CHAPTER 19

144 5 3
                                    

CHAPTER 19

Duty

Nang nasa hotel na kami, nagpaiwan kaming dalawa ni Ally sa isang cabin dahil nagchecheck i  na si Archi para sa amin. Ewan ko dito kay Ally kung bakit ayaw pa magcheck in. Wag niyang sabihin na katabi niya si Drew.

"Tara mag-inom." Pag-aaya nito sa'kin.

Umangat ang labi ko pero dahan-dahan namang ngumiti. "Tara." Mabilis na pagpayag ko. Sabay kaming dalawa na pumunta sa isang mini bar at doon umorder ng mga alak na hindi naman hard.

Iniwan ko kay Archi ang mga gamit ko. Ewan ko. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon dahil kahit na nakababa na kami ng eroplano, hindi pa rin siya tinantanan ng babae kaya naman napilitan akong sa iba sumakay papunta sa hotel.

Tiningnan ko ang kabuuan ng paligid. May mga lights na dahil gabi na ngayon. Pati mga gilid ng swimming pool meron na din. Maayos at maaliwalas din ang paligid. Ang sarap magswimming ngayong gabi pero masyadong pagod ang katawan ko sa biyahe ngayon kaya ipagpapabukas ko na lang.

"3 days lang tayo dito? Parang ang bitin naman non." Wika ni Ally saka tumungga ng kanyang inumin.

"Edi magpaiwan ka dito. Gawin mong one month para masaya." Sarkastikong wika ko sa kanya kaya agad akong sinamaan nito ng tingin.

Tumikhim siya at niyakap ang sarili. Agad akong napahawak sa jacket ni Archi. Hindi ko mapigilang mapangiti pero agad iyong nawala nang may mapagtanto ako.

Agad akong napalunok at umiling.

Hindi pwede. Pigilan mo, Yvonne.

"Anong problem?" Tanong niya sa'kin nang mapansing natahimik ako.

Matagal akong napatitig sa kanya bago dahan-dahang umiling kasi kahit ako hindi alam kung ano ang problema. Bumuntong hininga ako at nilagok ang mojito na nasa baso.

Napatingin ako sa mga palabas ng hotel. Una kong nakita si Archi na kausap si Drew. May ilan pang mga hindi pamilyar na mukha ang kasama nila at nandoon din si Chelsea na hindi ko alam na kasama din sa trip na 'to?

Bakit hindi ko alam? At kung makangiti siya habang nakatitig kay Archi akala mo'y lalamunin niya ng buo ang asawa ko.

I hate her smile.

Muli akong kumuha ng isang bote ng alak. This time, i picked a hard liquor. Rinig ko ang pag-alma ni Ally pero hindi ko siya pinakinggan dahil busy ako sa pagtingin sa bawat galaw ni Chelsea na masyadong disturbing.

Pumuwesto sila sa isang mahabang lamesa na malapit sa mga pool. Anong meron? May mga pagkain na don na ngayon ko lang napansin. Masyado ba kaming nawili sa pagkukwentuhan ni Ally para hindi makita ang maliliit na detalye sa paligid namin?

Unang umupo si Chelsea. Tinapik niya pa ang katabi niyang upuan na parang inaalok si Archi na tumabi sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa bote. Tatayo na sana ako at balak nang magwalk out pero nakita ko ang pag-iling ni Archi at umupo malayo sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag at muling umayos ng upo. "Para kang tanga." Puna sa'kin ni Ally.

Napahawak ako sa noo ko. "Natanga na talaga." Mahinang wika ko.

Tumingin siya sa banda nina Archi. "May biglaang meeting daw sila ngayon para sa activity na gagawin nila bukas." Paliwanag nito sa akin kaya malinaw na sa parte ko kung bakit sila nagtitipon doon.

May lumapit sa aming isang lalaki. Kilala ko siya actually. Schoolmate ko ito pero hindi ko naman siya close. Friendly akong tao pero hindi naman ibig sabihin non kaibigan ko na ang lahat.

"Hi." Bati nito sa amin.

"Sup." Bati ni Ally pabalik. Baka siya close niya.

Tumabi ito sa akin at humingi ng alak sa bartender. After he had his drink, ngumiti siya sa akin. "Nabalitaan kong kasal ka na daw. Wow, good for you." He said while smiling.

Fallen Too Far (Untold Stories of Marriage #2)Where stories live. Discover now