CHAPTER 25

163 5 1
                                    

CHAPTER 25

Gala


"Okay. Later." Sagot ko sa sinabi niya na ikinatahimik naman nito.

He chuckled yo himself. "I was just kidding, though...but...sure." he said.

Tumawa ako at hinila na siya para makapunta na kami sa office niya. Nakaupo na sa sofa si Thea at busy sa panonood sa kanyang tablet na dala. Nasa lamesa na ang Jollibee na si Ally ang nagbitbit dito.

Nag-angat ng tingin si Thea sa amin. Naaawa ako kasi alam kong nagtatampo na siya sa hindi ko pagpansin sa kanya pero ayoko namang pansinin siya hangga't hindi niya inaamin ang atraso niya sa akin at kay Theyle.

Mas mabuting pakitunguhan ko siya sa cold treatment ko kesa naman masigawan ko siya pero hindi naman siya madadala dahil sanay siya na palaging pinapagalitan. Maiba naman, 'no.

"Kuya Troy!" Magiliw na wika niya at mabilis na lumapit kay Archi.

Hindi ko na sila pinansin dalawa. Inalis ko na muna sa paper bag ang mga pagkain. Sakto namang dumating ang secretary niya na merong dalang utensils at mga plato para sa amin.

Thea never been tried eating Jollibee kaya sobrang tagal niyang nakatingin dito. I know her mouth is watering right now. She loved chicken. Definitely the skin of chicken.

Right now, ayokong i-assist siya sa pagkain. Galit ako, paninindigan ko.

Nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko. Spaghetti lang ang sa'kin dahil hindi ko feel ang rice ngayon pero bumili naman ako ng tig-dalawa para kay Thea at Archi.

Tahimik lang din ang dalawa pero ramdam ko ang pagtataka ni Archi sa kinikilos ko. Nang makitang wala akong balak na paglagyan si Thea ng pagkain, siya na mismo ang naglagay at gumawa non para sa akin.

"Hmm... it's delicious!" Puna niya ng matikman ang manok ng Jollibee. Pinigilan ko ang sarili ko na mapalingon sa kanya.

Natatandaan ko pa, i promised to her na ang magiging unang date namin ay sa Jollibee sa pilipinas kasi doon lang kami may privacy. Pero unang kain niya ng Jollibee, sama ng loob naman ang binigay niya sa akin.

"It is your first time eating this?" Tanong ni Archi sa kanya na natatawa dahil sa ekspresyon ng mukha ni Thea.

"Yes! I heard too many praises about this fast-food chain and it's beyond and way better than my expectations!" She said.

Tumikhim ako at tumingin kay Archi na sakto namang nakatingin sa akin. Kinunutan niya ako ng noo at inirapan ko naman soya kaya mas lalong kumunot ang noo niya pero nilipat din naman agad kay Thea ang kanyang atensyon.

Alam kong naguguluhan na siya kung bakit nag-iba na naman ang mood ko at iniisip kung ano na naman ang kasalanang ginawa niya sa akin.

Wala. Wala siyang ginawang masama. Sadyang naiinis lang talaga ako kay Thea.

"It's my first time too." He said.

Napatigil ako sa pagnguya ng marinig ang sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? First time lang din niyang kumain ng Jollibee? Kung titingnan, malabong mangyari at imposible pero dahil alam kong hindi naman siya matakaw at mahikig sa mga fatty foods, maybe he's telling the truth.

Pero hindi nga? Kahit isang beses? Kahit tikim lang? Oh my God! I'm a half Filipino pero kulang ang buhay ko kung hindi ako kumakain ng Jollibee!

I mean, Jollibee is my life! Tuwing lunch nung college, we always ended up having a lunch there. Hindi ka magsasawa kasi hindi naman nakakasawa.

Magtatanong pa sana ako nang bigla na lang nagsalita si Thea. "Can you hand me the gravy, Ate Yvonne?" Nakikiusap niya gamit ang mahinahon at malambing na boses.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat