CHAPTER 36

126 5 0
                                    

IG

"Can i spend christmas with you?"

Agad kong natikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Hindi ako sigurado kung tama ba ang narinig ko o baka hallucination lang ang lahat.

"H-huh?"

"Can i spend christmas with you?" Pag-uulit niya sa kanyang tanong.

Tuluyan na akong natahimik at hindi agad nakasagot. I blinked twice and waiting him to say it's just a joke but he didn't say it...kailan pa siya natutong magjoke, Yvonne?

Napalunok ako at nahihirapang nagsalita. "But...my parents...they are expecting me to celebrate holiday with them." I said. Sinabi ko pa kina mommy na uuwi din ako bukas or probably pagkatapos ng party dahil oras naman para sila naman ang kasama ko.

Minsan lang kami mabuo at pagkakataon na 'to dahil hindi na ako busy na tao...sa ngayon. Pero ang mga ganitong sitwasyon ay hindi na pinapalagpas dahil malapit na ulit akong bumalik sa trabaho.

"Yes, of course, hindi naman kita pipigilan don...what i mean is...can i spend Christmas with you?" He paused, "...and your family. Can i?" He asked.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga naglalarong alitaptap sa aking tiyan. Unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ko. Napakamot ako sa aking buhok at kinagat ang labi para pigilan ang nararamdaman. Nagpapasalamat ako na nasa daan ang kanyang paningin kaya naman hindi niya ako nakikita na parang tanga na wagas makangiti.

"Of...of course. But... would they allow you?" I asked, pertaining to his parents.

He smiled and nodded. "Yes, i already informed them about it. I just want...to celebrate it with you since this is our first christmas together." He exclaimed.

Dahil sa pag-uusap namin ay hindi na nawala pa ang ngiti sa kabi ko. Bumaba kami sa sasakyan. Doon ko lang napantanto na sobrang ganda sa tinigilan namin. Matarik siya at nasa pinakatuktok, para ngang may bangin kaya naman napatingin ako kay Archi na napalingon din sa akin.

I hate heights...

Umihip ang malamig na hangin. May isang puno na malaki sa pinkadulo at parang may kweba din. Madamo ang paligid at hindi din sobrang sakit ng araw sa balat. Lumapit kami sa dulo at halos mapapikit ako at mapatakbo dahil sa sobrang taas ng babagsakan kung sakali mang mahulog kami.

They started to take a picture. Pakiramdam ko namumutla na ako dito dahil sa pag-iisip na guguho ang tinatapakan namin. Hindi na ata ako humihinga kaya naman kumapit ako sa braso ni Archi na tahimik lang din at pinapanood ang lahat na nagpipic ngayon.

The view is awesome, but... it's not making me happy. Hindi ako natutuwa sa taas nito.

He laughed when he saw my reaction. "Scared?" He asked playfully.

Agad ko siyang hinampas sa tiyan kaya naman mas natawa siya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako sa pinakagitna kaya medyo narelax ako ngayon.

"God! Kung may magpopropose man sa'kin, sana dito ganapin para romantic ha!" Sigaw ni Summer habang nakatingin kay Shan na agad natawa sa sinabi niya. Nagparinig pa nga sa kanyang katabi.

"Ang demanding, sa'kin nga sa kusina lang nagproposed." Singit naman ni Snow na ikinatawa ng kanyang mga pinsan. Napakamot naman sa ulo niya si Calyx at sinabing tatlong beses na siyang nagproposed at iba-ibang lugar pa iyon.

Hindi ko mapigilang mamangha sa sinabi nito. Hindi ko tuloy alam kung maiinis ba ako o malulungkot dahil hindi ko man lang naranasan ang ganon...

...well.... nevermind.

Nagpicture na kami. Sobra siguro ang kapit ko sa mga katabi ko dahil nangangatog ang aking tuhod sa takot na baka may tumulak sa'kin kahit na wala namang gagawa non. Hindi ko talaga kayang tumingin sa baba dahil feeling ko masusuka ako sa sobrang taas tapos ilog pa ang babagsakan.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now