CHAPTER 27

148 5 3
                                    

CHAAPTER 27

Disappointment



Nakagat ko ang labi ko kasabay ng paghigpit ng hawak ko sa aking cellphone. Bumibilis ang paghinga ko habang iniisip ang naging reaksyon niya mula sa dinner kanina.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Sa bawat text niya parang isang tinik na bumabara sa lalamunan ko. Nahihirapan akong lumunok at sobra-sobra din ang panginginig ng mga kamay ko.

Archi:

We're still not complete. The dinner is not yet starting. Where are you now?

Archi:

There's no traffic.

Archi:

Yve?

Archi:

Dadating ka pa ba?

Archi:

You promised.

Archi:

Just this night, please?

Archi:

Yvonne...

Pakiramdam ko merong punyal na bumaon sa dibdib ko habang nakatingin sa mga text niya kanina. Gusto kong mahiya sa sarili ko dahil nangako talaga ako na pupunta sa dinner pero pinaasa ko na naman siya at ang pamilya niya.

I'm sorry...

Hindi ko alam kung bakit ganito kakapal ang mukha ko. Sa puntong ito, hindi na ako magtataka kung ayawan nila ako kahit na hindi pa nila ako nakikilala dahil sa inaasal ko ngayon.

But, right, now, i care for Archi's feelings. Ano kaya ang reaksyon niya? Oh, God, pakiramdam ko, napahiya ko na naman siya sa pamilya niya.

A single tear escape from my eyes na agad kong pinunasan. Ang sakit sa dibdib kahit ako yung may kasalanan. I read his recent text that made me awful to myself more.

Why, Archi? Why? Why are you doing this?

Archi:

Kumain ka na.

Archi:

I'm on my way.

You're supposed to be mad at me. Bakit hindi mo magawa? I disappoint you! Why you're still treating me this way?

Nasabunutan ko ang sarili ko at naiyak na lang sa sobrang sama ng loob. Bakit ako ganito? I question my own attitude. Bakit ganito? Bakit hindi ko kayang sundin ang dinidikta ng puso ko? Bakit puro praktikal? Bakit puro isip?

Natulala ako at hinayaan na umiyak ng tahimik. Nang alam kong malapit na siyang umuwi, nag-ayos na muna ako ng mukha para hindi mahalata na iniyakan ko ang hindi pagpunta sa dinner.

I heard his car. Nakagat ko ang labi ko ng hindi ko narinig ang pagbusina niya. Unti-unti akong tumayo at sinalubong ang kanyang mata nang siya ay makapasok na sa loob. Walang imik. Wala siyang sinabi. Parang lumamig sa buong bahay. He locked the door and the windows.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na ito. I felt ashamed and disgust to myself and this situation made me realize what I've done. It made me feel so guilty.

Tanggal na ang coat niya at seryosong seryoso siya. He loosened his necktie. Gusto kong maiyak ulit dahil hindi niya ako tinitingnan. This is the treatment i deserved, after all. Mas mabuting ganito na lang muna siya kesa naman hahayaan niya na naman ako sa masamang ugali ko. Kaya inaabuso ko ang kabutihan niya, e....kasi alam kong hindi niya kayang magalit sa akin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now