CHAPTER XXII (FREEN's POV)

4.3K 175 12
                                    

Sunday night ay nakauwi na kami sa bahay nila bec.

Oo dun kami umuwi sa bahay nila. Si mami at dadsy kasi ay nagbakasyon sa Japan. Kaya pinili naming mag stay sa bahay nila bec.

Pagdating namin ay inabot ko agad ang pasalubong ko sa kanila.

"Nako anak nag abala kapa.." sabi ni mama sakin.

"Si ate freen talaga hindi tayo nakakalimutan eh.." nakangiting sabi ni Rich.

"Aba shempre naman.." sagot ko.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama.

"Opo.." sagot ko.

"Love, I forgot to tell you, nag apply nga pala ako sa Art Company for my internship" sabi ni Bec na agad namang nagpawala sakin sa mood.

Tumingin sya sakin.

"Akyat na po ako.." paalam ko kila mama sabay akyat. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Bec.

"Love.." tawag sakin ni bec pero diretso parin ako sa paglakad paakyat sa kwarto.

Agad nya akong sinundan.

Pagpasok ko sa kwarto ay naupo ako sa kama.
Lumapit sya sakin at niyakap ako ng may pang aakit..

"Love.. are you mad at me?" Tanong nya sakin habang hinahaplos haplos nya ako.

Inalis ko agad ang pagkakakapit nya sakin. "Mas gusto mo pa talaga sa ibang company kesa sa company ko, sinong matutuwa?" Inis na sabi ko.

"Love.. gusto ko lang naman matapos ko yung internship ko dahil sa work hard ko, hindi dahil sa tulong ng iba.." sabi nya sakin.

"So iba na ako sayo ngayon?" Tanong ko.

"Hindi sa ganon." Sabi nya.

Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik. Kaya naman niyakap nya ako ulit.

"Still mad?" Tanong nya sakin habang nakayakap sya sakin.

Hindi parin ako nagsalita.

"Okay.. Mag aapply na rin ako sa company mo. Pero kung sino ang maunang mag hired sakin, dun ako magtatrabaho.." sabi nya sakin habang nakayakap parin.

Tumingin ako sa kanya.

"You're hired." Sabi ko.

Napangiti sya.

"Pero hindi pa ako nagpapasa ng resume ko sa company mo.." sabi nya habang nakangiti.

"Im the boss.." sagot ko.

Hindi na sya kumontra. Ngumiti sya at hinalikan nya ako.

"Okay.. I think I should give you a reward for being a good boss.." nakangiting sabi nya sakin sabay kandong sakin.

Hinalikan nya ako..
Ramdam ko ang mga haplos na nang aakit sakin..

"You gave me a job, so I should make you happy in return." Dugtong nya pa sa napaka mapang akit na boses.

Hinalikan nya ako sa labi hanggang sa leeg at nang tangka na nyang hubarin ang damit ko, bigla namang nag ring ang cellphone ko.

Kaya agad kaming napatigil. Si Tee ang tumatawag.

"Hello?" Sabi ni Tee.

"Hmm.." sagot ko.

"Can I ask for a favor?" Tanong ni Tee.

"Can I say no?" Tanong ko.

"You can but I know you won't because I am your favorite friend.." sabi ni Tee.

Secret Admirer (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon