CHAPTER 11

178 13 48
                                    

CHAPTER 11

Baby pa

Hindi yata ako nakatulog ng maayos dahil sa kanya. Hanggang ngayon buhay na buhay parin ang diwa ko kahit na umaga na. Wala na siya pagkagising ko meron siyang sulat na iniwan sa side table. Nakalagay doon na pumasok siya sa trabaho at baka gabihin pa ng uwi.

Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Nang makita ko ang pinto, agad akong naexcite at gumanda agad ang mood. Tila nakalimutan na ang nangyari kagabi.

Mabilis akong pumasok. Ganon na lang ang paghanga ko sa laki non na para akong nasa isang Disney world kung saan magaganda ang mga gamit na nasa dressing room. Tinalo pa nito ang dressing room ko sa bahay namin!

Gold and white ang kulay na bumabalot sa buong kwarto. Maliwanag dahil sa mga chandelier at meron isang sobrang laking salamin. Meron ding isang white curtain na parang doon ang fitting area. May malaking vanity table at isang set ng make up. Naka LED light din sa bawat gilid n naglalaro lang sa kulay puti. Tapos sa gilid naman merong hanging swing na parang masarap tambayan.

I think this will be my favorite place in this house.

Naroon ang mga damit na binili ko pero madami ito! Sobrang dami na hindi naman ako ang bumili nung iba. Glass lahat kaya kitang-kita ko agad ang mga laman niyon. Nakaorganize din ang lahat by color and type of clothes. The dresses, coats, denim jackets, tops more! Excited na excited ako ngayon na parang batang gusto na tumalon dahil sa tuwa.

Nakaayos din ito by section. Tiningnan ko ang mga skirts na naroon. Sobrang dami. At meron pa ngang mga formal dress or gown na pwede kong magamit sa tuwing may event kaming pupuntahan. Parang kumpleto na ang lahat dito. Napatili ako nang humarap na ako sa mga sapatos at mga bags. Fuck! I didn't expect it! Kahapon lang ba ito?

Masyaso akong naexcite sa mga gamit na para sa akin na hindi ko napansin ang mga damit na para sa kanya. Nahahati pala sa dalawa ang kwarto na ito na hindi agad mapapansin dahil sa malalaking cabinet. Sa likod ng mga bag na naroon, doon naman ang nakalagay ang mga gamit niya. Maliit lang ito kumpara sa akin at iba ang kukay doon. Dark brown ang kulay non na kabaliktaran ng makulay kong part.

Umawang ang labi ko at namamanghang napatingin sa mga working attire niya. Naroon ang mga coat na nakasabit pati na rin ang mga dress shirt. Nakahiwalay ang formal sa casual attire. Nang hilahin ko ang drawer, doon ko nakita ang ang sinturon at mga necktie niya na sobranh daming pamimilian.

Hinawakan ko ang isa. Agad na uminit ang pisngi ko nang maimagine ko na ako ang nagsusuot ng necktie sa kanya. Agad akong umiling at tinuon na lang ang pansin sa mga sapatos niya. Ang ganda ng design. Tamang tama ang pagkakahati at tumutugma talaga sa dami ng mga gamit.

Naglakad pa ako. Sa isang drawer, doon ko nakita ang mga boxer niya. Napatili ako at mabilis na sinara ito. Ang nakikita ko lang kasi na nasa closet sa kwarto namin ay ang mga t-shirt niya na madalas sinusuot tuwing matutulog na siya. Nandito pala ang ibang gamit niya.

He's the architect of his own house. Hindi ko mapigilang mamangha. Kumuha agad ako ng Chanel bag, brown pleated hem mini skirt, sort of harajuku style, white long sleeve na ginupit ko kaya hanggang ribs ko na lang then below the knee boots. I set it aside.

Ngayon na nakita ko ang luxery walk-in closet na 'to, mas naappreciate ko ang mga design kaya ngayon ako maglilibot. Namamangha ako sa bawat detalye ng bahay. Alam kong nagandahan agad ako dito noong unang kita ko pero mas maganda pala talaga kapag bawat sulok ang tiningnan mo. Nakakabilib. No wonder why he's one of the famous architect and has a lot of offer from big company worldwide!

Pero sa buong paglilibot ko, there is no trace of his family! Kahit family picture na typical naka display sa living room wala. Kahit sa kwarto namin wala. Hindi ko tuloy alam kung sino ang pamilya niya at kung saang angkan ba siya kabilang. Yung surname naman kasi niya ay very common kaya mahirap alamin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now