CHAPTER 17

155 6 0
                                    

CHAPTER 17


"Where's your phone?" Tanong ko kay Archi.

Nasa kotse kami ngayon. Papunta kami kina Drew dahil kararating lang ng mga ito galing Singapore. Nakapower off naman ang cellphone ko dahil naiirita ako sa mga tao international. Hindi ko alam kung ano na naman ba ang issue ko dahil madami na namang nagfoflood sa akin.

Walang pag-aalinlangan niyang binigay ang kanyang cellphone habang ang paningin ay nasa akin. Wala itong password katulad dati. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko hiniram ang phone niya. Wala naman akong gagawin dito.

I wear the dress he brought me. Color green nga ito kaya mas lalong tumingkad ang pagkaputi ko. Nagulat nga ako na ang dami niyang pasalubong para sa akin. Yung maletang nasa kwarto, dala niya pala 'yon at puro mga binili niya na for me daw.

Inasar pa nga ako nina Ally nang malaman 'yon. Daig ko pa daw ang anak ng isang ofw na magtrabaho ng ilang taon sa ibang bansa. Sobrang dami talaga as in. Tapos puro din mga pagkain.

Actually okay na naman kami ni Archi. Simula nung bumalik siya galing Singapore, wala na kaming naging alitan na. I don't know. Hindi namin pinag-uusapan ang mga nangyari noong kasal ni Aaron. Hangga't maaari nga parang siya pa ang iwas na iwas sa issue naming iyon dahil nag-iiba agad siya ng topic once na alam niyang lumalapit kami don.

Nakakasawa din naman na lagi kaming may issue kaya nakikisama na ako sa kanya. At hindi naman ako nagsisinungaling noong sinabi kong miss ko na siya dahil ilang linggo din kaming hindi nagkita. Ewan ko. Hinahanap hanap ko na lagi ang presensya niya.

Una kong tiningnan ang kanyang album. Puro nga building sa Singapore ang laman non. Wala naman kakaiba. Nay iilang picture na magkasama si Drew at Felicity at meron din siyang solo na hindi ko alam kung sino ang kumuha.

Napatitig ako sa picture niya. Hindi pa siya nagpapagupit dito. Nakangiti siya habang nakapikit tapos may hawak siyang ibon na color green. Hindi ko alam kung bakit ako napangiwi sa picture niyang iyon kahit na sobrang gwapo niya naman dito.

Nagscroll pa ako. Laking gulat ko na lang na meron akong dalawang picture sa gallery niya. Ito ay nung kasal ni Gina! Nakangiti ako habang nakikinig sa vow nila tapos ang isa naman ay nasa reception na kami. Kumakain ako ng kanin tapos punong puno ang bibig ko.

Matalim ko siyang tiningnan pero hindi niya iyon nakikita dahil tutok siya sa kalsada. Ang pangit ko doon, mukha akong patay gutom na ewan. Sobrang lobo talaga ng pisngi ko tapos nakaside eye pa ko. Hindi ko alam kung kailan niya ito kinuha dahil hindi ko naman napapansin. Syempre hindi niya ako pinapansin non.

"You're cute." Natatawang wika niya. Mukhang napansin niya na masama ang tingin ko sa kanyang cellphone. Hinarap ko sa kanya ang cellphone niya pero tumawa lang ito sa akin.

"Pangit! I'll delete it!" Wika ko sa paraang wala na siyang masasabi at hindi na siya makakatanggi.

Umiling siya sa'kin. "No. That's my phone–"

"It's my face." Pagputol ko naman sa kanya. Ngumiti ito at parang inaamo ako sa mga tingin niya. Hindi naman ako nagpadala sa pagpapacute niya sa'kin. Dinelete ko ang pic ko na 'yon dahil ang dugyot talaga. Hindi naman siya tumutol na. Hinayaan niya lang ako sa pagkakalkal ng mga picture.

Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para hindi tingnan ang mga social media account niya. Ilang beses ko na ngang tinangkang pindutin ang messages pero naisip ko na privacy na niya 'yon. Kung siya ang gumalaw sa phone ko, siguradong magagalit ako sa kanya. Nilagay ko lang ang sitwasyon niya sa'kin.

Pumunta ako sa camera. I took a picture. Iba't ibang angle. Pansin ko nga na maya't maya ang paglingon niya sa'kin eh. May isang pic naman na sinama ko siya. Sobrang close up nga ng mukha ko sa picture na mahahalata at makikita ang mga nunal ko sa mukha.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat