CHAPTER 33

131 6 0
                                    

CHAPTER 33

Parents


Days had passed.

It's early in the morning. The sun already shown up, but I cannot afford to get up dahil sa labis na pagkaantok.

I hugged Archi and calm myself back to sleep but my cellphone kept ringing so I opened my eyes irritably.

Kinuha ko ang cellphone ko sa gilid at saka umupo. Nakatapis ng kumot ang katawan ko dahil sa mainit na gabing pinagsaluhan namin ni Archi. Bumuga ako ng hangin at inis na sinagot ang tawag.

Wala pang dalawang oras ang tulog ko kaya naiirita talaga ako kasi hindi pa nababawi ang lakas ko. Sumandal ako sa headboard at balak na sanang manermon sa tumawag sa'kin pero agad akong natigilan nang marinig ang boses ng taong nasa kabilang linya.

"We are at the airport right now."

Nabuhayan ang sarili ko at agad na nataranta. Biglang nawala ang pagkaantok at pagod ko.

"D-dad?"

"Kanina pa." He said. "Do you have no intention of fetching us?" Tanong nito.

Agad kong binaba ang tawag at hinagilap ang bathrobe na malapit sa'kin para takpan ang hubad kong katawan. Napasabunot ako sa buhok ko at agad na napatingin sa katabi ko na hindi ko napansin na nagising din pala.

"What's wrong?" He asked.

"Si Daddy! Nasa pilipinas na sila!" Namumutlang wika ko.

Umawang ang labi niya pero hindi naman nagsalita agad kaya hinampas ko ang hubad niyang dibdib. "Ano ba! Andyan na sina Daddy!" Pasigaw na wika ko.

Napatingin ako sa orasan sa tabi ko. 8 na ng umaga ngayon at ni hindi man lang sila nagsabi ng date kung kailan sila uuwi dito kaya gulatan lang talaga. Hindi ko napaghandaan.

"Anong gagawin ko? Itatago mo 'ko?" Mapait na tanong niya.

Kumunot ang noo ko at sumimangot. Gusto kong matawa pero wala akong panahon para doon. "Baliw ka ba?! Bakit ko gagawin 'yon? Nagpapasundo na sila kaya kumilos ka na din." Wika ko at tumayo na. Muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa panlalambot pero agad naman niya akong nasalo.

"Maliligo na muna ako. Kanina pa ata sila sa airport." I said.

"Let's shower together to consume time." He said. Pumayag naman ako dahil sa pagmamadali. Naligo na kaming dalawa at nagbihis. Tarantang taranta ako pero siya ay kalmado lang.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Agad kong kinuha ang salamin ko at nag-ayos ng mukha. Halatang pagod ako at antok na antok pa talaga.

"Kasi naman..." Bulong-bulong ko habang nagsusuklay ng buhok. Ni hindi ako nakapamili ng magandang susuotin dahil sa pagmamadali. Simpleng short lang at t-shirt na barbie ang tatak. Tapos hindi din ako nakapagsapatos. Talagang slippers na pambahay ang suot ko.

Tumingin ako sa backseat at may narealize kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "Wait...hindi sila kasya dito!" Sigaw ko.

Napahikab siya at napahilamos sa mukha niya. Parang pati siya kulang sa tulog at pagod na pagod din tulad ko. Nagdesisyon kaming dalawa na magtig-isang kotse ang gagamitin para doon kami sa isang kotse at si daddy ang magdadrive ng dala ko.

Nagpunta na kami sa airport. Nagpahuli siya. Paminsan-minsan tumatapat siya sa akin at nagagalit sa tuwing mabilis akong magpatakbo kaya naman siya ang umuna pero pilit akong nagpapauna sa kanya. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako o ano dahil magka-call pa kami at patuloy siya sa panenermon sa akin.

"You're driving too fast. I won't be surprised when a police approaches you." Malamig na wika niya. Kanina pa kasi siyang nagsasalita pero hindi ko naman sinusunod.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon