CHAPTER 29

176 6 1
                                    

CHAPTER 29

Drunk




"YVONNE?"

Agad akong napalunok habang nakatingin kay Snow na nakaawang ang labi at mukhang hindi inaasahan na makikita niya ako ngayong araw. Pabalik-balik ang tingin niya sa amin ng pinsan niya na para bang malabong paniwalaan ang nakikita niya.

"Whaaat?" Naguguluhang tanong nito.

Hanggang sa lumapit na din ang ibang pinsan ni Archi na babae. Pare-parehas sila ng reaksyon. Hindi nagkakalayo. Sa paraan ng pagtingin nila parang sinasabi nila na napakaimposibleng mangyari.

"H-hi..." Nahihiyang pagbati ko sa kanila.

I saw his brothers. Hindi ko sila kilala. Masasabi kong mga kapatid niya ito dahil hindi nagkakalayo ang mga mukha nila. Parang katawan lang ang pinagkaiba na pati sa part ng  rest face nila. Hindi mana sa kuya na akala mo laging may dalaw dahil sa kasungitan.

But, of course, Archi is the most handsome.

Kunot-noong tumingin si Archi sa mga pinsan niya. Pati na din sa mga kapatid niya. Bumalik tuloy ang natural na malamig at istriktong ugali niya. Hindi niya pinansin ang mga ito na naging dahilan ng pagtawa ni Winter.

Hinila niya ako papasok sa garden kung nasaan ang magulang niya daw. Rinig ko parin ang pagsinghap ng mga pinsan niya. Ewan ko ba kung naooffend ako sa mga reaksyon nila or what.

"So rude." Rinig kong bulong ni Archi.

Ngumuso ako at ngumiti sa kanya. "Nagulat lang." Pagpapakalma ko dito. Kahit naman ako ganon din ang reaksyon ng malaman kung saang pamilya siya galing.

Sa bandang garden naman, andoon ang mga matatanda. Not so matanda. Middle age with a young faces. Hindi mo aakalain na may mga anak na dahil parang kaedaran ko lang sila.

"Mom..."

Naramdaman ko ang kamay ni Archi sa likod ko as if he's making sure that he won't leave me. Bumaling ako sa tinawag niyang mom. My jaw dropped secretary when i saw his mom.

She looked so young!

Ano bang meron sila at ganito ang lahi nila? Para silang bampira!

Agad na lumaki ang ngiti niya ang makita si Archi. She's wearing a red bodycon silk dress. Walang-wala sa suot ko na parang teenager lang. Hindi pa niya ako nakikita dahil masyado siyang excited para sa anak niya. "Happy birthday, my son!" Bati nito.

"My wife is here, mom." He said, straight to the point.

Parehas kaming nagulat sa sinabi niya. Para akong aatakihin sa puso, walang preno, walang pasabi. Basta na lang niyang sinabi na parang kaswal lang.

Lumipad ang tingin sa akin ng mommy ni Archi. Parang nangatog ang tuhod ko nang magtama ang paningin namin. Gusto kong magtago sa likod ni Archi at yayain na lang siyang umuwi pero hindi pwede.

"Nervous?" Bulong sa'kin ni Archi na nagawa pang tumawa sa gitna ng kaba ko. Gusto ko siyang hampasin at kurutin pero nanigas na ata ang katawan ko na kahit miski pagkurap hindi ko magawa.

"Mom, you're scaring my wife." Archi said. Natatawa.

Para namang natauhan ang mommy niya na agad nanlaki ang mata. Umiling siya at mabilis akong niyakap na nagpatigas sa akin. "Of course not. I'm just shocked. That's why you keep her a secret, huh? A beautiful catch?" Mapanuyang tanong ng mommy niya na nagpainit sa pisngi ko.

Tumawa si Archi. Parang hindi na ako humihinga sa yakap ng mommy niya. Parang nauna na sa akin ang kaluluwa ko kahit hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora