CHAPTER 30

176 8 0
                                    

CHAPTER 30

"Ouch." Daing ko ng magising ako kinaumagahan. Tirik na tirik na ang araw at wala na din akong katabi.

Pinagmasdan kong mabuti ang buong kwarto. This is his room before? Katulad na katulad ng kwarto namin sa bahay. Hindi nagkakalayo kahit isang detalye lang. The mixture of plain white and silver. So manly and well organized. Ang kulang lang dito mga damit ko para masabi kong nasa kwarto lang kami.

Dahan-dahan akong tumayo. Naghilamos muna ako at nag-ayos ng mukha bago nagpalit ng damit. Kumuha lang ako ng kulay brown na damit niya na hindi lumalayo sa kanyang amoy.

Nagpalit lang naman ako dahil suot ko pa ang dress na suot ko kagabi. Wala naman akong damit dito kaya wala akong magamit. Dahil may cycling naman ako, iyon na lang ang ginamit ko.

I smiled as i inhaled Archi's scent that lingered on the fabric. Kaya gustong gusto ko laging sinusuot ang mga damit niya.

I wear the pink slipper. Alam ko na agad na pang sa akin ito dahil saktong sakto sa size ng paa ko. Pagkatapos makitang maayos at presentable na ako, saka lang ako bumaba ng hagdan para hanapin si Archi.

Una kong nakita si Summer at Spring na nakaupo sa couch. Sapo ang kanilang mga ulo. Tulad ko, may iniinda ding hangover. Katabi nila ang kanilang mga daddy na mukhang pinagsasabihan sila ngayon.

They are big family and so close to each other. Close din naman kaming pamilya pero hindi kami masyadong open sa isa't isa.

Parang umuwi ang mga boyfriend nila kagabi base sa mga narinig ko. Hindi dito natulog. Ipinagtataka ko lang kung bakit hindi ko makita si Snow at si Autumn. Tulog pa kaya sila?

Ngayon ko lang nakita ng husto ang bahay nila. Nasa gitna ang pinakahagdan nito at kahit na nasa second floor ako, kitang-kita ko sila sa baba dahil para siyang corridor. Sobrang lawak. Kahit saan ako pumuwesto, kitang-kita ko ang bawat sulok ng bahay mula sa baba.

"G-good morning po." Bati ko nang sabay-sabay silang mapalingon sa akin. Saktong nakababa na ako sa huling baitang.

"Good morning, hija." Nakangiting bati ni Tito Storm. Ngumiti din ako pabalik at binati din ang mga bumati sa akin. Inalok nila ako ng tinapay, kape at kung ano-ano pa na tinanggihan ko naman dahil hindi ako sanay na hindi ko kasabay si Archi.

"Where's Kuya Archi?" Inaantok na tanong sa akin ni Autum nang makababa siya ng hagdan. Nakaupo ako sa single couch habang hawak ang aking phone. Sinasanay ko pa ang presensya ko sa kanilang pamilya.

"Kanina ko pa ding hinahanap." Sagot ko sa kanya. Nagtanong na nga ako sa momny nila pero sabi hindi niya daw alam at baka kasama lang ng daddy niya kaya hinayaan ko na lang.

So Autumn is the originally called him Archi. Ang alam ko dalawa lang kami na tumatawag sa kanyang Archi at hindi ako ang una.

Autum greet me a good morning and i greeted her back. Nakatulala kaming dalawa kasama sina Summer at Spring na nakaidlip na dahil inaantok parin daw hanggang ngayon. Napatayo naman ako nang makita si Archi na kakapasok lang kasama ang daddy niya. Mukhang lumabas silang dalawa dahil hawak niya ang kanyang susi.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Agad nanlaki ang mata ko na nilingon si Autumn na patay malisya sa kanyang nakita. "Good morning..." He greeted. Sobrang laki ng ngiti niya na ikinakunot ng noo ko.

Ligo na siya. Nakapantalon na siya at naka-tshirt na kulay brown. Parehas kami ng suot. "Kanina pa kitang hinahanap." Nakangusong wika ko.

Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm sorry. My dad and I just visit the old house near the lake." He said. Tumabi siya sa akin. Dahil hindi naman kami kasya dahil sa single couch lang naman ako nakaupo, nandoon lang siya sa gilid ng sofa. Nakaakbay sa akin.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat