CHAPTER 38

139 7 4
                                    

HOME



"What's next?"

Bumuntong hininga ako at walang ganang tinusok ang ulam na nasa aking plato. "Wala. Ayun na. Hinayaan na niya akong umalis." Namamaos na pagkwento ko kay Ally.

I'm staying at the hotel right now. Dalawang araw na ang nakalipas nang mangyari ang gabing 'yon. Hindi ako tumuloy sa flight ko pero hindi ako umuwi sa bahay niya. Mabigat sa loob ko ang mga pangyayari pero hindi mawala sa aking isipan ang lahat ng aking sinabi...

...na pinagsisisihan ko ngayon.

"Don't tell h-him I'm still in the Philippines..." Nakikiusap na baling ko sa kanya.

"He's not asking for you, anyway." Para akong bagay na nabasag at pinipira-piraso dahil sa sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin at nilagay ang kumot hanggang sa aking leeg. I can't sleep, I can't eat properly.

After the fight we had that night, nilagay ko na ang mga gamit ko sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero masisigurado ko na nandoon siya sa kwarto naming dalawa. It supposed to be happy day kasi new year na new year pero kabaliktaran ang nangyari.

Nagsisisi ako, oo. Hindi ko makakalimutan ang bawat reaksyon niya sa mga masasakit na salita na binitawan ko. Inaamin ko na nadala lang ako ng selos, galit at lungkot kaya nagawa ko ang mga bagay na iyon.

Hindi siya tumatawag sa akin. Hindi din siya nagtetext. Wala siyang paramdam at wala akong nababalitaan tungkol sa kanya. Tinawagan ko ang kanyang secretary para magtanong pero sinabi nito na hindi daw pumapasok si Archi.

I felt so lonely in this room. Tinawagan ko lang si Ally kanina kasi mababaliw na talaga ako. I explained everything. Nalaman niya daw 'yon dahil kay Drew. I want her to hear my side, but... mukhang sobrang tanga naman ng dahilan ko kaya napapailing na lang siya.

"Alam mo na ba kung bakit ka iniiwan?"

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Tinaas niya ang kanyang kamay at sumandal sa sofa na kanyang inuupuan. She looked so serious...hindi natutuwa sa mga nangyayari. "You're too toxic in all of your relationship." She said..

Napalunok ako dahil tagos sa buto ang sinabi niya. Yes, I'm too toxic. Hindi ko iyon maitatanggi. Alam kong nagkamali ako. Alam kong mali ako.

"Okay, let me tell you this. Aaron loves you so much. He's willing to give up everything just for you. I know, kahit na ganon, alam kong mahal na mahal ka niya kasi nakikita namin 'yon...and Troy. Hindi ko alam kung bulag ka ba o ano pero halata naman na mahal na mahal ka din nung tao. He took care of you and accept all of your shits. Hindi ka naman pinapahirapan. Hindi ka naman pinapagawa sa mga gawaing bahay. Hindi ka naman sinasaktan. Minsan na lang kaya makahanap ng asawa na hindi nananakit. Ang swerte mo na nga kasi maganda ang trato sayo at ng pamilya niya." Muli siyang napailing na parang disappointed talaga sa mga nangyayari.

"Ewan ko ba, Yvonne. Hindi kita kayang suportahan sa desisyon mo. Masyado kang...masyado kang padalos dalos kaya tingnan mo ang nangyari." Bumuntong hininga ako at tumingin sa kawalan. Tumayo naman siya at kinuha ang tray na may lamang pagkain at pinatong ito sa aking higaan.

"Tandaan mo, Troy is the most patient in their family...sa buong angkan ng Buenavista. If you make him give up, your attitude sucks." Aniya. Simple lang naman 'yon pero para sa akin ay parang isang nakamamatay na pagbabanta.

Binalot ako ng takot pero hindi ko pinahalata sa kanha iyon. Nagsimula na akong kumain pero nababahala parin dahil sa sinabi niya. Parang hindi ako makahinga ng ayos habang iniisip na...

"Bakit hindi mo na lang aminin na–"

"Hindi ko mahal si Archi..." Pagpuputol ko sa dapat na sasabihin niya. Natikom niya ang kanyang bibig pero ngumisi din naman kalaunan na parang may naglalaro sa kanyang isipan..

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now