CHAPTER 20

179 7 0
                                    

CHAPTER 20

VACATION PART3: Sinful beer



Tahimik na nilapag ni Archi ang platong may pagkain ko. Walang imik itong bumalik sa upuan na katabi lang naman ng sa'kin. Ang lapit naming dalawa pero daig pa namin ang nasa magkaibang mundo dahil hindi kami nagpapansinan.

"Paano nga pala ang trabaho mo sa ibang bansa, Hija? Hindi ba't model ka doon?" Tanong sa akin ni Mr. Yimlo. "Babalik ka pa sa... saan nga ba 'yon? Las Vegas? Los Angeles?"

Tumango ako. "Los Angeles po." Sagot ko. Nilingon ko si Archi na bahagyang pumaling ang mukha sa side ko pero hindi naman ako tiningnan. "Kailangan ko pong bumalik din agad doon kasi 5 months lang po ang leave ko." Nakangiting sagot ko sa kanya.

"Edi doon ka na rin titira, Troy?" Tanong nila kay Archi na biglang napaangat ang tingin. Hindi inaasahan ang tanong na ibabato sa kanya.

"Anong plano mo? Doon ka na ba din sa ibang bansa maninirahan?" Tanong nila. Bahagyang hinihintay din ang magiging sagot niya.

Matagal itong napatitig sa kausap na tila ba hirap na hirap sa paghahanap ng sagot. Sa unang pagkakataon, wala siyang mailabas na kasinungalingan kaya tumikhim ako.

"Hindi naman po maiiwan ni Archi ang trabaho niya. Madami pa po siyang project. Babalik naman po ako dito." Sagot ko pero tila hindi satisfied si Archi dahil kumunot ang kanyang noo.

"I can. If you asked me to live with you, i'm willing to drop my projects and manage my work there." Aniya sa mababang boses na parang sa akin niya lang pinaparating ang gusto niyang mangyari.

"Baliw ka ba?" Mahinang tanong ko pero nanatili ang ngiti sa labi para hindi kami mahalata ng mga nanonood.

Pero ang anak ng hudyo, hindi na ako sinagot!

Kumain na ako. Tapos na silang lahat pero patuloy pa rin naman sa pag-uusap. Napapatigil nga ako sa tuwing makikisali siya sa usapan at nakukulong ang malamig niyang boses sa tainga ko na mas nagpatagal sa pagkain ko.

Hanggang sa matapos na ang dinner at nakapagpaalam na ang lahat na matutulog na hindi pa rin talaga ako nilingon o tiningnan man lang si Archi.

"Anong drama mo? Magagalit na sana ako kasi hindi ka nagpaalam sa'kin." Wika ni Ally.

"Ang feeling niyong lahat. Nakita niyo ba akong dumaan sa harapan niyo?" Sarkastikong tanong ko sa kanila.

"May iba pang daan palabas hindi lang sa main gate!" Pasigaw na wika niya.

I pouted my lips. Ay we? "Hindi ko alam." Wika ko at pinanood si Archi na kausap sina Mrs. Yimlo. Mas lumalim ang pagkakatitig ko sa kanya ng makitang tumawa ito.

Parang bumagal ang oras at nahinto ang lahat ng nasa paligid ko dahil sa ngiting 'yon. Ito na naman ang lintik na puso na 'to! Idodonate ko na 'to.

Tinapik siya ng isang kabatch niya dati. Dahan-dahan siyang lumapit papunta sa amin. Nakangiti siya. Siguro dahil sa mga pinag-usapan nila.

Nagtama ang paningin namin. Saglit na tumaas ang kilay niya pero nagtungo naman sa harap ni Drew.

"I will go upstairs." Aniya.

"Ang aga naman. Mamaya na, inom muna tayo."

At hindi ko na narinig ang sagot niya dahil masama ang loob ko. Nakita ko na lang na papalayo na siya nang hindi man lang ako nililingon.

Galit ba siya? Hindi na nga ako umalis, ano pang hinihimutok niya? Nakakagigil. Tapos hindi man lang nagpaalam sa'kin na tutulog na siya. Ako lang ang hindi niya sinabihan kahit na katabi ko lang naman si Ally at si Drew na may balak atang magswimming ngayong gabi.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें