CHAPTER 40

143 5 0
                                    

CHAPTER 40

PAPER

Umuwi na ako dahil hindi ko macontact si Archi. Inaasahan ko na maabutan ko siyang nasa bahay na pero hindi. Wala siya at wala din ang kanyang kotse sa garahe. Tinawagan ko si Ally para itanong kung magkasama ba si Archi at si Drew pero sinabi niya na kasama niya daw si Drew.

Hindi ko na alam kung saan pa hahagilapin si Archi. Natext ko na ang mga kaibigan niya. I even texted his mom! Pero sabi nila hindi naman daw siya napapadpad doon. Halos mamatay na ako sa pag-aalala.

Alam ko ang mga tumatakbo sa isip niya. Kung bakit pa kasi doon pa talaga sa part na magkayakap kaming dalawa ni Aaron ang malapitan niyang nakita. Baka kung ano na ang iniisip niya ngayon.

Hanggang sa nakatulog na lang ako sa paghihintay. Hindi ko alam kung anong oras na siya nakauwi pero nakita kong nandoon na ang kanyang kotse. Wala siya sa aming kwarto kaya naman nagmadali akong nag-ayos ng sarili para makausap siya.

Pagkalabas ko sa cr, natigilan ako dahil saktong papasok siya. Seryoso ang kanyang mukha at mukhang kulang sa tulog. Para din siyang lasing dahil mapupula ang leeg niya. Alam kong ganon siya pag nakainom.

Balak ko na sanang magsalita para ipaliwanag sa kanya ang nakita niya kagabi pero bigla niyang nilahad sa akin ang isang envelope na nagpatikom ng bibig ko. Agad akong nanlamig dahil sa kabang nararamdaman. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa binibigay niya ngayon.

"A-ano 'to?" Nauutal na tanong ko.

Hindi siya nagsalita kaya inabot ko ang envelope na binibigay niya. Sinulyapan ko muna siyang muli bago ito nilabas at binasa ang nakasulat. Ganon na lang ang pagbagsak ng mundo ko.

Divorce paper.

May binigay pa siya sa'kin pero hindi ko masyadong maaninaw dahil nanunubig ang mga mata ko. Humigpit ang hawak ko habang binabasa ang nakasulat. Is this true? Nangyayari ba talaga 'to?

Nilingon ko siya pero hindi siya makatingin sa'kin. Why, Archi? Why?

"I also bought you a plane ticket. I think you missed your flight that night because of me." He said. Sobrang lamig ng kanyang boses na iisipin ko na lang na siya ba talaga ang kausap ko? Siya ba talaga ang nasa harapan ko? Siya ba talaga ang lalaking mahaba ang pasensya pagdating sa'kin? Bakit parang tuluyan na talaga niya akong sinukuan?

And i don't care about my flight! Hindi ako umalis kasi pinili kong wag tumuloy at oo! Dahil iyon sa kanya! And i don't need a ticket! I can buy my own but not decided to do it!

Gusto ko iyang isigaw sa kanya pero hindi ko magawa. Pinanood ko siyang may kinukuha sa kanyang bulsa. Nakita ko doon ang dalawang susi at isang card. "This is the key of your condo unit. Still the same room." He said. Halos mapanganga ako sa sinabi niya.

Pinapaalis na niya ako? Ayaw na niya akong makita?

Bumuntong hininga ito. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga palad niya. "I will fix everything, just sign the paper. I'm sorry for the damage." He said.

WHAT A FUCKING GOOD MORNING!

Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinapaniwala na sana hindi totoo ang mga nangyayari ngayon. Babawi na nga ako, eh. Bakit kung kailan babawi ako, saka naman may mangyayaring masama.

"If they asked you why we need to separate, just tell them i cheated like what you have said, kahit hindi naman para hindi ka mahirapan sa paulit-ulit na tanong. Or just simply tell the truth that i forced our marriage." Pagpapatuloy nila. Medyo nalukot ko ang papel na hawak ko habang tahimik na nakikinig sa kanya.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now