CHAPTER 28

150 5 1
                                    

CHAPTER 28

Family


Pagdating ng umaga, naalimpungatan ako. Maaga pa pero hindi ko alam kung bakit hindi ko na kayang matulog pa ulit. Napatingin ako sa katabi ko. He's still hugging me. Kagabi pa kami magkayakapang dalawa pero walang nagsasalita sa amin.

Sobrang higpit ng yakap niya sa'kin. Hindi naman ako makapagsalita o makapagsorry man lang sa kanya kasi parang pati dila ko nadurog na din. Nahihiya talaga ako at ganon na lang kakapal ang mukha ko para humarap sa kanya.

I hurt him...again.

Tumingala ako sa kanya. I caressed his hair. He's sleeping peacefully. Hindi ko alam kung anong oras na siya natulog dahil mas nauna ako sa kanya. He looked so tired. Nasayang ang araw niya kahapon nang dahil sa'kin.

Unti-unti kong tinanggal ang kamay niya na nakayakap sa aking bewang. Dahan-dahan at may pag-iingat dahil ayokong magising siya. Laking pasasalamat ko naman ng mapansing tulog na tulog talaga siya. Mukhang puyat siya.

Tumayo ako at tumingin sa salamin ng banyo. Naghilamos at nagtootbrush na ako. Hindi ako nagkaroon ng chance na makapagpalit ng damit kagabi kaya ngayon ako nagpalit. Nagsuot lang ako ng maong short na kulay black at naghalungkat din ako ng t-shirt sa kanyang closet.

Pinuyod ko ang aking buhok. Wala na ang cake sa table kung saan ko ito nilagay kaya tiningnan ko ang mini ref sa kwarto niya at doon ko nakita ang binili namin kagabi.

Muli ko siyang nilingon. Hindi nagbago ang pwesto niya. Lumapit muna ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Babawi ako.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan. Doon ko nakita ang mga regalo na nasa gilid ng sofa. May mga maliliit pero lamang ang malalaki. Hindi ko ito napansin kagabi dahil sa pagmamadali ko.

I don't even have a gift for him. Maybe i can still buy some? Pero ano ang bibigay ko sa kanya kung kaya naman niyang bilhin ang lahat. He's not materialistic though he's sentimental. I need to put some effort if i want to give him a gift.

Sinimulan kong ilagay ang mga regalong natanggap niya sa lamesa. Sobrang dami pa nito kaya inakyat ko sa kwarto ang iba...at dahil nasa kwarto na ang iba, nilagay ko na din lahat. Kahit na nakailang balik na ako hindi parin siya nagigising. Nakapaggawa na ako ng mga ingay pero ang himbing parin ng tulog niya.

Nang muli akong bumaba, nakita ko ang laptop niya na nasa dining table. Hindi ito nakatiklop kay nagtaka ako. Nilapitan ko ito at halos manlamig ako ng makitang nakabukas doon ang account ng Instagram ko.

Agad ko itong tiningnan. Saktong sa profile ni Aaron nakabukas kaya kitang-kita ang conversation naming dalawa. Napahawak ako sa dibdib ko. Alam kong hindi niya iyon sinasadyang makita dahil ako ang nakalimot mag-log out sa laptop niya.

I assume that he read our conversation...kaya ba alam niya kung nasaan ako kagabi? Nabasa niya ang location at ang oras. Iniisip niya na si Aaron ang pinili ko... kahit iyon naman talaga ang nangyari.

I logged out my account on his laptop when i heard some knocking. Mabilis akong pumunta sa main door para pagbuksan ang mga tao sa labas pero ganon na lang ang gulat ko ng makita ang isang babae na may hawak na baby na parang 9 months old pa lang at meron ding bata na mga 3 or 4 years old. Parehas na babae ang dalawang bata. Tulog ang baby habang nakapikit naman ang isa na nakahawak sa binti niya.

Kumalabog ang dibdib ko kahit hindi naman dapat. Para akong tinakasan ng lakas sa mga iniisip ko na walang kasiguraduhan.

"Where's Troy?" Tanong ng babae sa akin. Nakangiti ito habang naghihintay sa sagot ko.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن