CHAPTER 35

172 7 1
                                    

CHAPTER 35

Christmas


Pumasok na ako sa loob at saktong pababa na sina mommy ngayon. Tumingin sila sa labas at mahuhulaan ko na kung ano ang nasa isip nila. "Archi just left." I said.

"Pinakain mo ba bago umalis?" Tanong ni daddy.

"Yes, dad. I also tapos na kumain. Aalis kami nina Thea mamaya. Road trip dito lang sa palibot." I said. Pumayag sila at pinagising na din ang tatlo para mag-umagahan.

Sumama sa amin sina Daddy sa road trip. We also went to the falls near to our land. Naligo kami doon at nagpicnic.

I spend this day with my family. We took a picture and pick a different type of stone para iuwi. I also updated Archi time to time, ganoon din naman siya.

Maghahapon na nung makauwi kami sa bahay. Nauna akong bumaba sa sasakyan dahil basa ang damit ko. Hindi ako nakapagbaon kasi hindi naman namin plinano na magswimming. Actually lahat naman kami basa ngayon at may mga nakabalot na towel upang hindi malamigan.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Ang last na text pa sa'kin ni Archi ay mahigit 3 hours na ang nakalipas. Kanina pa ko naghihintay pero nakauwi na kami't lahat lahat pero hanggang ngayon hindi na nasundan pa ang text niya.

"Dad, did Archi text you?" Tanong ko nang makita na nakasunod sa akin si Daddy.

Inakbayan niya ako at pinakita sa akin ang phone niya. "Nope, why?" He asked.

Suminghap ako. Ramdam ko ang matinding pangungunot ng noo ko. "Hindi pa siya nagtetext sa'kin–"

"I'm driving...i wasn't able to text you..."

What the heck...

"Oh ayan ang hinahanap mo."

Agad akong natigilan at nanlaki ang mata nang marinig ang boses ni Archi sa likod ko. Mabilis akong humarap at halos malaglag ang panga ko nang makita siyang nakangiti habang may dalang bouquet ng flower. Binati niya ang pamilya ko at binigay ang... cassava cake na kanyang dala.

Tumaas ang sulok ng labi ko pero inabot din naman ang bulaklak. Napalunok ako at agad na ngumiti. Inamoy ko ito at doon ko napansin na... "Tanim talaga namin 'to!" Natatawang wika ko at tinulak siya ng bahagya.

"I bought it." He chuckled.

"Dapat pumitas ka na lang dyan tapos ayon na lang ang binigay mo sa anak ko..." Sabay-sabay kaming natawa sa sinabi ni daddy.

"Jayra, get a food and drink for Troy..." Utos ni mommy sa mga kasambahay namin.

Ngumiwi ako saglit nang pagmasdan ni Archi ang kabuuan ko. Natulo-tulo pa ang tubig galing sa aking basang damit at sa buhok. "I will change first. I'm cold." I said.

Tumango naman siya at sinabing kakausapin niya muna daw ang magulang ko. Ako naman ay excited na naligo at nagpalit ng damit dahil kahit na wala pang isang araw siyang wala, miss na miss ko na agad siya.

Nagsuot lang ako ng pajama terno na strawberry design. Dahil maggagabi na ngayon, naghahanda na ako para sa pagtulog mamaya. Nagpatuyo din ako ng buhok at naglagay ng pulbos sa mukha at liptint sa labi.

Bumaba na ako matapos magpabango. Pinatapos ko na din pala sa mga kasambahay ang mga regalo ko. Habang wala sina mommy kanina, sa kanila ko iniasa ang mga natira kong gawain kaya tapos na ang mga ito. Syempre naman lahat ng tao sa bahay may binili din akong regalo, sigurado na may regalo din naman sila sa mga magulang ko.

"But in Christmas day?"

"Of course she will spend her Christmas with you. Iuuwi ko din po siya kaagad..." Kumunot ang noo ko habang dahan-dahan na naglalakad pababa sa hagdan. Rinig na rinig ko ang pag-uusap nila.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant