CHAPTER 42

178 8 0
                                    

CHAPTER 42

GENERATOR



"Lalabas ka ba?"

Umiling ako. "Inaantok ako. I want to sleep." Sagot ko sa kanya. Humikab ako at humiga sa couch. Sobrang aga ko naman kasing gumising tapos napuyat pa ako kagabi dahil may ginawa lang kami ni Fei na kailangan naming ipasa kaagad.

Tumango naman ito habang nilalagay ang kanyang relo. Pinanood ko siya. Ngayon lang ako nakaramdam ng pagod. Ang tanging gusto ko lang ay magpahinga. Gusto kong mapag-isa pero mas gusto ko siyang kasama.

"Aalis na ako..." Napalunok ako dahil sa sobrang lamig ng kanyang boses. Okay, always! Bakit pa ba ako naninibago, e natural naman na ang pagiging malamig niya.

Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Lately nagiging matampuhin na din ako kahit sa maliliit na bagay lang. Kahit nga wala siyang ginagawa basta hindi niya ako pinapansin, hindi ko din siya papansinin.

"Okay..." Mababang wika ko. Hindi nag-abalang tingnan siya.

Rinig ko ang yabag ng kanyang mga sapatos. Pumikit ako dahil alam ko na papalapit siya sa akin at hindi ako nagkamali dahil naramdaman ko na siya sa tabi ko.

"I badly need to work. Tambak na ang trabaho ko..." Malumanay na paliwanag niya. Tumango akong muli. Wala naman akong sinasabi. Hindi naman ako galit. Hindi din naman ako nagsusumbat sa kanya. Totally good mood parin naman ako hanggang ngayon.

Umusod ako para makaupo siya ng maayos. "Oo nga. Anong oras na, malelate ka na. Okay naman ako dito." Wika ko. Nananatiling mababa ang tono.

Hindi siya sumagot kaya naman nilingon ko siya. Nakatitig siya sa'kin. Sobrang tagal naming nagtitigan. Parang may mahikang humihila sa'kin sa pamamagitan ng kanyang mata pero ganon na lang ang pagpipigil ko ng ngisi dahil siya ang unang nag-iwas ng tingin.

"Baka layasan mo na naman ako." He said.

Nagpigil ako ng ngiti. Sinasabi ko na nga ba't iyon ang iniisip niya.

Umiling ako at hinawakan ang kanyang braso. Natutuwa ako dahil kahit na hindi pa kami maayos na maayos at hindi pa klaro kung ano na ba ang estado naming dalawa, nagpapasalamat ako dahil hindi na siya malamig sa akin. Hindi na niya ako tinuturing na hangin.

"Hindi ako aalis dito. Lalayas lang ako kapag nambabae ka talaga. I want to rest too. Pumasok ka na..."

Inabot kami ng halos 10 minutes na nag-uusap bago siya umalis na kaya tuloy hindi niya din magagawa agad ang mga trabaho niya.

Ilang oras na akong mag-isa dito sa bahay. Wala naman akong magawa kundi ang kumain, manood ng TV at matulog. Lahat ng mga kakilala ko ay may mga trabaho kaya wala akong maistorbo. Tapos ngayon naman kakagising ko lang at sobrang lakas na ng ulan sa labas.

Tulog ang dalawa naming alaga. Nasa kanya-kanyang bahay sila. Kakatapos ko lang maglunch ngayon at wala na naman akong magawa.

It's cold!

Umakyat ako sa kwarto para muling matulog na lang. Sobrang lakas ng ulan at ang lamig lamig din. Binalot ko ang aking sarili sa comforter. Balak ko sanang papuntahin dito sina Fei pero ayoko naman na makipagsapalaran pa sila sa lakas ng ulan. May bagyo pa ata.

Dumaan ang bawat sandali. Malapit na maggabi ngayon at bumuhos ang mas malakas na ulan. Nagugutom na ako pero ayokong magluto. Nanatili ako sa kwarto dahil natatakot akong lumabas lalo na't ako lang mag-isa sa bahay at nagkikidlatan at kalugkuran na din sa labas.

Napatakip ako sa aking tainga dahil sa pagkidlat na kasunod ay malakas at marahas na kalugkog. Akmang ichachat ko na dapat si Archi pero agad na nawalan ng kuryente na nagpatindig ng balahibo ko.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now