CHAPTER 6

166 11 3
                                    

CHAPTER 6

Cereal

"Your sister asked me to tell you to call her." Archi said.

Kakagising ko lang at tulala pa ako sa mga nangyari kagabi. Nasa couch ako ngayon ng living room niya at hindi ko alam kung bakit ako napunta dito dahil kadalasan, nasa kwarto niya lang ako nakatambay.

Pagkatapos ng nangyari kagabi na pag-uusap namin, hindi ko alam kung bakit sumama pa ako sa kanya kahit na binalak kong tumakas. Namalayan ko na lang na nakasakay na ako sa kotse niya at ang mga gamit ko ay nasa backseat at compartment na.

At ang malala, hindi ako tumutol o nagreklamo man lang na pababain niya ako sa sasakyan. Parang may sariling utak ang katawan ko o kaya naman dinaan niya ako sa hipnotismo dahil hindi talaga ako nagsabi ng masasamang salita sa kanya.

Patingin-tingin lang ako sa kanya pero wala akong sinasabi. Nahuhuli niya naman ako na patingin tingin at wala din siyang sinasabi! Hindi naman siya mukhang galit sa paglalayas ko pero lalong hindi siya natutuwa 'no.

Walang nagsalita sa'min kahapon. Para nga akong sinapian ng mabait na kaluluwa . Hanggang sa makabalik kami sa bahay niya hindi niya ako kinausap o kaya naman tinanong ng kung ano-ano o pinilit na kumain tulad ng palagi niyang ginagawa. 

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tinalikuran na niya ako at muling bumalik sa kusina. Bumuntong hininga ako at hindi na siya pinagtuunan ng pansin.

Maaga akong nagising ngayong araw dahil wala siya sa tabi ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko siya hinahayaang matulog sa tabi ko, e. Kahit na kwarto niya 'yon hindi dapat ako pumayag. Natigilan pa siya ng makita akong maagang gumising at bumaba pa sa living room pero hindi naman ako pinansin. Parang wala lang.

Ilang araw na akong nagbabalak na lumipat sa kahit na ibang kwarto man lang pero mga nakalock ang mga ito hanggang sa 3rd floor. Ayoko naman na maghanap pa ng susi o kaya tanungin sa kanya ang susi.

Sa tuwing pinapalipat ko naman siya nawawalan lang siya ng imik na parang walang kausap at isa lang akong masamang hangin sa kanya.

Nakakainis siyang kasama. Wala na ngang kwentang kausap, napakagago pa. Nakakairita. Mahirap siyang pakisamahan. Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya noon pa man. Malayo pa lang siya, kumukulo na agad ang dugo ko.

Tulad ng sabi nito, tinawagan ko nga si Thea. Siya lang naman ang alam kong malakas mag-utos sa kahit na sino kahit hindi niya close. O, baka naman close nga sila ni Archi pero hindi ko lang alam. Pero paano?

"Hello, Noah?" Pambungad nito.

Parang nandilim ang paningin ko ng makarinig ng pangalan ng lalaki. Isama pa ang boses niyang parang sobrang lambing. "Who the fuck is Noah, Theatryn Ylonna?!" Malakas na sigaw ko.

"Oh my God! Yvonne!" Malakas na sigaw niya din at kabadong humalakhak. Base sa boses niya, hindi niya inaasahan na ako ang tatawag sa kanya.

"Yvonne?! You stupid brat! Call me ate!" Inis na sigaw ko pabalik. Napakabastos na bata talaga.

"Yes, i said Ate Yvonne!" Pangangatwiran niya kahit wala naman talaga siyang sinabi.

Nakita kong lumabas si Archi galing sa kusina. Nakakunot ang noo niya. Akmang magtatanong na siya pero nang mapansing may kausap ako, tinikom niya ang kanyang bibig at walang imik na bumalik sa kusina.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin. Masyado atang napalakas ang boses ko kaya napabalik siya dito.

Tss. Napailing ako at hinayaan na lang siya. Parang tanga naman, e. "Who the fuck is Noah?" Mahinahong tanong ko kay Thea na kung ano-ano ang sinasabi ngayon para maiba ang topic namin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now