CHAPTER 44

190 6 0
                                    

CHAPTER 44

FAMILY

Tatlong araw na ang dumaan pero hanggang ngayon hindi parin nakakalapit si Archi sa akin dahil hindi ko parin siya hinahayaan. Hirap na hirap na nga siya dahil sa couch ko siya sa kwarto pinapatulog. Doon siya matutulog pero pag nagigising naman ako katabi ko na din naman siya.

Ang galing! Pinapatulog lang ako tapos lilipat din!

Hindi ko alam kung paano ko nakayanan na hindi siya pahawakin sa'kin gayung gustong-gusto kong nakalingkis at nakasiksik sa kanya. Clingy ako pero pag pala ganitong may sama ka ng loob, kayang kaya mong magtiis.

Nagising ako dahil sa mabangong amoy sa baba. Excited ako dahil nakabalik na si Nay Stella sa bahay kaya may makakausap ako bukod kay Archi. Malaki ang ngiti kong bumaba sa hagdan pero agad na naglaho iyon dahil nakita ko siyang nagkakape sa living room.

Agad na nagtama ang paningin namin. Tumayo siya at ako naman ay mabilis siyang inirapan. Gusto kong matawa dahil naalala ko ang mga pag-aasaran namin kagabi na ikinapikon niya. Maaga siyang natulog at hindi umimik sa akin magdamag.

Sinabi ko lang naman na ninong lang siya ng anak namin at papapuntahin ko parin naman siya sa binyag. Natatawa akong isipin ang reaksyon at itsura niya na iritang irita na pero ayaw naman sumagot kasi kapag sumagot siya panibagong araw na naman ang lilipas na hindi ko siya hinahayaang lumapit sa'kin.

Padabog siyang humiga sa couch kagabi. Kunot na kunot ang noo at nakaigting ang panga. Mukhang alam ko na kung ano ang pang-aasar na gagawin ko kapag gusto kong makita siyang naiinis.

After a long night of teasing him, nagising ako ng madaling araw...same time like before. Kumakalam na naman ang sikmura ko at may gustong kainin.

Napalingon ako kay Archi na nakabaluktot sa sofa. Nakalagay ang braso niya sa kanyang mukha at mukhang hindi talaga komportable sa kanyang posisyon pero nakuha parin namang matulog.

Himalang hindi siya lumipat sa tabi ko. Mukhang nainis talaga siya sa'kin kagabi kaya hindi na siya tumabi.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. I want to eat lasagna. Ayoko naman na bumili ako ngayon lalo na't sinabi niya naman sa'kin na gisingin lang siya if meron akong kailangan o gusto. Siya ang nagsabi kaya syempre susulitin ko iyon.

I tapped his shoulder. Gumalaw siya saglit pero hindi agad nagising.

"Archi..." I called his name.

Doon lang siya napamulat. Umupo siya sa sofa at hinaplos ang kanyang braso. He looked sleepy. Madilim ang kwarto dahil nakapatay ang mga ilaw pero kitang-kita ko ang mapupungay niyang mga mata.

"Why? You need anything? Want something? Hungry?" Mababa ang tonong tanong niya sa'kin.

Tumango naman ako at umupo sa tabi niya pero nananatili ang distansya. "Yes. I want to eat lasagna..." I said softly.

"Teka..."

Bumaba kaming dalawa. Inaayos na niya ang mga gagamitin niya sa pagluluto. Akala ko iistorbohin niya ulit si Winter pero sabi niya marunong daw naman siya gumawa ng lasagna kaya madali na lang 'yon.

Naghintay ako sa kanya habang nanonood ng isang Disney movie. Wala akong naiintindihan dahil lumilipad ang isip ko. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay matikman ang mabangong niluluto niya.

Inabot ng kalahating oras bago pa ako nakakain. Dinalhan niya ako sa living room at hinayaan na lantakan ang niluto niya. Tulad noon, pinapanood niya lang ako at hindi nakikisalo sa akin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now