CHAPTER V (BECKY's POV)

5.3K 229 22
                                    

Finally nandito na kami sa bahay nya. Medyo kinakabahan ako. Ngayon ko lang kasi makakasama yung mga kaibigan nya.

Omg!! Parang ang bilis ng pangyayari. Hinatid nya ako sa bahay kagabi. Snundo nya ako sa bahay kanina. At ngayon ipapakilala nya pa ako sa mga kaibigan nya.

Ang sarap sa pakiramdam, parang girlfriend na nya ako. Kinikilig ako. Aaaaaaahhhh!!!!

Kalma!!

Hindi ka girlfriend..
Hindi ka girlfriend..

Pagpasok namin sa bahay nya, bumungad samin ang magagandang ngiti ng mga kaibigan nya.

"Bakit ganyan kayo ngumiti? Creepy!" Bungad na bati ni freen sa mga kaibigan nya.

"Aaaayyyy. Hindi mo ba alam na gantong ngiti ang binubungad kapag may magandang bisita.." sabi ng kaibigan nyang naka boy cut.

"Wala ka naman dito kanina ah, bat nandito ka ngayon?" sagot ni freen.

"Aarrgg!! Bat dimo na lang kami ipakilala sa magandang kasama mo.." sabi ulit ng kaibigan nya.

"Her name is becky." Sabi ni freen.
Napakasimple ng pagpapakilala nya sakin. Pero kahit ganon, kinikilig parin ako.

Ipinakilala nya ako sa mga kaibigan nya. So I smiled at them.

"Si jim, fon, sky, maddy at si Tee." Ipinakilala naman nya sakin ang mga kaibigan nya.

"Im Tee, titira sa puso mo.." banat ni tee sakin at inabot ang kamay nya para makipag shake hands at agad namang hinampas ni freen ang kamay nito.

Nashock ang lahat sa ginawa ni freen. At nag ngitian sila sabay sabay.

"Woooo!!! Jealous freen!" Pang aasar ni Jim.

Nag smile ako dahil sa narinig ko. Bakit sya inaasar ng mga kaibigan nya?

Gusto nya rin ba ako?

Wag ka mag assume. Masakit yon.

"She's here to watch movies." Sabi ni freen.

"Okay then lets watch together.. is it okay with you?" Tanong sakin ni Jim.

"Yes.. ofcourse.." sagot ko kay jim.

Inaya na nila ako umupo sa sofa, para magsimula na kaming manood sa netflix.

"So boring.. lets have a drink." Sabi ni sky.

Lumabas sila ni Tee para bumili ng alak.

"Don't forget to buy me a juice.. 2 bottles" paalala ni Freen kay sky.

Hindi ba sya umiinom ng alak? Well, thats additional pogi points!

Pagbalik nila sky at tee, kasama na nila ang girlfriend nila.

"Bec, si lara girlfriend ko. Si yana girlfriend ni sky." Pakilala ni Tee sa mga kasama nila.

Nilapag na nila ang mga bote ng alak sa lamesa.

Pinagbukas din ako ni sky ng isang bote ng beer. Pero agad namang kinuha ni freen yung bote ng alak na binigay sakin ni sky.

"I will not let you drink beer" sabi sakin ni freen. Iniabot nya sakin ang isang bote ng juice na pinabili nya ky sky.

Nagulat ang lahat sa ginawa ni freen habang ako napapangiti sa kilig..

"Jowa?" Tanong ni fon kay freen.

"Hindi pa daw sila pero pinagbabawalan na.." nakangiting pang aasar ni sky

"Should I explain?" Tanong ni freen sa mga kaibigan nya.

Secret Admirer (GL)Where stories live. Discover now