CHAPTER II (FREEN's POV)

6.7K 256 32
                                    

First time ko syang makita ng malapitan, sayang at hindi ko man lang sya nakausap.

Mas maganda sya sa malapitan.
Type ko sya pero hindi ko sya kayang pormahan. Knowing the age gap, nahihiya akong masabihan ng child abuse.

Mas bata sya sakin ng apat na taon.
Nakilala ko sya sa pag flood nya sa notifs ko everyday, as in walang palya. Sa lahat ng social media accounts ko nakafollow sya, nagrereact at nagcocomment.

Pano ko ba sya hindi makikilala?

Nababasa ko lahat ng comment nya, but still hindi ako nagrereply o nagrereact.

Hindi ko rin sya finafollow pero ini-stalk ko sya.
Yes, ini-stalk ko sya everyday.

Why? Because I like her. She's beautiful.

CELEBRATION OF WINNING

Nasa resto bar kami ng mga ka-team ko para mag celebrate ng pagkapanalo.

Pinag uusapan nila ang tungkol sa pakikipag relasyon, sa mga crush. Nakikinig lang ako habang nag uusap usap sila.

"Gayahin nyo tong si freen, faithful" sabi ni Jim.

Nashock ang lahat ng narinig nila si Jim, hindi kasi ako pala-crush kaya nabigla sila sa sinabi ni jim.

"Wait, what?" Nagtatakang tanong ni kade habang nakataas ang kilay.

"With who?" Tanong naman ni Tee.

"Teka nga bat hindi namin alam yan?" Tanong ni fon.

"Bakit si jim lang ang may alam?" Tanong ni Maddy.

"Big deal?" Pagtataray na tanong ni Jim.

Tahimik lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"Meron akong nagugustuhan." Sagot ko.

Natahimik silang lahat na para bang himala yung sinabi ko.

"Omg!! Tao ka nga" pang aasar ni Maddy.

"Sino ba tong pinagpala na to?" Tanong ni tee.

"Wag nyo ng alamin, imposible naman na maging kami" sagot ko.

"Busted agad?" Tanong ni fon.

"Anong busted? Tanungin mo muna kung may ginawa na ba sya para mapalapit dun sa tao" pang aasar ni Jim.

"So ano nga?" Tanong ni tee.

"Wala nga. Ini-stalk ko lang sya. Yun lang" sagot ko.

"Omg ang friend natin stalker" pang aasar ni maddy.

"Pano ka magkakaron ng chance kung hindi ka mag first move?" Tanong sakin ni Tee. Sya kasi marami na syang naging jowa, kaya professional ang tingin namin sa kanya pagdating sa ganito.

"Should I?" Tanong ko.

"Wag mo nga syang itulad sayo" pang aasar ni fon kay Tee.

Secret Admirer (GL)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin