CHAPTER 24

155 5 0
                                    

CHAPTER 24

Sweet

"Can we rest for a while? I'm tired chasing you, Thea!" Gigil na bulong ko kay Thea na hindi talaga tumitigil sa kakalakad.

Parehas kaming may bitbit ni Ally na sobrang daming paperbag na sa kanya lang. Usually libro, album, merch at damit ang mga binili niya at hindi pa siya tapos hanggang ngayon.

Itong batang 'to, palibhasa ngayon ko lang nakabonding ng husto, uubusin ang pera ko sa lahat ng gusto niya. Hindi lang ako makatanggi kasi nangako ako sa kanya na kahit ano. Kahit ano bibilhin niya at hindi ako tututol.

Pero amputcha kahit ano nga. Kahit mga hindi niya kailangan binili niya talaga. Bumili ng camera? Dinaig pa ako. Sa ilang buwan ko dito sa pilipinas, ni hindi ko naisipan na bumili ng camera kahit na madami akong gala dito.

Bumili ng dog food, e wala naman kaming aso! Nanginginig ako sa galit sa batang ito kaya napapamura na lang ako ng tahimik. Kapag naman sinuway ko mag-eeskandalo pa sa loob ng mall kaya pinabayaan ko na lang.

"Ang ganda ng outfit ko tapos taga-bitbit lang pala ako." Bulong ko sa sarili ko.

Natawa si Ally nang marinig niya ang sinabi ko. "Tanghalian na, 'te. Hindi pa ba tayo kakain muna?" Tanong niya sa akin.

Napatingin naman ako sa relong suot ko. Malapit na mag-twelve thirty at nakakailang ikot na kami sa loob ng mall.

May parte naman sa'kin ang naiintindihan siya kasi alam kong hindi naman siya nakakagala sa Los Angeles dahil busy siya sa school at ayaw din siyang palabasin nina Mommy dahil dudumugin din siya nang dahil sa akin.

Madalang lang siyang palabasin, kapag kasama lang si Daddy o isa sa mga ate niya. Hindi din naman siya gala tulad ni Thyle kaya okay lang din sa kanya na nasa loob lang ng bahay.

"Right. I'm tired too."

Sabay kaming napabuntong hininga ni Ally nang sa wakas nagsawa na din si Thea. Umupo kami saglit sa isang bench kung saan kasalukuyan siyang nagbayad ng mga pinabili niya.

Napapikit ako at napasandal sa upuan sa sobrang pagod. Gusto kong pagalitan ng pagalitan si Thea pero ayoko naman mag-english ng mag-english. Nakakasawa din tapos kung ano-ano pa ang sasabihin niya sa'kin.

Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Pagod na pagod kaming tatlo. Agad akong napangiti ng makita ang text ni Archi na ngayon-ngayon lang. Parang biglang nawala ang pagod ko.

Archi:

It's already lunch. Have you eaten?

I bit my lower lip to surpassed my chuckled. Nababaliw na ata ako. Para akong tanga na kinikilig dito kahit na palagi naman niya akong tinetext ng ganito. Ang kaibahan lang, ngayon, nagrereply ako.

Me:

No. Stuck in mall. Thea still shopping.

Agad kong sinend ang reply ko sa kanya. Napalingon na lang ako ng may tumikhim sa tabi ko. Nakikibasa si Ally sa conversation namin ni Archi. Agad na nawala ang ngiti ko at inis siyang hinampas sa braso.

Kahit kailan talaga hindi nauso sa kanya ang salitang privacy.

Iniwas ko kay Ally ang aking cellphone at hinintay ang reply niya. I expect him to respond late due to his busy schedule but i was wrong. He replied immediately after my text to him.

Archi:

Tired?

He replied.

"Laki ng ngiti." Puna ni Ally na ikinairap ko lang.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now