CHAPTER 46

145 4 0
                                    

CHAPTER 46

PARENTS

Natahimik sa buong table namin. Agad akong nasamid at hindi lang ako. Umubo ubo si Summer na may nanlalaking matang nakatingin sa amin. Nabalutan ng gulat ang mata ng bawat isa. Kahit ako.

Hindi ko inaasahan na sasabihin 'yon. Buong akala ko patatapusin niya ang dinner at bubuwelo muna para hindi sila mabigla pero ang pagtatanong tanong pala niya ay paunti-unti papalapit sa kasal.

Uminom agad ako ng tubig. Ramdam ko ang pagkamangha ng bawat isa. My face heated as my hands started to shake. Wala man lang pasabi si Archi! Ni hindi ako nainform na sasabihin na niya kaya hindi ko napaghandaan. Kahit kailan talaga may sarili siyang plano!

Ang maingay naming table kanina ay bigla na lang naging mapayapa. Parang may dumaang anghel dahil hindi na sila maliligalig ngayon. Parang nangangapa pa sila at naghahanap ng magandang sasabihin.

"Y-you what?!" Gulat na tanong ni Spring.

Ang mga lalaki ay mahinahon lang. Sa itsura nila parang hindi na kataka taka na ikakasal kami ni Archi. Para bang expected na nila iyon.

"Need help to organize the wedding." Pag-uulit ni Archi. Naramdaman ko ang paggapang ng kanyang kamay sa ilalim ng lamesa para hawakan ang kamay ko. Saglit akong sumulyap sa kanya pero mabilis na nag-iwas ng tingin dahil nasa akin ang paningin niya.

Nanlaki muli ang mata nila. Mukhang hinintay pa talaga ang isang confirmation bago muling magreact. "What the... actual...fuc–" tinakpan ni Autumn ang kanyang bibig. "Seryoso ba?!" Tanong niya.

Me and Archi both nodded. Tumili ang mga babae at mga nagkatinginan pa. Mukhang excited na sila ngayong nawala na ang kanilang gulat. Nakahinga naman ako ng maluwag. Kabadong kabado ako kanina sa mga reaksyon nila.

Lumapit sila sa'kin. Tiningnan nila ang singsing na binigay sa'kin ni Archi. They congrats us. Tuwang-tuwa ang magulang ni Archi pati ang mga Tito at Tita niya. Akala ko nga magtatanong sila kung bakit dalawang linggo lang ang paghahanda pero salamat sa Diyos dahil mukhang hindi naman sila nagtaka.

"Pero kasal na kayo diba?" Tanong ni Snow samin.

Nagkatinginan kami ni Archi. Ngumuso siya dahil naramdaman niya ang pagsipa ko sa kanya sa ilalim. "I want to marry her in the church." Yun lang ang sinabi niya. Pinagkaguluhan kami ng gabing iyon. Hindi ko na kwinento kung paano nagpropose sa'kin si Archi...kasi...basta!

"You don't have to worry! Kami bahala sa Wedding niyo. The venue, reception, style, theme or what. Just relax and put the stress on us." Natatawang pagpiprisinta ni Summer. "I would like to organize that kind of occasion...pero hindi ka ba namanhikan muna?" She asked innocently.

"Her parents will be here tomorrow. I already book them a flight. Sinabi ko na sa inyo para maging maayos ang magaganap bukas." Si Archi. Napanganga ako dahil hindi ko inaasahan palagi ang mga moves niya. Planado ba ito? Bakit ang smooth ng mga pangyayari na parang pinaghandaan niya ng todo.

Muli silang tumili. Nagpigil ako ng ngiti habang nakasandal sa braso ni Archi. Inulan kami ng mga tanong. Kung sino ang mga abay, kung ano ang exact date, the theme and such. Sumakit ang ulo ko kaya sumubsob ako kay Archi. Hindi pa kasi talaga namin napag-uusapan 'yon kasi nasa pagsasabi palang kami.

"Stop it, girls. Stress na si Yvonne sa inyo. We will talk about that tomorrow. Son, usap tayo mamaya." Si Daddy Air.

Natapos na ang dinner namin at bumalik sa pagsasaya ang lahat. Tigil na sa pag-iinom ang girls at kinukulit na lang ako. Ang mga lalaki naman ang kasalukuyang umiinom. Nagkakantahan na ang mga katabi ko. Siguro para mahimasmasan sila ng todo.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now