CHAPTER 45

169 7 0
                                    

CHAPTER 45

ANNOUNCEMENT


"Good morning!" Bati niya nang magising ako.

Hindi ko alam kung anong oras na. Halos late na din kasi kaming nakatulog at nawala sa isip ko na meron nga pala kaming pupuntahan ngayon kaya naman napabangon agad ako. Nakasuot na ako ng t-shirt at pajama.

"Morning..." Inaantok na bati ko pabalik. Humikab ako at balak na sanang magsalita muli pero agad napatayo dahil parang hinuhukay ang tiyan ko.

Mabilis akong napatayo at nagtatakbo sa banyo. Good thing bukas na ito kaya naman dere-deretso akong nagsuka sa bowl sa sobrang sama ng nararamdaman. Halos masuka ko ang lahat ng mga kinain ko kagabi.

In my almost five weeks of pregnancy, ngayon lang ako nagsuka. Akala ko nga makakaligtas ako sa morning sickness pero hindi pala.

Maluha-luha akong umupo sa sahig. Agad naman niya akong inalalayan at tinayo kahit na hinang hina ako. He flushed the bowl. Kinuha niya ang tissue sa gilid at mabilis na inabot iyon sa akin.

Nagmumog ako at nagtoothbrush dahil ayoko sa amoy ng suka ko. Nagpakuha din ako ng damit sa kanya para makapagpalit. "You prayed for this, ah!?" Baling ko sa kanya pagkatapos magbihis.

Umawang ang labi niya. "What?"

"You always asked before kung nagsusuka ba ako tuwing umaga. Ayan nagsuka ako. Morning sickness sucks..." Naiiyak na wika ko. Hindi ko yata kaya kung magsusuka ako araw-araw tuwing umaga. Ngayon palang nanlalambot na ako.

Bumuntong hininga siya at inalalayan ako pabalik sa kama. "Sasama pa ba tayo? We can stay here. Magpahinga ka na lang muna..." He said. Inayos niya ang buhok ko at sinandal sa headboard ng kama.

Laking pasasalamat ko dahil nasa tabi ko siya nang maranasan ko ito. He can assist me, take care of me. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mag-isa lang ako.

Nakahawak ako sa tiyan ko at tulala.

"Your first morning sickness?" Tanong niya sa'kin. Inabot niya ang tubig na nasa gilid. Umagang umaga parang sira na agad ang mood ko.

Nanghihina akong tumango. Hindi makapagsalita. Tumabi siya sa'kin at sinandal ako sa dibdib niya. He kissed the top of my head. "I'm here...i will help you." He assured.

Dahil doon napangiti ako. Assuring that we will deal this journey together makes me wanted to marry him as sooner. He's soooo much husband and father material.

Nanatili kaming ganoon ng mahigit ilang minuto bago ko naisipang tumayo. Nakahanda na kasi ang lahat at ayoko naman na macancel ang lakad namin dahil lang sa morning sickness ko. It's part of pregnancy. Hindi talaga maiiwasan ang ganon.

"Are you sure? We can stay here.."

Umiling ako at kinuha na ang towel para makaligo na. "Si Nay Stella nakaayos na. Just ready the car. Mabilis lang ako."

Naligo lang ako saglit. Nakahanda na naman ang mga gamit na dadalhin namin kaya hindi kami masyadong nagmamadali. Pabalik-balik dito si Archi kaya naman natatawa ako sa kanya. Minu-minuto kasing nagtatanong kung nasusuka ba daw ulit ako o ano.

I wear a white halter top and black skirt. Nakasapatos lang ako dahil ayokong magheels ngayon. Doble ingat na lang kasi first baby ko ito at alam kong lampa ako.

Bumaba na kami ni Archi. Sinundo niya ako sa kwarto namin. Nasa backseat na ngayon si Nay Stella na excited na din dahil muli na niyang makakasama ang pamilyang Buenavista. Syempre excited na din naman ako kasi mamaya na din namin sasabihin sa kanila ang mga pinag-usapan namin ni Archi kagabi.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now