CHAPTER 22

164 7 0
                                    

CHAPTER 22

Annoying Sister


"WHAT ARE YOU DOING HERE, THEATRYN?!" Malakas na tanong ko na umalingawngaw sa buong bahay nang mamukhaan ang kapatid ko na sobrang laki ng ngiti. Dala pa niya ang stuff toys niya na malaking penguin na pinangalanan niyang Mina dahil daw sa Mina sa twice.

Binitawan niya ang stuff toys at mabilis na yumakap sa'kin. Napadaig ako at napapikit ng mariin ng madali niya ang hita ko na nagbigay na naman ng labis na kirot.

"Just hug me for a while. You should be happy." Masiglang wika niya. Nilingon ko si Archi na tulala ngayon habang nakatingin sa kapatid ko.

Huminga ako ng malalim at nilayo si Thea sa akin. Miski ako gulong-gulo sa nangyayari at alam ko naman na hindi ako naghahallucinate o nag-iimagine kasi nakikita din siya ni Archi.

"Help me." Baling ko kay Archi. Tumango siya at inalalayan ako paupo sa sofa para maging komportable.

"Hi Kuya Troy. Wait...You must be Kuya Troy, right?" Ngumiti ito kay Archi na parang manghang-mangha sa kapatid ko na mas lalo lang nagpasakit sa ulo ko.

Naglahad siya ng kamay kay Archi na ikinanganga ko. "I'm Theatryn Ylonna Wilson, Younger sister of your wife, Twyla Yvonne Wilson but it's a Buenavista now. It's nice to meet you." Pormal na pormal na pagpapakilala nito na ikinasapo ko sa noo. Shit naman talaga.

Umiling ako at napamura ng tahimik. Si Archi naman ay tinanggap ang maliit na kamay ni Thea. "Hi, lady." Nakangiting wika nito. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa unang pagkikita nilang dalawa.

I didn't expect this. Wala akong balak na ipakilala talaga si Thea kay Archi since siya ang nag-iisang nakakaalam sa pamilya namin na asawa ko ito. Hindi pa ako handang magpaliwanag sa kanya pero ngayong nakikita ko naman na komportable siya lay Archi, parang sige na lang. Hahayaan ko na lang siya.

Nagtitili ito. "Oh my God, you're so Oppa Kuya Troy." Maarteng wika nito na may halong pagkaexcite kaya tuluyan na akong napatakip ng unan sa mukha sa sobrang kahihiyan para sa aking kapatid.

Embarrassment. Ayan. Ayan ang nararamdaman ko sa pagkikita nila. Ako ang nahihiya sa para sa kapatid ko.

Narinig kong tumawa si Archi at pinaupo si Thea sa tabi ko. Halatang magaan ang loob niya kay Archi dahil sobrang daldal niya dito at kung ano ano na ang sinasabi niya kahit na ngayon pa lang sila nagkita.

Inalis ko ang unan sa aking mukha at nakinig sa pag-uusap nilang dalawa. "I call you last night but you don't picked up my call." Parang nagtatampong wika nito.

Tumingin si Archi sa akin at saka ngumiti kay Thea. "I'm with your sister." Wika nito na ikinalaki ng mata ko dahil alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Pinanlakihan ko siya ng mata kaya naman napatawa ito sa reaksyon ko.

Humawak ako sa braso ni Archi. "Can you help me? I want to pee." Wika ko dito. Inalalayan niya naman akong tumayo.

"Sure." He said. He excused us muna kay Thea bago niya ako alalayan papunta sa cr. Pigil na pigil ang pagsigaw ko habang umiihi ako pero ganon na lang ang sama ng tingin ko kay Archi na nag-aalala sa kalagayan ko ngayon.

Sa mukha ko lang siya nakatingin. Bantay ko naman ang mga mata niya, e. Subukan niya lang ibaba ang kanyang tingin at panoorin kung paano ako umihi, talagang ibabato ko sa kanya ang mga sabon dito sa cr.

Natuon ko ang aking palad sa aking hita. May isang luhang pumatak mula sa aking mata kaya mabilis niya akong nilapitan. Pinunasan niya ang luha ko.

"Are you sure you okay? Dalhin na kaya kita sa hospital?" Tanong niya sa'kin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now