CHAPTER 5

172 10 1
                                    

CHAPTER 5

Home



"What do you want to eat?" Tanong niya.

It's been two days since that night happened. Mag-aapat na araw na ako dito sa bahay niya. Hindi ako umaalis sa kwarto. Nagkukulong lang ako doon. Hindi din naman niya ako pinipilit na lumabas.

Dinadalhan niya lang ako ng pagkain na hindi ko din naman kinakain.

"Wala." Tamad na wika ko. Wala akong ganang kumain.

"You need to eat–"

Inis akong tumingin sa kanya. "Shut up." Hindi ba talaga siya marunong umintindi? Kailangan ba paulit-ulit kong sabihin? Ganon ba kahina ang pag-iisip niya?

"Yvonne, you need–" hindi ko siya pinatapos.

"Ayoko nga sabi! Ayokong makasabay ka kumain. Ayokong nakikita ka! Ayokong kasama ka! Nawawalan ako ng gana!" Sigaw ko sa kanya.

Natigilan siya saglit pero mabilis na bumuntong hininga. Lumabas na sa kwarto ng walang imik at walang naging komento sa sinabi ko. Tulad ng madalas kong ginagawa, tumagilid lang ako at nagkumot.

After that night, nagising na lang ako na malinis na ang buong kwarto. Wala na ang mga kalat at wala na din ang mga bubog galing sa mga nabasag ko non. Maayos na ang lahat at mukhang pinalitan niya ang mga gamit.

Wala naman siyang sinabi. Hindi siya nagalit sa ginawa ko. Hindi ko alam kung siya ba ang naglinis ng mga kalat pero mukhang wala namang ibang gagawa non dahil kami lang dalawa ang tao dito sa malaking bahay na 'to.

Natulala lang ako sa kisame. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang dami ng iniisip. Wala akong ganang lumabas kahit na ilang beses pa akong magplano na umalis dito.

Namalayan ko na lang na nakaidlip na naman ako. Wala akong ibang ginawa kundi ang matulog, maligo at matutulog na ulit.

I feel like I'm depressed.

Nagising ako ng merong pumasok sa loob. Nakita ko si Archi na mukhang bagong ligo. May kausap siya sa telepono. Balak ko na sanang bumalik sa pagkakapikit pero hindi na natuloy dahil papalapit siya sa'kin ngayon.

"Yes. Her phone is broke and she's sick right now." Wika nito.

Kumunot ang noo ko ng binigay niya sa'kin ang cellphone. May pagdadalawang-isip ko pa ito tinanggap dahil mukhang importante ang tawag. "Really? She didn't even buy one? How poor."

Agad nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Thea. What the hell is going on? Tiningnan ko ang caller. It's not register. Tanging number lang ang nandoon pero alam ko at kilala ko ang boses ng kapatid ko.

"Anong ginagawa mo?" Sarkastikong tanong ko.

"Oh!" Mukhang nagulat siya sa kabilang linya. "My dearest sister! It's you!" Malakas na wika nito na parang sobrang tagal naming hindi nagkausap.

Tiningnan ko ang oras ngayon. 7:00 pa lang ng gabi kaya nanliit ang mata ko. "It's only 3:00 AM and you're not yet sleeping!" Pagalit na wika ko.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya ngayon para magpuyat ng ganito. Not 12:00 but 3:00. That girl! Madaling araw na.

"It's because you're not calling! I'm worried. It's been 3 days. You're not updating us." Sumbat niya sa'kin. Kusa na lang nawala ang pagkakakunot ng noo ko. After 3 days, ngayon na lang gumanda ang pakiramdam ko.

I'm touch on what she said. Kahit saglit lang, napasaya niya ako.

Bumuntong hininga ako. "I'm sorry." Halos pabulong na lang na wika ko. I focused on myself again. My pain. My struggle. Hindi ko naiisip na meron pa akong pamilya na nag-aalala sa'kin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now