita ang text ni Archi.

Archi:

I'm on my way...

"Just a minute, Thea! Archi is on his way! Fix your things!" Sigaw ko habang tatakbong pumunta sa taas para makapagbihis na.

Hinanda ko ang susuotin ko. Kumuha lang ako ng brown ripped jeans and green polo shirt crop top. No need to dress up too well. This is not fashion show. No one will judge my fashion sense.

Imbis na magbibis na agad, i decided to take a shower kasi kanina pa akong binabanas kay Thea. It supposed to be a quick shower pero napasarap ako sa pagbababad sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower.

Wala pa nga akong balak na magbanlaw kung hindi ko lang narinig ang sunod-sunod na busina ng kotse na alam kong kay Archi. Nagmadali ako sa pagbabanlaw para hindi niya ako maabutan na naliligo pa.

Baka sabihin niya na ang tagal tagal ng oras na wala siya tapos hindi pa ako kumikilos. Ayoko naman na gabihin kami kasi alam ko naman na madami kaming bibilhin para sa bahay. We're totally out of stock.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now