CHAPTER 1

247 11 4
                                    

CHAPTER 1

Reject


"Babe, intindihin mo naman. May fashion show ako next week. Hindi ako pwedeng umuwi na lang basta." Mahinahon na paliwanag ko kay Aaron sa kabilang linya.

Narinig ko siyang bumuntong hininga. "Kahit isang araw lang?" Namamaos na tanong nito.

Ngumiwi ako at napakamot sa aking pisngi. "Hindi talaga pwede, Aaron. Hindi pwede. Babalik naman ako kapag hindi na puno ang schedule ko." Pilit na pagpapaintindi ko sa kanya.

"It's our anniversary, Yvonne." Malamig na wika nito at may diin ang bawat salita.

Natahimik ako sa sobrang pagkabigla. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba at pagkadismaya. Tiningnan ko ang date sa aking cellphone at halos mamutla. Shit.

"Seems you forgot." Wika nito na mas lalong nagpatigil sa'kin. Halata sa boses niya ang galit na pilit na tinatago.

Hindi ko alam na anniversary namin ngayon. Sa mga nakaraang buwan, sobrang dami kong ginagawa. Puno ang schedule ko. Ni wala nga akong pahinga at tulog dahil sa kabila't kanang mga interview at fashion show.

"I-i'm not literally forgot. It's just... it's just—"

He cut me off. Muli itong bumuntong hininga.  "I will just cancel my reservation. I need to go. Have fun." Mapait na wika nito at mabilis na pinatay ang tawag.

Matagal akong napatitig sa cellphone ko. Pumait ang pakiramdam ko at bahagyang sumikip ang dibdib.

Kahit na gustong-gusto kong umuwi ng pilipinas, hindi pwede. I'm a rising supermodel. Nasa kalagitnaan na ako ng career ko. I spent too much hardwork, effort and sacrifice just to be here. Pumayag siya na magmodel ako international because he want to pursue his dream too.

Pero ngayong graduate na siya at isa na sa sikat na businessman, alam kong iba na ang goal niya ngayon. Ako naman, nasa gitna pa lang ako at i enjoy every journey i had. Hindi ko ito pwedeng palagpasin.

Pero ano na ang nangyayari ngayon. He's always mad. Sa tuwing tatawag siya at sasabihin kong hindi ako makakauwi, nagtatampo siya at palagi kaming nauuwi sa away.

It's been 5 months since we last saw each other and been 3 years since i live here in Los Angeles. Long distance relationship isn't that easy. Hindi ako magtatagal sa pilipinas. About 2-3 weeks lang akong nagbabakasyon don then balik ulit dito dahil nandito naman ang parents ko. Aaron, my grandparents and my friends are the reason why i need to fly back in the Philippines.

Dumungaw sa pinto si Lyka kaya napatingin ako sa kanya. Siya ang main stylist at make up artist ko ilang taon na. "Eve, halika na dito. Aayusan na kita ng buhok." Aniya. Tumango ako kaya naman naman sumenyas na siya sa labas dahilan para lumapit na sa katulong niya sa pag-aayos sa'kin. Meron akong photoshoot ngayong araw para sa isang magazine.

"Nag-away na naman kayo?" Tanong niya sa'kin.

Ngumiti ako sa kanya mula sa salamin. Siya lang ang madalas kong kausap ngayon. I'm not that close to my siblings. I used to live in my grandparents house when i was young. Lumaki ako sa pilipinas at sila ay madalang ko lang na makausap o makita.

My parents naman, close ako sa kanila pero they're always busy. Kahit nga na nandito lang ako kasama nila madalang ko lang sila makita dahil pare-pareho kaming may mga trabaho. Lalo na ngayon na ako ang pinakabusy.

"Pwede ka naman kasing umuwi muna. Decline one project. Maiintindihan naman 'yon ni Fei." Aniya.

Fei is my manager. Kahit siya mismo gusto din akong pauwiin sa pilipinas but i always insisted. Ako ang tumatanggap ng mga project. Ako ang pumapayag sa mga interview at runway. Kung ano ang desisyon ko, payag siya don.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now