CHAPTER 47

203 8 0
                                    

CHAPTER 47

AWAY BATI


"Opo! Lalabas na po!" Sigaw ko.

Nagjeans ako ngayon. Fitted jeans and long sleeve kasi malamig na. Ayoko namang magjacket. Nag-aayos lang ako pero kanina pa nila kaming pinapatawag para magsimula na silang mag-usap.

Kasama ko naman dito si Archi. Nagspray siya ng pabango na bumalot sa buong kwarto. Nilagay ko lang ang singsing ko bago ko siya hinila palabas ng kwarto. "Kinakabahan ako." Bulong ko sa kanya.

Hinapit niya ang aking bewang. "Bakit?" He asked.

I pouted. "Ewan ko." Sagot ko.

Tumawa siya at hinalikan ako sa noo. Dumiretso kami sa cottage na pinuntahan namin kahapon. Nandoon na silang lahat. Sa una kinakabahan ako kasi akala ko magiging mabigat ang atmosphere pero ngayong nakikita ko silang nag-uusap at mga nagtatawanan na parang matagal na silang magkakakilala, nakahinga na ako ng maluwag.

Bakit nga ba ako nag-aalala? Sociable ang Buenavista.

Umupo na ako kung nasaang side ang pamilya ko. Katabi ko si Thea na mabilis kong siniko dahil parang tuwang-tuwa siya kay Hurricane at gusto na niyang makalaro.

Tumabi naman sa'kin si Archi. Nasa kabilang side namin ang mga Buenavista. Nakaupo ang ang magkakapatid na Buenavista kasama ang kanilang mga asawa. Nasa gilid naman ang magpipinsan at tahimik pero mga nakangiti. They are showing formality right now. Wala ang kanilang mga partner at naiwan sa labas. 

Madaming mga pagkain sa gitna. Tahimik din ang dalawa ko pang babaeng kapatid na nakikiramdam pa at nakikiadjust although kilala na naman nila si Snow dahil bumisita na siya sa bahay namin noon.

Nagsimula na silang mag-usap. Tulala alo dahil hanggang ngayon hindi ko parin maproseso ang lahat ng mga nangyayari. Totoo ba ang lahat ng ito? Ikakasal na ba talaga kami ni Archi?

"Ano bang exact date ang gusto niyo?" Tanong ni Daddy sa'kin.

Agad akong natigilan at bumalik sa sarili. Nakatingin sila sa aming lahat at naghihintay ng date. Nilingon ko si Archi. Wala kasi akong masagot kasi hindi pa kami nag-uusap tungkol dito.

Tumikhim siya at nilingon ako pabalik. He held my hand and didn't left my eyes for a minute. "I was planning on Yvonne's Birthday. Gusto ko pong isabay sa Birthday niya ang kasal. February 20..." He said. Walang pag-aalinlangan. Walang pagdadalawang isip na para bang tantiyado at planado na niya ang lahat ng ito.

My birthday? He know my birthday? That does mean we have double celebration?

Lahat kami ay natahimik. Bumilis ang tibok ng dibdib ko at kilig na kilig na pero hindi pinahalata sa kanila. Rinig ko naman ang impit na tili nina Summer na agad na sinaway ng kanyang mga magulang.

"Oh..." Mukhang natuwa si Daddy sa sagot ni Archi dahil tumatangong nakangiti siya ngayon.

Plus point ka na naman.

Muling umusad ang pag-uusap. Si Autumn at Snow ang naglilista ngayon. Kasama kasi sila sa bahala sa venue at reception. "Anong theme?"

Tumikhim ako at napaisip bigla. May pumapasok na ideya sa mga utak ko sa daming kasal na napupuntahan. Meron naman akong mga gusto kahit papaano. "I want ano po kasi wisteria or vintage mauve. I don't want a typical color for our wedding." Kagat labing wika ko.

Titig na titig sa'kin si Archi na tumatango na sinasabing kung ano ang gusto ko, ayon ang masusunod.

"Wisteria and vintage Mauve, then." Si Archi.

Suminghap si Spring. Siniko niya si Summer. "Huy, ano 'yon? Isearch mo nga."

Dapat seryoso ang usapan na ito pero agad akong natawa sa bulong na utos ni Spring na sinundan naman ng pagtawa ng lahat.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now