CHAPTER 9

137 10 2
                                    

CHAPTER 9

Spoiled

"What do you think? Siguro hindi na lang muna?"

Bumuntong hininga ako at napatitig sa bintana. Lumilipad ang isip ko ngayon. Hindi ako makapagfocus dahil sa mga nangyari. Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na ang dumaan. Ilang linggo na akong nakatira sa puder ni Archi.

Hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit ko pinapahirapan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko ang sarili ko na makasama siya para walang masabi sa'kin ang mga tao. Kung bakit ba kasi pumayag ako sa gusto niya.

Wala ako sa katinuan noong pumayag ako sa kanya. Lunod ako sa labis na nararamdaman. Masyadong nadurog ang puso ko kaya nasabi ko 'yon pero bakit hindi ko kayang bawiin? Kahit ang dali dali naman. Bakit hindi ko magawang umalis?

"Huy!" Natauhan ako nang hinampas ako ni Ally sa balikat. Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng tipid. Hindi ko alam kung nasaan na ba siya at kung ano na ang pinagsasabi niya dahil kanina pa akong wala sa sarili.

Nanliit ang kanyang mata at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Tapatin mo nga ako." Panimula niya.

Hindi ako umimik kaya nagpatuloy siya sa panunuri sa mukha ko. Inaya niya ako na lumabas daw kaming dalawa para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Pero parang mas gusto ko pa atang manatili na lang sa kwarto kasi mas nakakapag-isip ako ng tama doon.

Kahit na hindi ko sariling bahay... komportable ako kapag nasa loob lang.

"Hindi ka naman minamaltrato ni Troy, 'no?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam naman niya sa sarili niya ang sagot kaya hindi ko na kailangan pang magsalita. Tumawa naman ito at pumalakpak na parang natawa siya sa sariling tanong.

Ngumiwi siya at napakamot sa kanyang noo. "Oo nga pala." Bulong nito.

Hindi ako minamaltrato ni Archi. Hindi niya ako sinasaktan. Hindi niya ako pinagbubuhatan ng kamay. Hindi niya ako pinipilit at hindi niya naman ako ginagawan ng masama.

In fact...ayoko mang aminin, para siyang nagpapaka-asawa talaga sa'kin.

Pinagluluto niya ako. Umuuwi siya ng maaga. Kinakausap niya ako pero kapag alam niyang wala ako sa mood para makipagplastikan sa kanya, siya na ang nag-aadjust at kusa na siyang tumatahimik kaya wala naman kaming naging problema doon.

Pero sa tuwing makikita ko siya, palagi na lang nandidilim ang paningin ko kaya hangga't maaari, hindi ko talaga siya tinitingnan kasi naaalala ko ang masasamang pangyayari na nararanasan ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit ako pumapayag na magkatabi kami sa isang kama. Hindi totally magkatabi dahil sobrang laki ng space sa gitna naming dalawa pero nasa iisang kama parin kami. Iisa ang hinihigaan at tinutulugan naming dalawa.

Akala ko...akala ko noong una hindi siya mapagkakatiwalaan...pero sa pagsasama namin, hindi niya naman ako hinawakan nang walang permiso galing sa'kin. Hindi din siya basta basta lumalapit. Hindi siya pumapasok agad sa kwarto kapag nasa loob ako. Kakatok muna siya ng ilang beses at iinform ako na papasok siya sa loob.

Naalala ko....

Hindi ako makatulog. Kakauwi lang namin galing sa engagement party na 'yan. Nakapagpalit na kaming dalawa. Tulala ako at wala nang luha ang lumalabas sa mata ko. Naubos na ata sa sobrang pag-iyak ko. Wala na akong maramdaman kundi sakit.

Nakatalikod ako sa kanya. May mga unan na nakaharang sa pagitan namin. Nasa akin ang buong comforter. Hindi naman siya nagrereklamo kaya hindi ko siya pinapansin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now