CHAPTER 43

186 8 4
                                    

CHAPTER 43

NINONG


"Archi, i...i-i will...ahm..." Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin ng deretso sa kanya na nakataas ang kilay at naghihintay sa sasabihin ko.

It's Saturday and i have an appointment today!

Pero hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya.

"What it is?" He asked.

Mukhang nainip na dahil kanina pa akong nakatayo sa kanyang harapan pero hanggang ngayon hindi ko parin nasasabi ang gusto kong sabihin dahil pinapangunahan ako ng kaba.

Nasa bahay kaming dalawa. Actually, nasa bahay lang kami buong linggo dahik hindi tumigil ang pagbuhos ng ulan...pero ang alam ko kailangan niyang umalis din ngayong araw dahil kailangan na siya sa kanyang opisina ngayon.

Sinamantala ko ang pagkakataon na ito para umalis ng bahay at makasama si Fei gumala since tirik na tirik na ngayon ang araw at pupwede na akong gumala.

I bit my lower lip. "Lalabas kami ni Ally ngayon." Mabilis na wika ko dahil ito ang dahilan na kusang lumabas sa aking bibig.

He tilted his head. Pinagmasdan niya akong mabuti kaya naman agad akong nailang. He's sitting on the couch. Hawak niya ang kanyang laptop at nanatili siyang nakapang bahay na suot lang dahil mamaya pang ala una ang kanyang punta sa opisina.

Seryoso ang mukha niya. Hindi siya nakangiti pero hindi din naman masungit. Hindi ko tuloy alam kung matutuloy pa ba kami ni Fei dahil mukhang malabong payagan ako ngayon.

Oh, Fuck! Gusto ko ding lumabas...

"Hmm...okay." he said.

Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagdiwang ang puso ko at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Mabilis akong tumaas sa kwarto kahit rinig ko ang mga pagsigaw niya.

Dahil nakaligo na ako kanina pa, nagbihis lang ako. I wear a blue collar dress that embrace my body. I also wear a white sneakers. Nilugay ko ang mahaba kong buhok at nag-ayos lang saglit. I bring my black shoulder bag at doon nilagay ang wallet at cellphone ko.

Bumaba na ako pagkatapos mag-ayos. Wala na siya sa couch. Nakatayo siya sa gilid at may kausap sa kanyang cellphone. Bumaba ang tingin niya sa'kin. Hindi ko mapigilang mapalunok dahil pinagmasdan niyang mabuti ang buong katawan ko. Tumaas ang kanyang kilay at kitang-kita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.

Binaba niya ang cellphone. Nagmadaling nagpaalam sa kausap. Nilagay niya ito sa kanyang bulsa at mabilis na nilapitan ito. Naiilang talaga ako dahil palagi na lang siyang tumititig sa aking mukha kaya nackaka-concious kung may dumi ba ako or ano.

I smiled at him. "Anong oras ka aalis?" Tanong ko para magkaroon naman kami ng mahabang pag-uusap ngayong araw. Mula pagkagising ko kasi nakaharap na siya sa kanyang laptop at cellphone pero hindi naman niya hinayaan na hindi ko siya makikita kapag nagising ako sa umaga.

"Probably 1 pm." He said.

Tumango ako at kuling kinagat ang labi kaya napatingin siya doon. Ngumuso siya at muling tinaasan ako ng kilay.

"Where are you going?" He asked.

"G-gagala sa mall..." I said.

Tumango siya. Hinatid niya ako sa sinabi kong address na pupuntahan ko. Alam kong nagtataka siya dahil wala naman siyang kilalang tao na nakatira sa ganong address pero hindi naman siya nagtanong kaya hindi din ako nagpaliwanag. Gusto ko siya ang magtatanong.

Umalis na din siya para maghanda dahil papasok siya mamaya. Nagpaalam lang siya saglit tapos niliko na ang sasakyan.

Pumasok ako sa bahay nina Fei na bahay ng kanyang tita. Nakabihis na siya. Nakasuot siya ng high waist black short and pink t-shirt na nakatuck in. Nakawhite sneakers din siya at may shoulder bag din.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now