CHAPTER 7

161 10 1
                                    

CHAPTER 7

Asawa ko

"Where are you going?"

Agad akong napatigil sa paglalakad ng marinig ko ang baritanong boses ni Archi sa likuran ko. Inis akong humarap sa kanya. Naka-tshirt lang siya na pambahay niya at short na kulay white.

Ang ganda ng umaga ko ngayon tapos sisirain niya lang?

Bihis na bihis na ako dahil balak kong pumunta kay Ally ngayon para naman mabawasan ang stress ko sa pagtira sa bahay na 'to. Buong akala ko wala siya dito dahil sabi ni Ally sa'kin, may trabaho na dapat siya ngayon.

I wear black plaid skirt and only white top. I also wear only sneaker. Malayong-malayo sa outfit at style ko sa LA. Hindi ko naman kasi kailangang magpakamodel dito dahil wala namang media.

Isa pang dahilan kung bakit ito ang suot ko ay dahil ito ang nasa unahan ng maleta ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko parin inaayos ang mga damit ko dahil wala naman akong balak na tumira dito habang buhay.

Kaya kahit na merong closet na bakante at nananatiling walang laman na parang sinadyang para sa mga damit ko talaga nakalaan, hindi ko parin nilalagay doon ang mga gamit ko.

"Don't tell me ikukulong mo ako sa bahay mo–"

Tumikhim siya dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita. "I'm just asking you. I will never cage you." He said.

I sarcastically laughed. I mocked him. "But you already did. You trapped me in the situation i never wanted in the first place." Malamig na wika ko.

Natigilan siya saglit at nag-iwas ng tingin. Natauhan siya? Feels guilty now? Sana alam na niya na sukang-suka ako sa kasal na pinasok niya sa'kin ng sapilitan.

Wala man lang pahintulot ko. Iniisip ko nga kung pwede ko ba siyang kasuhan sa ginawa niya pero baka gamitin niya ang marriage contract kung saan pumerma ako. Ipagpipilitan nila na kasal kami kasi may perma ko. Pinirmahan ko.

Balak ko na sanang tuluyan ng lumabas nang marinig kong muli ang boses niya. "Get dressed. We will attend some party." Namamaos na wika nito.

Muli ko siyang hinarap. Kunot na kunot ang noo ko. Naiinis ako na ewan. "I bought a dress for you. It's in our room now." Dagdag pa nito.

Inismidan ko siya. Our room. Pwe. Kahit na ganon, wala sa sarili ko parin siyang sinunod. Umakyat na ako hagdan at bumalik sa kwarto.

Doon ko nakita ang kulay white na slit dress na may katernong kulay white na pump. Tumaas ang kilay ko sabay hawak sa dress. Meron din doong mga nagkalat na accessories na masasabi kong babagay sa binili niya.

Hindi ko alam kung siya ba talaga ang bumili nito o nagpatulong lang siya kasi bakit ang ganda niya naman pumili masyado? Pinagloloko ba ako nito?

"I don't think you can like it but if it wasn't your taste, just send me a picture of the dress you like and i will buy it for you."

Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Bakit ba basta basta na lang siyang nagsasalita nang hindi ko man lang nararamdaman ang presensya niya?

Para siyang multo na bigla na lang magpaparamdam pag gusto pero kapag kinausap mo naman hindi makaimik at iignorahin ka lang? What the fuck is wrong with him?

"Wag na." Wika ko sabay iwas ng tingin.

Isn't he weird or sadyang ignorante at masungit lang talaga?

Since high school alam kong ganon na ang ugali niya. First year in junior high school ako, college na siya. He's our senior.  Dumadaan ako sa building nila kasi nandoon ang pinsan ko na kasabay ko lagi sa pag-uwi kaya nakilala ko siya kasi friend niya, e. They are classmates. Minsan tambay din kami nina Ally doon.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now