CHAPTER LXVII (BECKY's POV)

3.1K 180 38
                                    

Pagkahatid ni Freen sakin sa bahay ay agad syang umalis para umuwi naman sa mami at dadi nya.

Well, gusto nya kasi na magkaroon ng quality time sa parents nya, lalo na ngayon.. at naiintindihan ko naman sya.. Sakto rin naman na pinauuwi ako ni mama ngayon sa bahay..

Nakaupo ako sa sofa at nakatulala nang lumapit sakin si mama..

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah.." sabi ni mama sakin.

Ngumiti lang ako pero hindi ako nagsalita..
Iniisip ko kasi si Freen.. alam kong nahihirapan sya ngayon.. At gusto ko na hanggat maaari ay makatulong ako para mapagaan yung bigat na nararamdaman nya..

"Ano ba ang iniisip mo?" Tanong ni mama..

"Si freen po kasi eh.. Nag aalala ako sa kanya.." sabi ko kay mama.

"Ganito po pala kapag sobrang mahal mo yung tao, kapag nakikita mo syang nasasaktan.. masasaktan ka rin.." nakangiti kong sabi kay mama..

"Oo naman.. mahal mo eh.. ganyan din ako noon, sa first love ko.." nakangiting kwento ni mama.

"Si papa?" Nakangiting sabi ko.

"Hmm.. hindi si papa mo ang first love ko.. Yung papa mo, wala akong naging problema dyan.. It." sagot nya sakin nang nakangiti.

"Huh? Eh sino po?" Tanong ko. Buong akala ko si papa ang first love nya. Hindi pala.

"Si Marie.." nakangiti nyang sagot sakin.

Marie?? Babae??

"Huh?? Marie??" Ulit ko.

"Oo, babae sya.. Sya ang first love ko.." nakangiting sabi ni mama. Nagulat ako sa sinabi ni mama. Hindi ko inexpect na nagkaroon sya ng jowang babae..

So now I know kung kanino ako nagmana.. nakakatawa.. Akala ko kasi straight si mama.

"We're so inlove with each other.. ang saya saya namin lalo na kapag mag kasama kaming dalawa.. kapag magkahiwalay kami, di ako mapakali.. Kapag nasasaktan sya, mas nasasaktan ako..." kwento ni mama..

"Eh bat kayo naghiwalay kung masaya naman pala kayo pareho?" Tanong ko sa kanya.

"Nabuntis sya.." nakangiting sagot ni mama..

Ang sakit non.. iniimagine ko palang na si freen ang mabubuntis ng lalaki, hindi ko ata kakayanin yun.

"Nabuntis sya habang kayo pa?" Tanong ko.

"Oo.. kaya sobra akong nasaktan.. kaso wala eh, nangyari na.. wala naman akong magagawa.." sagot ni mama.

"Paano nangyari yun?" Tanong ko.

"Nag away kasi kami, uminom sya.. tapos ayun nalasing daw sya, may nangyari sa kanila nung tropa nya.. nabuntis sya.." kwento ni mama habang nakangiti.

"Anong naramdaman mo nung nalaman mong buntis sya?" Tanong ko.

"Shempre nasaktan.. kasi naging tapat ako eh.. Pero sya hindi.." sagot ni mama.

Ang sakit naman pala ng pinagdaanan nya sa first love nya. Sana wag kong danasin kay freen yon. Baka mabaliw ako.

"Nung nalaman mo, anong ginawa mo?" Curious na tanong ko.

"Nakipaghiwalay ako shempre.." sagot ni mama..

"Pumayag sya?" Tanong ko.

"Shempre hindi.. pinipilit nya na hindi nya ako niloko.. sinabi nya na nalasing sya at hindi nya alam ang nangyari.." natatawang sabi ni mama.

Grabe.. iba talaga ang nagagawa ng alak.. kaya ayaw ni freen nang may kainuman kaming lalaki.. kasi iba talaga sila..

"Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, tinanggap ko yung paliwanag nya.. Hindi na ako nakipaghiwalay.." sabi ni mama.

Grabe, kahit pala si mama naging bulag sa pag ibig dati.. iba talaga ang nagagawa ng pag ibig.. Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo sya titignan sa mga nagawa nyang kasalanan sayo..

"Pero hindi rin kami nag tagal eh.. Hindi ko kasi kinaya yung sakit na nararamdaman ko sa twing nakikita ko syang buntis.. Palagi ko syang inaaway.. palaging mainit ang ulo ko sa kanya.. Dumating ako sa point na pinandidirian ko sya.. Ayoko na syang hawakan o halikan.. dahil ang nakikita ko sa kanya ay kung paano sya nakipagtalik sa iba.." kwento ni mama..

Grabe yung sakit na pinagdaanan ni mama. Kung ako yung nasa sitwasyon nya, im sure nabaliw na ako.

"So kailangan ko maging matatag para sa sarili ko.. nilayuan ko sya kahit na mahal na mahal ko sya.. kasi yung pagmamahal na meron ako para sa kanya, yun din ang sisira sakin kapag nag stay pa ako sa kanya.." nakangiting sabi ni mama. Nakikita ko sa kanya yung pagka proud nya na pinili nya yung best para sa sarili nya..

"Nakipaghiwalay ako kahit ayaw ng puso ko.. at kahit ayaw nya.. wala syang nagawa dahil buo na ang desisyon ko.. Yun na ang huli naming pagkikita.. after 3 years dun ko naman nakilala ang papa mo... Niligawan nya ako at pinakasalan.." sabi ni mama.

Wow ang ganda naman ng lovestory nya.. Medyo malupit yung plot.. nakakaexcite siguro panoorin yun sa teleserye..

"Katulad mo, nasaktan din ako na nakita ko syang nasaktan.. pero kailangan kong iahon ang sarili ko dun eh.. kaya mahalaga na mahal mo rin ang sarili mo.." sabi ni mama sakin. 

"Grabe ma.. halos pareho pala tayo magmahal.. pero kung ako ang nasa sitwasyon mo, malamang mababaliw ako.." nakangiting biro ko sa kanya.

"Alam kong hindi gagawin ni freen yon dahil mahal ka nya. Palagi ka nga nyang inuuna eh.. Para sakin, hindi naman mahalaga kung babae o lalaki ang makatuluyan mo.. Ang mahalaga sakin ay yung aalagaan ka at uunahin ka palagi.. at lahat yun ay nakikita ko kay freen.." nakangiting sabi ni mama sabay hawak sa kamay ko.. nakita nya ang singsing na nakasuot sa kamay ko..

"Nagpropose na po sakin si Freen.. pero napagkasunduan namin na after 2 years saka kami magpakasal.. kaya hindi kopa nasasabi sa inyo ni papa.." nakangiting sabi ko kay mama.

"Ang panganay ko, ikakasal na.." nakangiting sabi ni mama sabay halik sa kamay ko.

"Ma.. 2 years pa po.." sabi ko.

"Palagi mong tatandaan, na ang marriage ay hindi parang kanin na kapag napaso ka ay iluluwa mo nalang.." payo ni mama sakin.

"Palagi nyong mahalin at piliin ang isat isa.." sabi naman ni papa na nasa likuran namin. Nakikinig pala sya samin.

"Papa nandyan ka na po pala.." nakangiting sabi ko sabay mano..

"Kanina pa ako nandito, narinig ko nga lahat ng pinag usapan nyo ng mama mo.." nakangiting sbai ni papa.

So alam ni papa na babae ang first love ni mama.. at okay lang yun sa kanya?

"So alam nyo po?" Tanong ko

"Oo naman.. tanggap ko ang mama mo.. babae man, bakla, baboy, kabayo, bakulaw o kung anong uri pa man ang nakarelasyon nya. Its in the past.. Ang mahalaga, ako yung happy ending nya.." nakangiting sagot ni papa sabay yakap kay mama.

Ang sweet nilang dalawa.. para silang teenager na naglalambingan sa harap ko. Mas lalo ko tuloy namiss si Freen..

Palagi kasi nya akong nasisigawan nitong mga nakaraan dahil palagi kong pinipilit na magpatawad sya.

Bat ko ba kasi pinipilit? Alam kong hindi madali.. Dapat mas maramdaman nyang nasa panig nya ako.. Kasi ako dapat ang sandigan nya.. ako dapat ang kakampi nya..




(Give me a comment about this chapter..)

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now